Lolit Solis submits rejoinder-affidavit for libel case filed by Piolo and Sam

IMAGE 0


Talent manager Lolit Solis submitted her rejoinder-affidavit earlier today, February 7, in connection with the libel case filed by Piolo Pascual and Sam Milby against her.



Nagsumite na ng kanyang rejoinder-affidavit ang columnist-TV host na si Lolit Solis kaugnay ng libel case na isinampa nina Piolo Pascual at Sam Milby laban sa kanya. Ang rejoinder-affidavit ni Lolit ay isinumite kaninang bandang alas-diyes ng umaga, Pebrero 7, kay Assistant City Prosecutor Dennis Aguila sa Manila City Hall.

Ang libel case ay kaugnay ng isinulat ni Lolit sa kanyang column na "Take It, Take It!" sa Pilipino Star Ngayon noong October 15, 2007. Ayon sa naturang column na may headline na "Sam at Piolo, naglalampungan," nakita diumano ni Lolit ang dalawang aktor na nagbubulungan sa poolside coffee shop ng Hotel Sofitel noong October 12.

Sa rejoinder-affidavit na isinumite ni Lolit, iginiit niya na hindi niya tinawag na "gay or homosexuals" sina Piolo at Sam. Hindi rin daw niya isinulat na may "homosexual activities" ang dalawa.

"I merely narrated in my article that I saw the two men ‘nagbubulungan' and as they are ‘nagbubulungan,' it obviously follows that ‘halos magkadikit na nga ang mga pisngi nila,'" paliwanag ni Lolit sa dokumento.

Iginiit din niya na "there is nothing libelous about my article."

Ikinuwento lang daw niya kung ano ang nakita niya noon.

Kinuwestiyon din Lolit ang reply-affidavits nina Piolo at Sam, kung saan nag-present sila ng affidavits ng kanilang mga testigo. Ang mga testigong ito raw ang magpapatunay na wala ang dalawang aktor sa lugar na pinangyarihan noong mga oras na sinabi ni Lolit sa kanyang artikulo.

Ilan sa mga witnesses nina Piolo at Sam ay sina Rica Peralejo, Angel Locsin, Cristy Fermin, Pokwang, at ilang empleyado ng Toni and Guy Salon at Timex. Kinuha rin bilang mga testigo ng dalawang aktor ang ilang mamamayan upang maipakita ang epekto ng sinulat ni Lolit sa mga katulad nila.

Ayon sa rejoinder-affidavit ni Lolit, bakit noon lang nag-present ng kanilang mga testigo sina Piolo at Sam samantalang maaari naman nila itong gawin nang magsumite sila ng kanilang complaint-affidavit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The length of time that lapsed before presenting their testimonies casts serious doubts as to the reliability and authenticity of the claims of these witnesses. It was very convenient for the complainants because they had more than enough time to set their story straight and go shopping for witnesses. It was also readily apparent that these witnesses are either people under their employ/pay, or close associates and employees belonging to their home network [ABS-CBN].

"Their testimonies therefore carry very little weight for being biased and self-serving."

Iginiit din ni Lolit na walang malisya sa kanyang isinulat tungkol kina Piolo at Sam.

"I saw them with my own eyes... I have no reason to fabricate a story. I carry no grudge against any of the complainants," saad ni Lolit sa kanyang affidavit.

Bukod sa mga abogado ni Lolit na sina Atty. Malaya at Atty. Briones, dumating din sa Manila City Hall upang magbigay ng suporta ang mga alaga ng talent manager na sina Alfred Vargas, Paolo Contis, at Yasmien Kurdi. Gusto rin sanang sumunod ang isa pang alaga ni Lolit na si Mark Herras, pero kasalukuyang nagte-taping ang young actor.

Sobra naman daw na-touch si Lolit sa pagpapakita ng suporta ng kanyang mga alaga. Hindi raw niya inaasahan ang pagpunta ng mga ito, lalo pa't ganoong kaaga. Patunay lamang daw ito na mahal na mahal siya ng kanyang mga alaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN