Rafael Rosel not keen on entering any gay relationship

Feb 3, 2008
Rafael Rosel is set to play the role of a devil in Maligno, ABS-CBN's horror series which premiered last January 28.

Isa sa mga Star Magic talents ng ABS-CBN na talagang walang anumang attitude problem ay itong si Rafael Rosell. Kaya naman kahit sinasabi ng iba na naging mabagal ang tutok ng ABS-CBN sa kanya, kuntento pa rin siya sa breaks na naibibigay sa kanya.

"Masaya ako, and I don't see any reason why I should be bothered about my career. Tuloy pa rin ang character ko sa Prinsesa ng Banyera. Then, people will be watching me in Maligno, where I play a very important role.

"Naiisip ko nga na baka ito na yung time na napapansin na ako talaga. Hindi naman ako particular sa ganyan, na kailangang lagi akong napapansin. I'm just doing what I am supposed to do, pero nararamdaman ko rin kasi," sabi ng aktor.

Nakakaipon na rin kahit paano si Rafael. With two regular commitments sa Dos, kasama pa ang ibang raket, hindi nakapagtatakang nagbubunga rin ng maganda ang pagsisipag niya.

Continue reading below ↓

Pero, sabi ng iba, mas matatalbugan ni Raf ang iba kung papayag lang daw siyang "magpaalaga" sa isang gay TV executive na very powerful sa Kapamilya network.

"Nababalitaan ko lang yung mga ganyan, but I don't really know. Wala pa namang nagtatangkang lumapit sa akin for an indecent proposal kapalit ng malalaking breaks. Kaya, hindi ako puwedeng mag-comment," sambit ng binata.

Sa tipo ni Rafael, we're very sure, may mga nag-aasam sa kanya at kayang-kayang ibigay ang kailangang break nito sa career.

"Kaya lang, honestly speaking, I wasn't brought up that way. Ewan, pero napaka-straight kasi ng upbringing ko. Papatol pa siguro ako sa babae—basta hot naman siya—kapalit ng materyal na bagay, pero hindi sa gays.

"No offense meant sa gays, pero ganoon lang kasi talaga ang prinsipyo ko. So, wala pa naman sigurong nababalitaan sa akin na okey ako sa gay relationship. Kaya wala nang naglalakas ng loob na lapitan ako," natatawang pahayag ni Raf, ang palayaw ng binata.

Continue reading below ↓

Bulung-bulungan nga na naunahan na siya ni Jake Cuenca, na kahit bagu-bago sa ABS-CBN kung ikukumpara kay Raf ay mas umuusad ang career. Si Jake ang bida sa TV series na Palos. Ang chika ay "alaga" raw ng isang gay TV executive si Jake.

"Kilala ko si Jake, at hindi naman siya yung tipong ganyan. Magkasama kami as 'Coverboys' sa A.S.A.P. '08, at nagiging open din siya sa akin about his problems.

"Friends kami ni Jake, at kahit nga nabibigyan na siya ng malalaking breaks, hindi pa rin siya nagbabago. Hindi naman mayabang si Jake, kaya siguro, nagugustuhan din siya. Aside from the fact that he deserves din naman the kind of breaks that he has been getting.

"Kasi, kung feeling sikat na siya, hindi na 'yan sasama sa amin sa grupo. But, Jake is not like that, in all fairness," depensa ni Rafael kay Jake.

Ang laki ng improvement ni Raf bilang aktor kaya he also deserves bigger
breaks.

Continue reading below ↓

"I'm not that selfish to think about those things," sabi niya. "Kuntento at masaya na ako sa ganitong pacing ng career ko. Siguro, ganito lang muna ang dapat sa akin. Hindi rin ako nagmamadali.

"Gusto kong tumagal sa industry. Kahit siguro mag-asawa na ako o magkaanak, I still want to act. Kaya naniniwala ako that while I'm honing my craft, darating din yung iba pang pagkakataon para sa akin.

"At saka, principles na kasi ang pinag-uusapan dito. Papatol nga ako sa gay para sumikat, ang lakas naman ng guilt, hindi rin ako matutuwa sa ganoon.

"I can still work on the bigger breaks, and I'm looking forward to them. Kung hindi dumating, at least, I've done my best. Tatanggapin ko kung hanggang saan ako," nangingiting ipinahayag pa ni Rafael.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rafael Rosel is set to play the role of a devil in Maligno, ABS-CBN's horror series which premiered last January 28.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results