Boy Abunda asserts that Gretchen's rumored affair with Dody Puno is no gimmick to promote her album

IMAGE 0


“Kasi parang if I talk about the depth of what I know, baka mabigyan ng ibang ibig sabihin. Ang tinanong ko lang sa kanya totoo bang wala ka na sa bahay ninyo? Sabi niya, ‘No, I’m home,'" says Boy Abunda about the rumor that Gretchen Barretto (inset) is having an affair with Dody Puno.



Walang maibigay na reaksiyon ang TV host/talent manager at personal na kaibigan ni Gretchen Barretto na si Boy Abunda sa balitang hiwalay na ang aktres at ang karelasyon diumano nito ngayon na si Dody Puno, bagama't may nasagap na balita ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na diumano, makalipas lamang ang 24 na oras ay nagkabalikan din ang dalawa.



"I don't know yet. Hindi pa kami nakakaupo para mag-usap. Pero nag-uusap kami, pero yung bilang magkaibigan, pero hindi yung... May ilang bagay na nakakailang pag-usapan sa telepono," simula ni Boy sa PEP during a break sa The Buzz last Sunday, February 3.



Paano naapektuhan ng isyu ang pagkakaibigan nila ni Gretchen?



"Bilang kaibigan, I want to react when I know a lot. Ang alam ko ay hindi pa masyadong marami. Ang epekto nito, hindi sa career dahil hindi naman full time na star si Gretchen, so it's very personal. Pero ano ang hunch ko? Mahirap. Kapag si Gretchen, mahirap, kasi I don't know," sambit niya.



Sa konting nalalaman ni Boy kay Gretchen, maaari ba niya itong i-share sa publiko?



"Delikado, e," iwas ni Boy. "Kasi parang if I talk about the depth of what I know, baka mabigyan ng ibang ibig sabihin. Ang tinanong ko lang sa kanya, 'Totoo bang wala ka na sa bahay ninyo?' Sabi niya, ‘No, I'm home.' Kanina nag-uusap kami ni Ruffa [Gutierrez], kaninang umaga raw nakita niya sina Gretchen at Tony na magkasama."



Marami ang nabitin sa mga ipinahayag nila ng co-hosts niya sa The Buzz na sina Ruffa at Cristy Fermin para kay Gretchen two Sundays ago.



"Ano yun, born out of the fact na I don't know much," paliwanag ni Boy. "Bilang kaibigan, sinabi ko lang na kung anuman ang pinagdadaanan mo, maganda o hindi, tama o hindi, I will stand by you as a friend. Kung tama, I will be with you. Kung mali, pagsasabihan kita, pero hindi kita iiwanan. Kasi sa kakulangan ng alam mo, e, ang hirap magsalita kasi konti lang ang alam mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



May nagsasabi naman na gimik lang daw ang lahat dahil may ilalabas na album si Gretchen sa Star Records.



"Hindi, hindi totoo yun," tanggi ni Boy. "Yun ang masasagot ko. Hindi pa nga nagku-close, e. Malayo pa ang tatakbuhin ng album na yun.



GRETCHEN'S ALBUM. "Gretchen wanted to record an album para lang sa sarili lang niya. She wants to produce it because she wanted to sing. Tapos napag-usapan namin, 'Bakit hindi mo na lang i-release?' It's a very personal album. Wala itong musical genre na kailangan ganito ang tunog. Napag-usapan ito, wala pang intriga.



"This will be produced by Chito Ilagan as an independent producer. Claudine [Barrettto, Gretchen's sister] had a chance to talk to Malou Santos. I had a chance to talk to Anabelle Regalado of Star Records. Parang we raised the idea na would Star Records be interested to distribute and promote [the album]. Nagkaroon na ng isang meeting si Gretchen kasama si Bong [Quintana of Backroom, Inc. and Boy's partner] because I was out of town. Nandun pa lang. So, hindi yung sinasabing ire-release.



"May album na talaga," giit ni Boy. "Prinodyus talaga ni Gretchen. 'Wala lang, parang I wanted to produce.' Tapos after a while, inisip lang namin bakit hindi mo na lang i-release commercially. So, ngayon ang nangyayari... Claudine even helped in arranging for a meeting with Star Records, Malou and Anabelle. So, andun pa lang sa stage na yun. So, hindi ko maintindihan kung bakit gagamitin ang intrigang ito para ibenta ang record na hindi pa ibinebenta. If it will be sold by Star Records, it will still take months. E, bakit naman puputok ang intriga ngayon kung ‘yan ang gagamitin para ibenta?



"Siguro yung mga launching napapag-usapan, pero hindi ko alam. Pati yung teleserye pinag-uusapan pa rin yun. Pero wala pang solid," pahabol niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



GRETCHEN, THE ACTRESS. Kasabay raw ng meeting ni Gretchen last week with Star Records ang offer ng Star Cinema for her to do a drama series and a movie.



"Sabay yun. Si Rowena [Backroom, Inc. staff], si Bong, si Gretchen from my end, and sina Malou. Napag-usapan yung teleserye, a possible movie. Pero kumplikado pa yung album because it's not easy, e. Kasi you have to get the publishing rights pa kasi it's not as if you own the song. So, you have to go sa bawat composer. So, matagal-tagal pa ‘yan. So, that denies, that negates the whole idea na gigimik ka para mabenta yung album kasi wala pang binebenta."



Bakit naisipan ngayon ni Gretchen na umarte ulit sa harap ng kamera?



"Gretchen has always been like that," sabi ni Boy. "She would come in and out. There was a time na hindi masyadong publicized but she sang in Merck's. May mga ganung episode sa buhay si Gretchen na hindi naman talaga niya iniwan ang pag-arte.



"Safely, I would say that pina-prioritize ni Gretchen ang pamilya niya. Oo, safely I would say that. Hinahanap-hanap niya talaga yun. Artista ‘yan, e."



Pumayag ba ang live-in partner ni Gretchen na si Tonyboy Cojuangco na mag-artista ulit ang aktres?



"We are in the process of talking. Mahirap magsalita nang patapos kasi after that meeting, siyempre marami pang pagdadaanan yun," paliwanag ng talent manager/TV host.



May blessing ba ni Tonyboy ang pag-arte ulit ni Gretchen sa harap ng kamera?



"I'm sure," sagot ni Boy. "Kasi naaalala ninyo nga in one part there was even a party where Tonyboy and Gretchen are joking. Nakita ko sa telebisyon that Tony was going to do a duet with Gretchen. So, I think he's aware.



"May mga moments si Gretchen, kasi hindi naman nawalan ng offer si Gretchen. She's very active in commercials. She's very active in endorsements. Katulad nung fundraising [RRRampa For A Cause] nina Ruffa, she modeled.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi naman lingid sa inyong kaalaman that there were very strong offers from Channel 2 and Channel 7 for Gretchen. Inupuan na namin 'yan, wala lang natutuloy."



This time kaya matutuloy na ang paggawa ni Gretchen ng teleserye?

"Hindi rin natin alam," sabi ni Boy. "We are in the process of talking. Pero mahirap sabihin kasi wala namang solid na project. Pero nakaisang meeting na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN