Baron Geisler's behavior provokes ire of Direk Maryo de los Reyes

IMAGE 0


During the shooting of the digital film, Torotot, director Maryo de los Reyes (inset) got pissed off by Baron Geisler's drunken behavior.



Isang nakagugulat na insidente ang naganap sa shooting ng digital film na Torotot (Destierro) kahapon, January 30, involving Baron Geisler and the film's director, Maryo J. de los Reyes.



Normal na ang temperament ng mga direktor sa set, yung emotional outburts kapag may tension at pressure. Sa nabanggit na insidente, napikon si Direk Maryo nang sa isang tuhog na party scene ay bigla na lang tinangkang halikan ni Baron ang sexy star na ipinapakilala sa pelikula, si Precious Adona.

Nasa shooting kami mismo ng Torotot sa rest house ni Direk Maryo sa Pansol, Los BaƱos, Laguna, nang mangyari ang medyo pag-alma ni Precious, at nagsabing, "Baron, wala naman sa script 'yang ginagawa mo!"



Yun pala, nakikita na ni Direk sa monitor ang kilos ni Baron kaya sumigaw na ito ng "Cut!"

Sa inis ni Direk Maryo, nasigawan nito si Baron in front of so many people na may kaugnayan sa shooting, nakadampot ng silya at inihambalos ito sa pavement ng garden kung saan kinukunan ang nabanggit na eksena.



Sandaling natigilan ang lahat, and after three minutes, si Direk Maryo na rin mismo ang nag-pacify sa lahat. Si Baron naman ay halatang hindi alam kung paano magre-react sa ginawa ng na-offend niyang direktor.

Mas marami ang naaawa kay Baron sa pangyayaring ito na ikinasabog ng galit ni Direk Maryo, dahil pinipilit siyang unawain ng maraming nakasaksi. For one thing, the whole party scene required drinking real beer among the actors, na ewan kung bakit agad ay parang nalasing si Baron at nawala sa sarili.



Halata raw na carried away si Baron sa saya ng eksena kaya nakagawa ng mga bagay na hindi naman required na gawin niya sa nabanggit na eksena.



Professional as they are expected to be, nag-cooperate na lang ang lahat ng involved sa produksiyon. Tinapos ang nabanggit na eksena na parang walang nangyari, kahit halatang halos ay hindi na nagkikibuan sina Baron at Direk Maryo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BAD WHEN DRUNK. Bago ang insidente, na-interview namin si Baron at inamin niyang he's bad when he's drunk. Hindi niya inaming alcoholic siya.



Marami nang insidenteng nasangkutan si Baron na tila nagpahamak sa kanya dahil sa impluwensiya ng alcohol. Doon na lang sa Bahay ni Kuya, sa nakaraang Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2, nang makatikim siya ng alak sa kasal ni Ruben Gonzaga ay nag-iba agad ang behavior niya. Sinagot-sagot niya nang pabalang si Kuya kaya hindi na ito napagpasensyahan at na-evict ang troubled actor.

Bago pa 'yon, ang pagkasunog ng bahay nila ay dahil din diumano sa sobrang kalasingan ni Baron. Pati na ang pilat sa mukha, na pina-plastic surgery na niya nang lumabas siya sa bahay ni Kuya, ay bunga rin ng pakikipag-away niya sa isang bar dulot ng sobrang kalasingan.



Nasabi rin ni Baron na scheduled siya for a series of counseling sessons to combat his bad behavior when he's drunk. Nilinaw pa niya na hindi ito rehabilitation kundi counseling lang.



Iniisip naman ng mga tao na mas makabubuti kay Baron ang intensive rehab dahil mas marami ang naniniwalang isa na itong hardcore alcoholic na nangangailangan ng professional help.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN