Ogie Alcasid clarifies rumors that girlfriend Regine Velasquez will leave GMA-7

IMAGE 0


"Kasi magi-guest ulit si Regine sa Maaalala Mo Kaya, baka doon nagsimula ang balita. Hayaan mo na yun, baka promo slant nila yun," says Ogie Alcasid about Regine Velasquez's rumored transfer to ABS-CBN.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ogie Alcasid tungkol sa mga umugong na tsismis na lilipat sa ABS-CBN ang kasintahan niyang si Regine Velazquez.

"Imposibleng iwan niya ako sa GMA," Ogie Alcasid said last Saturday night, February 2, during the auditions of Pinoy Idol in Iolilo.

Sunud-sunod kasi ang headline last week hanggang this week tungkol sa posibilidad na lumipat si Regine sa Kapamilya Network. May mga panulat na nagpi-feeler daw ang Asia's Songbird sa ABS-CBN at may interview din sa kanya that she's not closing her doors on ABS-CBN, lalo pa't wala siyang contract sa GMA-7.

"Iiwan niya ako sa GMA? Iiwan niya ang GMA? May SOP kami. Pagkatapos ng Pinoy Idol, isusunod agad ang second season ng Celebrity Duets namin. Magsisimula na kami ng first movie namin for GMA Films [Love is Deaf... And Blind]. GMA ang nag-produce ng animated movie ni Regine [Urduja kung saan si Ogie ang lumikha ng musika]. Wala naman siyang problema sa GMA."

We asked Ogie kung paano at saan ito nanggaling and he has a theory.

"Kasi magge-guest ulit si Regine sa Maaalala Mo Kaya, baka doon nagsimula ang balita. Hayaan mo na yun, baka promo slant nila yun."

Napag-alaman pa namin na may U.S. concert si Regine na gagawin this year at ang TFC (The Filipino Channel) ng ABS-CBN ang magki-carry nito overseas. As part of the promotion din, baka kailanganin ni Regine na mag-promote sa mga shows ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN