Karylle laughs off "gay benefactor" issue thrown at Dingdong

IMAGE 0


Karylle may not be visible on television these days, but she's busy completing her album. She says that she will compose most of the songs.


Halatang in good mood si Karylle nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) after ng live telecast ng SOP Nagbiro pa nga siya na sasagot lang daw siya sa tanong ng PEP kung mga controversial questions ang mga ibabato sa kanya.

Since malapit na ang Valentine's Day, unang tinanong ng PEP kay Karylle kung ano ang ina-anticipate niyang mangyayari sa V-Day niya this year.

"Sa Feb 8, 9, and 15 ay 25th anniversary ng mom ko sa Mandarin Oriental. Eh, guest ako ro'n. 'Tapos, may show kami ni Jay-R at Kris Lawrence sa Teatrino, Greenhills ng Feb 13," ang sagot ni Karylle.

Ano naman kaya ang plano nila ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes?

Sagot niya, "Well, actually, ang hirap kasing iniisip masyado yung Valentine's Day...parang nawawala yungspan, alam n'yo yun...Especially, ang daming nagtatanong, 'ano ba plans n'yo?' So, yung expectation ko, parang nagiging 'Wow'! So, yung expectation mo, hindi na siya nagiging simpleng masaya."

Wala pa raw siyang naiisip na Valentine gift.

"Eh kasi, ‘di ba, palaging nagko-contest kami. Eh, palaging ako ang nananalo. So,parang hahayaan ko naman siyang manalo ngayon," natatawa niyang sabi. "Wala pa...wala pa 'kong pine-prepare ngayon."

Nang kamustahin ng PEP kay Karylle ang relasyon nila ni Dingdong, mabilis angnaging sagot niya. "Very good." Kasunod nito ay ang kuwento niya tungkol sa nangyari sa last show nila ng kanyang boyfriend sa Cebu last weekend.

Aniya, "Alam n'yo, ang daming tao, pero ang na-feel namin, nandoon yung tingin nila or mystery kung okay ba kami or hindi. Parang inaabangan nila yun... Kasi, na-feel namin when we were singing, iba yung tutok nila, parang iniisip nilang talaga kung okey ba kami or hindi. Parang mas maganda yung reaction nila..." ang nakangiti niyang sabi.

Sinegundahan din ni Karylle ang sinabi ni Dingdong sa interview ng PEP na contrary sa iniisip ng karamihan na naapektuhan ang relasyon nila sa mainit na pagtanggap ng tao sa Dingdong-Marian Rivera tandem, wala naman daw nagbago sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa kanya, "Hindi talaga, eh. Kasi, wala namang problem. Kung meron man, time lang yun. Pero kunwari, like Sunday, after SOP, kakain kami...parang we make the most out of it. Like noong Pasko, nagbakasyon talaga kami. Dalawang bakasyon pa!

"Kasi, yun na lang talaga ang time so, parang nagbabaon na lang kami. Siyempre,since wala kayong time na normal, magbabaon ka by spending quality time. Like yung nag-Baguio nga kami, nag-Boracay..."

Pero masasabi nga ba niyang never siyang naapektuhan sa team-up ng dalawa?

"Yung sa akin kasi, okay naman kami...ano ang gagawin ko? Siyempre, masaya ko na sikat siya, bakit naman, hindi, ‘di ba," ang natatawa niyang sabi. "Noong una, siguro hindi ko rin masasabing naapektuhan, its more on adjustment. I guess, every project, ganoon naman."

May balitang sa SOP daw, tila may silent rule na hindi muna sila dapat makitang visible ni Dingdong together, totoo ba yun?

"Kanina naman magkatabi naman kami. Ewan ko...Sa tingin ko, hindi naman, kasi never naman kaming nagkakasama sa number or sobrang madalang lang. Recently naman angnakakasama ko yung mga
nagsi-sing and dance, eh, hindi naman siya puwedeng mag-sing and dance," sabay-tawa niya.

On the other hand, naniniwala naman si Karylle na ang pagkakahiwalay nila ni Dingdong on a professional level ay nakatulong din sa kanila individually. Sa partniya raw kasi, mas nakapag-concentrate siyang talaga sa album na ginagawa na mostly are her compositions.

"Actually, forever ko na nga siyang ginagawa pero, hopefully, malapit na siyang ma-out. Mahirap lang kasing i-explain sa mga tao, since siguro akala ng iba, wala akong ginagawa. Pero alam n'yo, mahirap talaga...

"Kasi, sa album na ito, ako talaga lahat ang nag-compose. Sa akin kasi, it's now or never. Kung hindi ko pa siya isulat ngayon at palagi na lang akong aasa sa ibang tao para magsulat, never kong gagawin for myself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Feeling ko, it's the time that I don't feel like...there's nothing to lose. Nakakahiyang magpakita ng isinulat mo, parang, 'ah, ‘yan ang feelings mo, ang corny,' O, ‘di ba kung ganunin ka, parang nakakahiya? Pero
at this point, gusto ko siyang gawin."

Tungkol naman sa isyung may gay benefactor daw si Dingdong, cool na cool lang itong sinagot ni Karylle.

Una niyang hirit ay, "ang corny namann'yan...Actually, sinagot ko nga one time, noong nag-presscon kami for the concert, sinagot ko na, I think it's my dog! Tawa sila ng tawa. Parang it's a stupid answer for a stupid question. Parang ganoon...kasi, yung dog ko, gay. 'Tapos sabi ko, but let's not talk about my dog, it's a private dog."

Sa pagpapatuloy niya, "Kasi si Dong, noong nagpunta siya ng Baguio, dala niya yung car niya. 'Tapos sabi niya, may kasama raw siya. So, sabiko, sino ba yang kasama mo? Pagdating dun, aso ko pala. As in, silang dalawa lang. I think, kaya sila natsi-tsismis."

On a serious note, muling tinanong ng PEP si Karylle kung ano talaga ang naging reaction niya sa isyu.

"Nakakatawa lang...I think, alam n'yo yung nagmamagandang-loob ka, 'tapos, may mga ganoong reaction. So parang nakaka-hurt, yun lang," ang huli niyang sinabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN