Jericho Rosales proud of three-year relationship with Heart Evangelista

IMAGE 0


"At first kasi parang walang bilib sa amin yung mga tao. Marami, di ba, na parang kumontra sa relationship namin? Three years na kami ngayon pero maganda. We're still here. We're strong. Heart's working and I'm working. We just got better in terms of personality and character," says Jericho Rosales about his relationship with girlfriend Heart Evangelista.


Sinamahan ni Jericho Rosales ang kasintahang si Heart Evangelista nang mag-guest ang young actress sa The Buzz noong Linggo, February 3. Pinabulaanan ni Echo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang lumabas na balita na mayayari na this month ang bago niyang bahay.

Ayon sa kanya, marami pa raw siyang binubusisi sa kanyang bahay. Pero tumangging magsabi si Echo kung magkano na ang nagastos niya sa pagpapatayo ng kanyang dream house.

"Ayoko na pinag-uusapan yung bahay, e. Sorry, ha, hindi ko masabi [kung magkano]. Hindi naman sa bawal. Nadya-dyahe lang ako kapag pinag-uusapan yung bahay ko," paliwanag ni Jericho.

Kuwento ni Heart sa PEP sa huling panayam namin sa kanya, na-amaze ang kanyang kasintahan kung gaano kamahal ang binili niyang tiles para sa bagong bahay niya.

"Actually, baka ina-ano lang niya, ang tinutukoy lang niya yung pagpagawa ng bahay," sabi ni Echo. "Yung tiles, ako ang naghanap noon. Actually, hindi lang yung tiles, every detail. Kami nung architect ang naghahanap ng materyales para sa bahay."

Para kay Echo, hindi ang pagkakaroon niya ng bagong bahay ang masasabing sukatan ng kanyang tagumpay sa buhay.

"Bagay lang yun. Para sa akin, yung happiness, contentment, and personal character. Yeah, ‘yan ang success for me. Kasi negative, kapag hindi ako makuntento sa gusto kong maabot sa buhay ko, di ba?

"I think right now, since nag-break ako from acting... So from now, medyo kilala na nila ako as a singer and every time they want me, yung mga projects nila, for singing engagements na," pahayag niya.

Posible raw matapos ang bahay niya in the next two months?

"Naku, matagal pa yun. The whole house is already built, but after that, matagal pa ‘yon. Grabe, ang hirap namang maging showbiz, pati bahay pinag-uusapan!" natatawang sabi ni Echo.

Malabo pa na umabot sa birthday ni Heart on February 14 na isabay ang housewarming ng bagong bahay ni Echo. Nabanggit pa naman ni Heart na gusto niyang mag-celebrate ng birthday sa bagong bahay ni Echo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pang mga pinto. At wala pa akong plano for that. Pero malamang dito lang sa Manila magse-celebrate si Heart ng birthday niya kasi may work siya. May family dinner muna siya, but may birthday celebration din siya with her friends," kuwento ng aktor.

Ang plano ni Echo ay lumipat na sa bagong bahay next month.

"Camping-camping lang ako doon. Basta may pintuan na yung kuwarto ko. Magbabantay ako sa construction site. Kasi finishing na lang. That's the hardest part, e," aniya.

Pagkatapos ng bahay, yayayain na ba niya si Heart na magpakasal?

"Ah, hindi pa. Matagal pa siguro," natatawang sabi ni Echo.

Iimbitahan ba niya ang ama ni Heart, ang restaurateur na si Reynaldo Ongpauco, sa housewarming ng bago niyang bahay?

"Masyado pang malayo siguro yun. But you know, why not? It's a dream. Pero step by step," sabi ni Echo.

Sabi ni Heart, nababanggit na raw ng daddy niya ang pangalan ni Echo. Ano ang reaksiyon ni Echo rito?

"Masaya ako," ngiti ni Echo. "Ang pinakamasaya ako doon yung okay silang mag-ama. Kasi alam ko yung value ng family, di ba?"

Dagdag niya, "At first, kasi parang walang bilib sa amin yung mga tao. Marami, di ba, na parang kumontra sa relationship namin? Although, they said, 'O, you guys look good together pero hindi kayo maganda para sa career ninyo ang isa't isa.' Three years na kami ngayon, pero maganda. We're still here. We're strong. Heart's working and I'm working. We just got better in terms of personality and character. Mas stable kami ngayon, di ba?

"I think we're better people now than before. So ngayon, kapag naglalakad kami, di ba, yung mga tao parang tanggap na nila kami? Tapos sinasabi nila na parang ang gaan daw ng feeling nila kapag nakikita nila kami. There must be something to it, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan naman siya lalapit sa daddy ni Heart?

"I don't want to announce it," sagot ni Echo. "But expect na lang na good things are gonna happen kasi yun ang goal ko, e. So, maganda. Heart's happy. I'm happy for her. I'm happy things are doing well with my music career. Magwo-work na ulit ako sa TV soon. But I can't say yet kung anong project."

BIRTHDAY GIFT FOR HEART. Hindi raw nag-e-excpect si Heart na diamond jewelries mula kay Echo para sa kanyang nalalapit na kaarawan dahil sa bago niyang bahay. Pero dapat daw dalawa ang iregalo sa kanya ni Echo: one for her birthday at yung isa para sa selebrasyon ng Araw ng mga Puso.

"Oo nga pala, ‘no? Siguro hikaw na lang para dalawa. O di kaya sapatos, dalawa, di ba?" tawa niya ulit.

Sinabi rin namin kay Echo ang pahayag ni Heart na ayaw na niya ng Louis Vuitton kasi marami na raw ang gumagawa nito.

"Ay, ayaw na niya ng ganun? Siguro magtataob na lang ako ng baka tapos papatuyuin ko yung balat nun!" natatawang niyang sabi.

"Pero ano, hindi ko pa muna i-announce. Pinagpipilian ko pa. She likes jewelries, mga bags, shoes."

Ayaw na rin daw ni Heart na aso ang iregalo ni Echo sa kanya.

"Ako nga ang pumipigil sa mga aso niya ‘di ba? So, I don't know basta anything related to her ano, basta anything that will make her happy."

At sa huli, nagbigay ng mensahe si Echo para sa kaarawan ni Heart.

"Sana magtuluy-tuloy na yung happiness niya sa family niya, first of all. On top of that, maybe, be very beautiful, and strong career, now that she's back and she's capable of handling her own self na. Sana talaga yung mga projects na dumating sa kanya is something really fit for her. I-emphasize ko yung fit because she's very mapili. I'm sure God will bless her with more projects na bagay talaga sa kanya. At sana, laging guwapo ang tingin niya sa akin," kasunod ang malakas na halakhak ni Echo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN