Rachelle Ann Go clarifies Christian Bautista's virginity was not the reason of their breakup

IMAGE 0


"Mas gugustuhin ko mapapangasawa ko na ganun [virgin]. 'Tsaka mas maganda yun na talagang hinihintay din nila yungmapapangasawa nila, di ba? Pero kung mahal mo talaga ang isang tao,hindi na importante yun. Although dagdag points po yu," comments Rachelle Ann Go about her ex-boyfriend's, Christian Bautista, virginity.



Unti-unti nang inilalabas ng singer na si Rachelle Ann Go ang mga tunay na dahilan sa paghihiwalay nila ng ex-boyfriend niyang si Christian Bautista. Pero nilinaw ng dalaga sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi kabilang sa mga dahilan ang hayagang pag-amin ni Christian na virgin pa rin siya hanggang ngayon.



"Mas gugustuhin ko mapapangasawa ko na ganun [virgin]," sabi ni Rachelle. "Tsaka mas maganda yun na talagang hinihintay din nila yung mapapangasawa nila, di ba? Pero kung mahal mo talaga ang isang tao, hindi na importante yun. Although dagdag points po yun.

"Parang iba. Parang kapag ikinasal kayo, pareho kayo [na virgin]. At iba yung feeling, napaka-holy. Parahong first time, parehong hinintay talaga yun at hindi kayo naglaru-laro," lahad ni Rachelle sa presscon ng Valentine concert niya with Christian, Sarah Geronimo, and Erik Santos titled All For Luv, na gaganapin sa February 13 sa Araneta Coliseum.



Inamin din ni Rachelle na nami-miss niya ang mga dati nilang ginagawa ni Christian. "Kasi may pinagsamahan kami ni Christian," aniya.



Ano ba yung mga nawala sa samahan nila na nami-miss niya ngayon?



"Siyempre, mas nabawasan," pauna ni Rachelle. "Unlike before, di ba, siyempre laging nasa bahay, dumadalaw? Hindi na siya pumupunta. Hindi na rin siya tumatawag sa akin. Minsan, gaya nito, magkasama kami sa presscon, dati ihahatid niya ako sa amin. Ngayon, hindi na.

"Nakakahiya naman kung magpapahatid ako sa kanya ngayon. Nagpapahatid na lang ako kay Papa. Si Papa na ang sumusundo sa akin... Papa ko, daddy ko yun!" natatawa niyang paglilinaw.



Bihirang-bihira na rin daw kung i-text ni Christian si Rachelle. "Tapos ang text niya mga quote," dagdag ng dalaga.



Hindi ba niya hinahanap-hanap ang text ni Christian sa kanya simula paggising hanggang bago matulog?



"E, tamad po mag-text kasi talaga [si Christian]. Pero before, medyo madalang talaga siya mag-text," paliwanag ni Rachelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kahit daw tumawag ay napakadalang gawin noon ni Christian sa kanya. "Minsan ako pa ang tumatawag sa kanya. Pero gusto ko kasi ako ang tinatawagan, e. Busy kasi palagi kaya bihira siyang tumawag. E, iintindihin ko na lang."



Masasabi ba niya na mas siya ang nag-a-adjust kay Christian para ma-maintain ang kanilang relasyon noon?

"Hindi rin naman. Siyempre bigayan din naman po," sagot ni Rachelle.

Since very fresh pa rin ang hiwalayan nila, may mga moment ba na bumabalik-balik sa kanyang alaala ang pagiging maalalahanin noon sa kanya ni Christian?



"Nung ano pa...Kumbaga, bago pa lang, parang nakakailang. Parang...parang, ‘Hindi ba kami sabay?' Pero, ‘Ah, oo nga, iba na. Okay, ganun," saad niya.



Paano niya na-overcome yung ganung pakiramdam?



"Nung una, medyo parang ang off. Pero ngayon, ewan ko po, parang nasanay na ako. Parang naintindihan ko... Natanggap? ‘Ayan, yun po ang word, natanggap ko na."



Kung ligawan ba siya ulit ni Christian, may chance ba na makipagbalikan siya?



"Siguro kung ako po, siguro time na lang. Time will tell," sagot niya.



Hindi kaya mahal pa rin niya si Christian?



"Siguro hindi ganun kabilis, kasi siyempre matagal din kami. ‘Tapos lagi rin kaming magkasama. Parang nandun pa rin yun, nagki-care pa rin naman," pag-amin ni Rachelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN