Mark Herras still under shadow of former team-up with Jennylyn Mercado

IMAGE 0


"Tama na sana, nakakaawa si Jennylyn, nakakahiya kay Patrick. Kami ni Jennylyn, mag-away-bati man, palagi kaming magiging magkaibigan, ang haba ng pinagsamahan namin. Alam niya yun, nandiyan lang ako," says Mark Herras about being linked to Jennylyn Mercado until now.


Mark Herras knows he really cannot get out of the shadow of his former love team with Jennylyn Mercado.

Four taping days to go na lang ang kanilang afternoon soap nina Rhian Ramos, Bianca King, and Alfred Vargas na My Only Love. Nakaka-four weeks worth of taping naman siya sa magbubukas this Monday, February 11, sa Telebabad block ng GMA-7, ang Joaquin Bordado.

Sina Ryza Cenon at Iwa Moto ang partner ni Mark sa Joaquin Bordado at si Rhian naman sa My Only Love. Ngunit tuwing nababanggit ang pangalan niya, hindi nawawala ang pangalan ng kanyang unang love team na si Jennylyn.

"Tanggap ko na po yun," sabi ni Mark sa presscon ng Joaquin Bordado last Monday night, February 4, sa GMA compound.

Kahit ang mga hindi kagandahang tsismis na pinagbibintangan siyang baka siya ang tunay na ama ng pinagbubuntis ni Jennylyn, dedma lang si Mark.

"Alam n'yo, noong naging sila ni Patrick [Garcia, boyfriend ni Jennylyn], sabi ko kapag may nangyari sa kanila, kapag nabuntis si Jennylyn, may magsusulat na baka nasalisihan ko raw, tama ako.

"Tama na sana, nakakaawa si Jennylyn, nakakahiya kay Patrick. Kami ni Jennylyn, mag-away-bati man, palagi kaming magiging magkaibigan, ang haba ng pinagsamahan namin. Alam niya yun, nandiyan lang ako," pahayag ni Mark.

Sa ngayon, tunay na umiiwas na si Mark sa issue. Sa birthday concert ni Jennylyn last week, bagama't may taping talaga si Mark sa My Only Love, puwede naman daw siya talagang sumipot noong gabi kahit bumati lang at bumalik agad sa set, pero hindi na niya ginawa.

"Pag-iisipan na naman akong gumigimik, kaya hindi na lang. Sa kanila na lang yung gabing yun," sabi niya.

Okay sa kanya na mag-ninong sa anak ng dati niyang girlfriend kung iaalok ito sa kanya. Okay pa rin siya na makipag-partner kay Jennylyn pagkapanganak niya.

May isang tanong lang kaming natagalang sumagot si Mark: Kung sakaling maghiwalay sina Jennylyn at Patrick, babalikan niya pa ba si Jennylyn?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahirap magsalita," sagot niya. "Kasi po ngayon tunay na friends na lang kami ni Jennylyn. Yun hindi magbabago, pero yung feelings, parang wala na talaga. Pero ayoko talagang magsalita ng tapos."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN