Dingdong Dantes on "gay benefactor" issue: "Nakaka-insulto!"

IMAGE 0


Dingdong Dantes says his team-up with leading lady in Marimar, Marian Rivera, does not affect his relationship with real-life girlfriend Karylle. He enjoys working with Marian but his heart belongs to Karylle.


Until March na lang mapapanood ang phenomenal GMA-7 primetimesoap na Marimar,ayon sa lead actor nito na si DingdongDantes. Aminado naman si Dingdong, nang makausap ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa S.O.P., natalagang sinadya nilang pahabain pa ang kuwento. Pero kahit marami angnadagdag, hindi naman daw naapektuhan ang kabuuan ng istorya.

"Pinahaba naman talaga ng konti, pero maganda pa rin naman.Okey pa rin naman. Yun naman talaga ang plinanong mangyari sa Marimar ever since. Now, kailanganna rin niyang magtapos. Masaya ko because we had a good one. Walang pagsisisidahil maganda lahat ang nangyari," ang panimula niyang pahayag.

Obvious naman sa pananalita ni Dingdong na sineryoso atpinag-igihan niya ang kanyang karakter bilang si Sergio. In fact, nagulat angPEP nang sabihin niyang Marimar ang nakapaglabas ng kanyang talento bilang aktor kahit pa ilang taon na siya sashowbiz.

Aniya, "Ang laki talaga ng nagawa sa akin nun. I'm very thankful. Pinalabasnila talaga yung pagiging artista ko talaga. The real me, acting-wise...Nagingkumportable ako sa kamera. In-terms of confidence, mas malaki ang idinagdag and I owe it to thecharacter and the director and the cast because they were able to bring out thebest in me."

NEXT PROJECT. May mga bali-balitangsi Marian Rivera raw ang gaganap na Dyesebel, at ang napipisil daw na magingleading man niya ay siya rin. Ang naturang TV series ba ang dahilan kung bakithindi sa kanya napunta ang hosting job for PinoyIdol?

"Alam ko may pinaplano sila...hindi ko pa lang alam. Maaaringyun [Dyesebel], maaaring hindi...Pero Iknow, hindi lang dito magtatapos ang samahan namin," sabi ni Dingdongreferring, of course, to his tandem with Marian.

Sigurado raw na may kasunod na ngang soap opera siyanggagawin after ng Marimar. Siguradorin daw na magkakasama pa silang muli ni Marian. Pero hindi lang daw niya alamkung si Marian ang makakapareha niyang muli sa susunod na project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diretsong sinabi rin ni Dingdong na kung may gusto man siyanggawin after Marimar, yun ay angmakasama si Marian. Aniya, he really likes their tandem, though he doesn't callit a love team.

"Hindi ako naniniwalang love team ‘yan, kasi, okey naman akoas individual. And I'm sure, si Marian will be okay rin kahit iba angka-partner niya. Ako, I believe hindi pa namin nama-maximize ang puwede naming gawin as a tandem. Marami pa kaming puwedenggawin. Siyempre, we started in TV and, hopefully...eventually in movie," ang sabing aktor.

Threatened ba siya kung sakaling mag-hit ang Marian-Richardmovie?

"Hindi!" ang mabilis niyang sagot. "Kasi, matagal na rinnaman naming napatunayan na okey kami for TV. Kung okay sila sa movie, then,its just another feather in her hat. So, it doesn't affect me in any way."

LOVE LIFE. Walangduda na kayang pagsabayin ni Dingdong ang professional team-up niya with Marianat ang real-life love niya na si Karylle. He swears na sa relasyon daw nila niKarylle, gaano man ka-hot ang tandem nila ni Marian ngayon ay hindi daw talaga itonakakaapekto,

Aniya, he never felt the pressure in any way.

"I just enjoy my life. Kapag nasa set ako, enjoy ako., Kapagwala ako sa taping, enjoy ako. Kasi, ginagawa ko lang kung ano yung kailangankong gawin. Alam n'yo, kung ano ang meron kami ni Marian, masaya ako.

"Sa tinginko, mas higit pa nga yan sa pagiging mag-boyfriend-girlfriend. Nandoon yung werespect each other, we support each other, and yet, masaya kami sa kanya-kanyangbuhay namin. Nagtatrabaho kami nang maayos...Kapag may problema siya, nandiyanako. So you know, yung relationship namin, maganda talaga," ang sabi niDingdong.

‘Di ba talaga naapektuhan at all ang relationship nila ni Karylle?

"Hindi talaga! Not at all...Kung meron man siguro dati, hindimo maiwasan yun and that's because of time lang din," paniniguro niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GAY BENEFACTOR? Tungkolnaman sa isyung may gay-benefactor siya, nakakaramdam daw talaga siya namalaking pagka-insulto. Pero mas gugustuhin niyang huwag na lang pansinin ito.

"Noong una, oo, parang it affects me...pero habang tumatagal,parang weird talaga. Parang ayoko nang sagutin...Noong unang narinig ko yun, saakin lang, nakaka-insulto lang na kinukuwestiyon yung kapasidad ko to spend. Parang,kailangan ko bang patunayan sa inyo? Hindi ko na kailangang gawin yun. Okey langyun...kung sino man ang may sabi no'n, eh, hunghang siya," ang walangkagatol-gatol niyang sinabi.

Paano siya naapektuhan ng issue?

"Nainsulto lang talaga...kasi, if there's one thing na kukuwestiyuninsa akin, ang mga pinaghirapan ko pa, eh, kumbaga, yung mga pinaghirapanko...ibang usapan na yan."

Ang tapang ng issue kasi binaggit ang pangalan. "Sino raw ba?" tanong niDingdong.

Sinabi naman ng PEP ang name ng rich man na rumored gay-benefactordaw niya.

"Eh, ‘di tanungin n'yo siya!" ang hamon ng leading man niMarimar. "Hindi ko pa nga nami-meet yung tao. At saka, hindi... you'requestioning the character of the person, eh. Hindi lang insulto sa akin kundimaging sa taong yun, kung sinuman yun. So, hindi talaga at hindi dapat naganoon."

Would he say na isang bagay 'yon na hinding-hindi niyagagawin, ang pumatol sa bading?

"Hindi talaga ko papasok sa bagay na ganoon. Kasi, I mean...Idon't need it and I don't think I will enjoy. I'm not saying na masamanggawin yun ng isang tao dahil ayoko rin namang insultuhin yung mga, you know, 'thirdsex.' Hindi ko sinasabi na mali sila or whatever, pero...it's just that, it's notmy character," ang diin ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN