Robin Padilla is proud of daughters Kylie and Queenie

IMAGE 0


"Magiging stage father siguro ako 'pag may nanliligaw lang. Pero ipinapaalaalako lang kung sino man 'yan, champion 'yang mga anak ko. Pero hindipa sila puwedeng mag-entertain ng suitors. Studies at yung matupad muna angdreams nila ang gusto ko," Joaquin Bordado star Robin Padilla said abouthis daughters Kylie and Queenie, who are now part of showbiz.


After his explosive adventures in AsianTreasures, first-rate action star Robin Padilla is now back in GMA-7 viaCarlo J. Caparas's Joaquin Bordado, an action-adventure series. Matagalhinintay ni Binoe ang magkaroon ng proyekto na mula sa obra ni Direk Carlo kayadream come true ito para sa kanya. Malaking karangalan din daw sa action starna ipinagkaloob sa kanya ang seryeng ito.

"Nagpapasalamat ako sa GMA dahillahat ng hiniling namin ay ibinigay nila. Ang laki ng gastos ng project na itoat full support sila sa amin. Ang tagal na naming nangangarap ni Direk Carlo namakagawa ng ganito...Ngayon, eksaktong-eksakto ito kasunod ng Asian Treasures saakin," bungad ni Robin na punumpuno ng tattoo ang katawan nang makausapnamin sa press launch ng Joaquin Bordado sa Studio 3 ng Kapuso network.

ROBIN'S DAUGHTERS. Obvious na todo ang suporta ngnasabing istasyon sa pinakabagong project nila dahil sa press presentation palamang ay bonggang-bongga na. Bago ipakilala ang buong cast ng serye ayisang superb production number mula sa anak ni Robin na si Kylie Padilla.

Nagpakitang-gilas siKylie sa pagsayaw, martial arts, at paglipad sa ere nang naka-harness. Infairness, impressive ang performance ng dalaga, na first time napanoodng press.

Of course, picture of a proud daddysi Robin sa ipinakitang husay ng kanyang anak. Sabi nga, "like father, likedaughter" dahil ang galing sa stunts ng bagets.

Tanong tuloy namin kay Robin kung ibig bangsabihin nito ay tuluy-tuloy na ang pag-aartista ng anak niya. Gaano ba siyaka-supportive sa pagpasok sa showbiz ni Kylie?

"Nasa kanya yun, e, kasi hindinaman ako ang may gusto niyan. Lahat ng mga anak ko na gustong mag-artista,gusto nila 'yon, ako, sumusuporta lang. May blessings ko sila. Hindi ko silapipigilan for as long as nag-e-enjoy sila sa kanilang ginagawa. Right now,hindi ko pa muna pinapakausap sa press si Kylie kasi gusto ko pang matutosiyang mag-Tagalog para mai-express nya nang mabuti ang kanyang sarili,"paliwanag ni Robin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Proud si Robin sa husay ni Kylie—who's only 15 years old and studying at Angelicum—pagdating sa martial arts,kaya nang makita niya ang production number na inihanda ng kanyang anak sapresscon ay tuwang-tuwa siya. Sa naturang presscon ay well-applaudedang number ni Kylie. Pero hindi ba natatakot si Robin kapag gumagawa ng stunts angkanyang anak?

"Wala pa 'yon, sample pa langang ipinakita niya," pagmamalaki ni Robin. "You ain't seen nothing yet. Limitado kasi dito [Studio 3 of GMA-7] kasi maraming ilaw. Sa trainings, ginagawa nila 'yan, wala pang humahawak sakanila. Mahusay talaga si Kylie. Expert si Kylie sa arnis, knife, sword, wushu,muay thai, boxing, kaya natutuwa ako at nalilinya siya sa ganito. At least,madedepensahan niya ang sarili niya. Hindi ako natatakot kasi parang na-brainwashko na anak ko na huwag sasabihin na ninenerbiyos sila sa mga stunts.

"Napakagaling at kahit paanohindi nasayang yung trainings niya. Nakakatuwa dahil mga bata pa lang sila,nagti-training na sila. Natutuwa ako dahil nakikita kong nagagamit nila. Haloslahat ng martial arts, lahat 'yon alam nila."

Bukod kay Kylie ay nasa showbiz na rin ang isa pang anak ni Robin, si Queenie. "Magkaibang linya sina Kylie atQueenie," ang kuwento ng action star.

"Nakuha ni Kylie ang pag-a-action ko. Nagustuhan niya ito, e. Actually,nauna yung isa kong anak na si Queenie pumasok sa pag-aartista, kaya langnalinya siya sa mga revolutionary films and revolutionary music. Ngayon pa langsiya ulit nate-turn on sa mainstream. Aktibista kasi 'yon, e. Gumawa nga kaming pelikula tungkol sa problema ng Pilipinas, yung mga ganun ang gustoniya."

Bida pa ni Robin tungkol sa anak nasi Kylie, patikim pa lang daw ang ipinakitang husay nito. Alam daw niyang maramipang magagawa ang anak, na incidentally ay pinakabagong bini-build up ng GMA -7 upangmaging Action Princess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STAGE FATHER? Since mag-aartista na ang kanyang dalaga, naitanong namin kay Robin kung magiging stagefather ba siya dito?

"Hindi," maagap niyang sagot. "Magiging stage fathersiguro ako 'pag may nanliligaw lang. Pero ipinapaalala ko lang kung sino man'yan , champion 'yang mga anak ko. Pero hindi pa sila puwedengmag-entertain ng suitors, studies at yung matupad muna ang dreams nila anggusto ko. Nag-e-enjoy si Kylie sa iba't ibang activities like martial arts. Andnext month, paalis nga kami papuntang Japan para mag-aral siya ng Aikidonaman," sabi ni Robin.

Payag ba siya if ever magkaroon ngka-loveteam ang kanyang anak?

"Maraming magagawa yung anak koat sayang naman yung ginastos ko sa kanyang mga trainings kung magla-loveteamlang siya," ani Robin.

Baka naman maging tomboy angkanyang anak?

"Hindi, babaeng-babae ang anakko," pakli niya.

JOAQUIN BORDADO. Meanwhile, regarding sa latestseryeng Joaquin Bordado, naitanong namin kung paano niya maiku-compareang action dito sa action ng Asian Treasures dati?

"Malayo, magkaiba sila, kasi yung Asian Treasures, martial arts 'yon, e. 'Eto, ibang klase po ito, Westernway of fighting ito, Medievial period, hindi siya martial arts," sagotniya.

Incidentally, sa nakita naming trailer ng Joaquin Bordado, kapuna-puna angmaiinit na eksena nila ng kanyang leading lady na si Iza Calzado. Mukhangnag-enjoy siya sa kissing scenes dito at tinamaan at nai-in love sa ka-partner.Paano niya ide-describe ang leading lady?

"'Yun ang pinakamasarap!" bulalas ni Robin. "Isangtake lang naman 'yon at hindi naman ako nag-take advantage kasi kaibigan ko angdaddy ni Iza. Napakaganda ni Iza, ibang klaseang beauty niya, classic at timeless. Hindi ka magsasawang titigan atnapakalambing, at mabait na tao pa."

Kumusta naman ang kissing scenes nila?

"Masarap! Nakita n'yo namansiguro ang itsura ko, napapapikit pa ko. Hindi, kasi si Direk Mac [Alejandre],'pag nag-motivate 'yon, punung-puno ng emosyon. Matamis ang lasa ng labi niIza," nangingiting sabi ni Robin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano maiko-compare ni Robin si Iza saibang mga naging leading ladies niya?

"Ay, hindi ako nagkukumpara," sabi ng action superstar. "Magkakaiba sila siyempre. Bawat nakakatambal ko, pinahahalagahan ko."

Ano bang meron ang Joaquin Bordadoat napa-oo siya agad itong gawin ito?

"Nawalan ako ng lakas para tumangginang sabihing si Iza ang magiging leading lady ko dito, isa 'yon sa pinambentang EP [executive producer], plus Carlo Caparas pa," pahayag niya.

Anong meron si Iza at gustung-gustoniya ang dalaga?

"Nagkasama na kasi kami dati sa Blackout, e, pareho kaming baliw dun kaya nung nagkita kami ulit talaganapa-'wow' ako. Noon pa man, hanga na ako sa kanya, yung kagandahan niya kasitimeless ang tawag, walang pinipiling panahon 'yan. At napakagaling pa niyangartista.

"Bilang leading lady, isipin n'yonaman, international star na 'yang si Iza. Pero napaka-down-to-earth,napaka-humble at darating 'yan sa set na may dalang pagkain at siya pa anglalapit sa 'yo. My goodness, ibang klase talaga, pero sayang talaga, hindi kamitalo, e, kasi kaibigan ko ang tatay niya—si Lito Calzado," papuri atpagbibiro pa ni Binoe.

Posibleng ngayong magkatambal sila niIza ay siguradong mali-link sila at tiyak na may mga maglalabasang balita nanililigawan niya ang dalaga?

"Walang problema sa akin 'yon, e, lahat naman ng nakakasama ko laging sinasabing nililigawan ko, eh. But thistime, kay Iza, hindi kami talo kasi nga kaibigan ko ang tatay niya."

Naikuwento rin ni Binoe na ilangbeses na siyang naaksidente sa taping ng Joaquin Bordado, pero pasalamat daw siya atlagi siyang naliligtas sa kapahamakan.

"Delikado talaga ang mga stuntsnamin dito pero sa kagustuhan ko kasing mapaganda ang serye namin ay hindi akopumapayag magpa-double. Masuwerte pa rin ako dahil hindi ako napupuruhan,dobleng ingat lang talaga ang kailangan."

Sa isyung makakatapat naman ngJoaquin Bordado ang bagong action series ng ABS-CBN na Palos, napinagbibidahan nina Jake Cuenca at Cesar Montano, hiningan namin ng reaksiyon siRobin sa magiging labanan ng dalawang series sa ratings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, hindi ako naniniwala samga tapat tapat na 'yan eh. Ako, ang dasal at pagsamo ko, lahat ng shows aymaging matagumpay para lahat ng artista ay bumangon at pati 'yung mga walangtrabaho, magkaroon ng trabaho. Sana nga, matapos na 'yang away-away ng networkwar na 'yan eh.

"Saka, magkumpare kasi kami ni Buboy [Cesar Montano], kaya ayaw namingma-involved dyan. Matanda na kami pareho kaya 'wag na kami isali sa bangayan na'yan ng network war. Pero kahit sino pa ang katapat namin, lalo na yung KungFu Kids, mga bata pa 'yon, kaya sana 'wag na gawan ng intriga. Magtrabaho nalang tayo nang maayos," pagtatapos ng super-guwapo at machong si Robin saaming panayam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN