"Selda" actor Emilio Garcia shares his views on homosexuality

IMAGE 0


"Sa palagay ko, bawat bading, may kanya-kanyang istorya sa buhay at angmahalaga ay di naman yung siya ay bading. Dapat sigurong husgahan angisang tao dahil sa kanyang ginagawa at mga achievement niya," says Emilio Garcia.



Tampok sina Emilio Garcia at Sid Lucero sa indie film na Selda na tumatalakay sa relasyon ng dalawang preso. Tampok din sa naturang pelikula ang sexy actress na si Ara Mina.

May isang torrid kissing scene sina Emilio at Sida sa Selda at isa ito sa naging paksa sa presscon ng pelikula kahapon, January 31, Sa Uncle Joe's Bar along West Avenue, Quezon City. Sa open forum, kapwa nagpahayag ang dalawang aktor ng kanilang niloloob tungkol sa eksena.

"Nailang po ako noong una, pero nandoon na ‘yon. Alam kong importante sa eksena kaya ginawa ko," maiksing reaksiyon ni Emilio.

Si Sid naman, nagsabing mahirap ang eksenang ginawa nila pero hindi siya napilitan lang. "Pinaghandaan ko naman, una ko pa lang nabasa ang script alam ko nang ganoon ang mangyayari," sabi niya.

Pagkatapos ng open forum, kasama ng ilan pang reporters, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Emilio tungkol sa isyu ng homesexuality. Dahil matagal na rin siya sa showbiz, sanay na raw si Emilio sa mga bading sa show business.

Ani Emilio, "Hindi ako naaasiwa sa kanila, marami akong friends na ganyan dito at lahat sila nirerespeto ko. Marami namang respetadong taong ganyan dito at kung meron mang mangilan-ngilang taliwas sa karaniwan, dala na lang ‘yon ng upbringing nila.

"Actually po, ako mismo, may pinsang bading. Nung maliit pa siya, talagang di siya matanggap ng kanyang pamilya. Binubugbog siya para magpakalalaki pero wala silang nagawa. Ngayon, isa siyang sikat na fashion designer sa ibang bansa. Ang laki ng pakinabang ng kanyang pamilya. Nakapag-uwi siya ng karangalan sa pamilya niya.

Patuloy na pahayag ng aktor,"Sa palagay ko, bawat bading, may kanya-kanyang istorya sa buhay at ang mahalaga ay di naman yung siya ay bading. Dapat sigurong husgahan ang isang tao dahil sa kanyang ginagawa at mga achievement niya."

Liberal daw si Emilo pagdating sa pananaw sa ganitong sekswalidad. Lalo nga't marami siyang nakakasalamuha sa araw-araw bilang aktor. Aniya, nasanay na siya sa iba't bang uri ng bading—mayroon daw nagme-make up, may mukhang lalaki pero malambot kumilos, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron pa ngang talagang hindi mo mahahalata, meron talagang magaling magtago, pero karapatan nila ‘yon. Kung ayaw nilang lumantad, sa kanila ‘yon, " seryosong sabi ng aktor.

Naikuwento rin ni Emilio na meron siyang kilalang aktor na talagang macho. May asawa na raw ito, madalas lumabas sa action films. Hindi raw niya inakalang pusong babae pala ang aktor na naging kaibigan niya.

"Close kami talaga, matagal kaming nagkasama. Pero isang araw, kinausap niya ako, may problema daw siya. Ako naman, pinakinggan ko siya... ‘Yan kasi ang sikreto ko, I am a good listener. ‘Pag may problema ang sino mang lumalapit sa akin, I listen. Pagkatapos, tinutulungan ko kung makakatulong ang opinyon ko.

"Sabi niya, bading nga siya. Na-shock ako, hindi ko talagang inisip na ganoon pala ang problema niyang dinadala. Wala na siya ngayon, pero palagay ko talagang mahirap para sa kanya yung di siya makaladlad. Kaya siguro sa akin niya sinabi dahil alam niyang maiintindihan ko siya," salaysay ni Emilio.

Nang biruin si Emilio na magbigay ng clue ng identity ng aktor na tinututkoy niya, natawa lang siya. Sikreto raw ‘yon at talagang hindi siya nagbigay ng clue.

"Hindi naman importante kung sino siya," paliwanag niya. "Ang isyu ay yung tungkol nga ganyang klaseng seksuwalidad kaya nabanggit ko lang. Wala akong intensiyon na ibulgar ang sikreto niya. Kaya lang, para mas malinaw siguro yung sinasabi ko kaya nabanggit ko lang."

Nanalo si Emilio bilang Best Supporting Actor sa Gawad Tanglaw ngayong taon para sa role niya sa Selda at si Sid Lucero naman bilang Best Actor. Hindi ba apektado si Emilio dahil kung tutuusin ay pantay lang naman sila ng role nila sa Selda? Hindi ba dapat ay sa Best Actor category rin siya?

"Okay lang. Baka yun ang tingin nila sa role ko. Sa akin naman, importante yung bigyan nila ako ng pansin. Okay na sa akin ang Best Supporting Actor. Ibig sabihin kasi nun, kahit paano, pinansin nila ako," pagmamatuwid ni Emilio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanging sa showbiz lang kumukuha ng kanyang ikinabubuhay si Emilo at ang kanyang pamilya. Dati raw siyang nagbi-business, pero dahil nga mahirap ang pagpapatakbo ng negosyo, isinara niyang lahat ang mga restaurant na itinayo nila ng kanyang asawa.

"Pero kasya naman po yung kinikita ko, okay lang. Kahit mahirap, talagang kasya naman. Talagang hindi po ako magastos, matipid ako," pagwawakas ni Emilio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN