Celebrity mom Kris Aquino very proud of her two boys

IMAGE 0


"Noong una kasi, hindi talaga gusto ni Joshua si Baby James. He doesn't even want to look at the baby. Butlately, napapansin ko nang lumalabas na ang pagiging caring brother niJoshua kay Baby James," says Kris Aquino about her two sons.



Isang masayang Kris Aquino na may maaliwalas na outlook sa buhay ang humarap sa entertainment press kaugnay ng launching niya bilang endorser ng isang feminine wash.

Nabanggit ni Kris na tuwang-tuwa siya sa mga anak na sina Joshua at Baby James. Nagpapakita na raw ng pagkagiliw ang kanyang panganay sa kanyang bunso.



"Noong una kasi, hindi talaga gusto ni Joshua si Baby James," pagtatapat ni Kris. "He doesn't even want to look at the baby. But lately, napapansin ko nang lumalabas na ang pagiging caring brother ni Joshua kay Baby James.

Kinakantahan na niya ito ng nursery rhymes, pati na yung mga kanta ng Black Eyed Peas, hanggang doon sa 'Bayan Ko.' Na-shock nga ako, and asked Joshua, why ‘Bayan Ko'? It's the song daw taught to him by their lola [Cory Aquino]. Na-glad naman ako doon."

Napaiyak si Kris naman nang makita niya ang dalawa niyang anak na nakagayak nang husto at naka-tuxedo pa man din para sa pictorial ng K magazine para sa birthday and Valentine's Day special issue nito.



"Ang guwapo-guwapo nila kapag nakadamit sila ng ganoon. I realized how my boys grow up fast. Si Joshua, magti-thirteen years old na. Nagkakaroon na ng crushes. Gustung-gusto niya si Chloe ng 24K. Noong nagte-taping pa ako ng Deal or No Deal, kapag kasama ko si Joshua, nilalapitan niya si Chloe. Hinahaplus-haplos niya ang legs. Nakakaloka!



"Si Baby James naman, nakakatayo na. Any day from now, puwede na siguro siyang maglakad. I'm looking forward to that day. Anyway, bale nine months old pa lang siya, pero nakatutok na siya noon sa TV kapag lumalabas si Olive ng 24K sa Deal or No Deal," natatawa pang kuwento ni Kris.



Paborito raw na pinakikinggan at isinasayaw-sayaw pa ni Joshua ang album ni Willie Revillame na Willie Revillame Sings Saturno and Camo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Basta, 'pag nasa bahay kami, paulit-ulit kong pine-play 'yon," narrates Kris in glee. "Naririnig ko ring kinakanta-kantahan niya si Baby James ng mga kanta ni Willie," dugtong niya.



Malapit na ring mag-celebrate ng kanyang first birthday si Baby James. May engrandeng selebrasyon kaya?



"Wala siguro," sabi ni Kris. "Sabi kasi ng Mommy ko, hindi pa maa-appreciate ng bata yung saya ng first birthday. Wala pang muwang ang bata sa ganyan.



"When I turned one, alam mo bang ang ginawang birthday cake ko ay isang pirasong ensaymada? That was how they celebrated my birthday. Naaliw lang ako sa baby photos ko. Pero sabi kasi ng Mommy ko, mas magandang naghahanda talaga kapag seventh birthday na ng bata."

THRIFTY KRIS. Maraming natututunan si Kris sa paggastos. Hindi dahil sa nagkukuripot na siya. Kilala pa rin ang TV host-actress sa mga natatanging artistang very generous talaga.



"Kung mayroon naman, I give," sabi bi Kris. "Hanggang ngayon pa rin, kaya lang, I'm very honest about my finances. Nagpagawa kami ng bahay ni James [Yap, Kris's husband] at talagang halos masimot ang naipon naming dalawa. Hindi biro ang pagpapatayo ng isang magandang bahay.



"Kaya sa pagtatrabaho namin, forty percent palagi ng kinikita namin, nakatabi na at hindi na namin ginagalaw kahit ano pa ang mangyari. We have to make ipon from scratch talaga."



Kris's birthday falls on Valentine's day. Lagi naman daw kasing espesyal ito, hindi lang para sa kanila ni James, kundi pati na sa kanilang pamilya.



"Ibinibigay ko nga lahat ng bagay na okay sa Mommy ko. I bought her a new van. Ipinagpaalam ko rin sa kanya. Medyo pumayat nga siya dahil nagkasakit siya last Christmas, di ba?



"Iniisip ko na lang, kailan ko pa i-spoil ang Mommy ko? Habang malakas pa ako at kumikita ng malaki, I want to give her the best. Ang Mommy ko kasi, never na nanghingi 'yan sa akin. I still have to ask her kung ano ang gusto niya, at doon ko lang nalalaman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



How about her husband? Ano ba ang natuklasan niya recently rito na talagang ina-appreciate niya?



"I think the way he wants to raise Joshua and Baby James," sagot ng TV host-actress. "Hindi siya naniniwala na kailangang lahat ng gusto ng mga bata, ibinibigay. True enough kasi, he was brought up na longing for something palagi, at naroroon ang patience na maghintay para makuha o maibigay sa kanya ang isang bagay.



"Nakita ko rin kasi kay James yung ganoong quality, na hindi siya materyosong tao. He still has that good old-fashioned values, na nakabubuti pa rin naman. Impulsive kasi ako, na kapag may humiling sa mga anak ko, pinagbibigyan ko agad. Ngayon, may kasama nang explanation 'yon kay Joshua kung bakit hindi ko pa kailangang bilhin ang isang bagay na gusto niya, lalo na sa mga laruan. I think ganoon din ang gusto niyang pagpapalaking gawin namin kay Baby James," seryosong pahayag ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN