LJ Reyes's new suitor is grandson of the owner of SM chain of malls

IMAGE 0


"Hindi na kami nagti-text andthe last time he texted me was last Christmas para i-greet ako ng MerryChristmas at happy birthday. Hindi na lang ako nakapag-reply, dahil nasa subwayako ng New York that time. Late na nang mabasa ko ang message niya," replies LJ Reyes when asked if she still has communication with ex-boyfriend Alfred Vargas.


Biniro namin ang young actor na si MarkyCielo na pasalamat siya't break na sina LJ Reyes at Alfred Vargas dahil kungmay relasyon pa ang dalawa, baka nasuntok si Marky sa pagkalabit niya ng hita ni LJ.

Nangyari anginsidente sa final presscon ng Zaido kungsaan dumating si LJ na naka-all white top and shorts. Kaya kitang-kita angkaputian at kinis ng mga hita ng young actress. Hindi yata nakapagpigil siMarky dahil habang kinukuhanan ng litrato ang dalaga sa tabi niya, dalawangbeses niya itong kinalabit.

Noon lang din muli nakakuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si LJ. Ibinalitanitong nag-renew siya ng three-year contract sa GMA Artist Center. Ang unaniyang project ay ang Babangon Ako'tDudurugin Kita , bilang ka-love triangle nina Yasmien Kurdi at JC de Vera.Noong Monday, February 4, nag-taping na si LJ, pero sa ikalawang linggo pa ngteledrama papasok ang kanyang character.

Gagampanan niya ang role ni Joey o Joanna Marie Salcedo,ang tomboyish best friend ni Derek (JC).

Matatandaang nakapareha na rin ni LJ si JC sa "Mukha" episode ng Now & Forever atnagtambal din sila sa ibang shows ng GMA-7. Ibinabalik lang ng network angtambalan nila, ngunit sa pagkakataong ito, si Yasmien talaga ang kapareha ngyoung actor.

Maganda ang aura ni LJ habang kausap namin. Nang usisain namin kung kumusta na siya pagkatapos ng breakup nila ni Alfred Vargas,"okay na okay" na raw siya at naka-move on na. Wala na raw silang communication ni Alfred.Balewala rin sa kanya kung may iba nang dini-date at isinasama sa panonood ngsine ang dati niyang boyfriend.

"Hindi na kami nagti-text and the last time he texted me waslast Christmas para i-greet ako ng Merry Christmas at happy birthday. Hindi nalang ako nakapag-reply, dahil nasa subway ako ng New York that time. Late nanang mabasa ko ang message niya," lahad ni LJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakatulong kay LJ para madaling makalimot at makapag-move on ang non-showbiz suitor niya na kahit ayaw pangalanan, nag-leak din sa pressang identity nito. Makikilala at makikita rin ng press ang suitor ni LJ dahil inihahatid atsinusundo nito ang young actress sa trabaho, sakay ng Porsche.

Apo ni Henry Sy ng SM mall of chains ang bagets nakasing-edad ni LJ. Naging kaklase hanggang maging kaibigan na nauwi sa panliligawang drama ng dalawa. Ipinakilala na ng binata ang young actress sa ama nito natuwang-tuwa dahil marunong mag-Chinese si LJ.

Ibinalita rin ni LJ sa PEP na balak nilang ibenta ang bahay nila sa may Lagro. Masyado na kasing malaki para sa kanya ito dahil sumunod nasa ina nila sa New York ang kanyang kapatid. Bukod sa malungkot mag-isa sabahay, malayo rin ito sa kanyang trabaho at sa De La Salle, kung saan Economicsmajor si LJ.

"Baka ibenta na lang namin ang bahay at bibili na lang kaming condo unit o townhouse sa may Ortigas Center o sa Valle Verde. Babalitaan kokayo," pangako ni LJ sa PEP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN