Toni Gonzaga confirms past "mutual understanding" with Sam Milby

IMAGE 0


Kasi nung MU-MU stage na yun, after PBB [Pinoy Big Brother Season1]. Hindi pa kami nagpe-pelikula. Nag-MU agad kami noon. Gustung-gustona namin ang isa't isa. Kaya lang, yun nga, natatakot kami na baka kungano ang isipin ng mga tao. Basta we really liked each other nung timena tinutukso-tukso kami," explains Toni Gonzaga why she and Sam Milby chose to keep their relationship a secret.



Nate-tense na si Toni Gonzaga sa nalalapit na first major solo concert niya titled Catch Me bukas, February 9, sa Aliw Theater. Although, kasama naman daw talaga sa trabaho ang tensiyon.



"Kapag hindi ka na-tense, hindi ka professional. Naku, professional?! So, heto na yun. Ni-level ko na talaga!" natatawang sabi ni Toni sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Kahit tapos nang mag-shoot si Toni para sa My Big Love—ang pelikula niya with Sam Milby and Kristine Hermosa—hindi pa rin daw siya nakakapagpahinga nang maayos dahil sa concert niya.



"Hindi pa, pagkatapos ng concert siguro," buntunghininga ni Toni sa presscon ng My Big Love last Wednesday, February 6, sa Annabel's restaurant, Tomas Morato Ave., Quezon City.



Anong klaseng pahinga ang gagawin niya?



"Sa kotse, doon ako magpapahinga. Kung dati eight hours a week ang tulog ko, after ng movie and concert, siguro mga eight hours a day na ang tulog ko!" biro ni Toni.



SAM MILBY.
Marami ang nagulat nang umamin si Sam sa interview niya sa The Buzz last Sunday, February 3, na nag-MU (mutual understanding) sila noon ni Toni for three months.



"Sabi ko, ‘Ngek!'" seryosong biro ulit ni Toni. "Ni hindi sumama ang loob ko, ni hindi ako nagulat or whatever, okay lang ‘yun. Totoo naman," bawi niya.



Bakit ngayon lang umamin si Sam?



"E, ngayon lang siya ulit tinanong, e. Ngayon lang naman ulit siya umupo ‘tapos na-sit down interview," sagot ni Toni.

Hinintay niya ba talaga na si Sam ang umamin na nag-MU sila noon? Mas pinili niya bang manatiling tikom ang kanyang bibig sa tunay na relasyon nila ng kanyang ka-love team?



"Siguro tama lang yun na lalaki ang mauna. Mahirap naman yung babae ang salita nang salita, baka mai-deny," sabi niya.



Gimik lang daw ang pag-amin ni Sam na nag-MU sila dahil sa movie nila na My Big Love. Ano ang reaksiyon dito ni Toni?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi naman," tanggi ng dalaga. "Kasi nung time na tinatanong kami, ayaw talaga naming magsalita kasi natatakot kami. Natatakot kami na baka makaapekto ito sa mga career namin, makaapekto sa aming love team. So parang napagdesisyunan namin na gawing pribado na lang muna siya, ‘tsaka para maging mystery na rin sa lahat ng tao kung ano yung totoong score between us. E, eventually, after two years, ‘ayun, naka-graduate na kami sa mga nararamdaman namin and ngayon na kumportable na kami sa isa't isa dahil talagang magkaibigan kami."



Masasabi ba niya ngayon na wala na silang ibang lihim na dapat aminin ni Sam?



"Meron pa rin," ngiti ni Toni. "Sa pagtatrabaho namin. Pero personal mystery with each other, sa amin na yun. Kanya-kanya na yun."



Bakit hanggang tatlong buwan lang umabot ang relasyon nila ni Sam noon?



"Trabaho talaga. Kasi nung MU-MU stage na yun, after PBB [Pinoy Big Brother Season 1]. Hindi pa kami nagpe-pelikula. Nag-MU agad kami noon. Gustung-gusto na namin ang isa't isa. Kaya lang, yun nga, natatakot kami na baka kung ano ang isipin ng mga tao. Basta we really liked each other nung time na tinutukso-tukso kami," kuwento ni Toni.



ANNE CURTIS. Isa ba siya sa mga dahilan kung bakit may gap daw ngayon sina Sam at Anne Curtis? Magkakasama silang tatlo ngayon sa drama series na Maging Sino Ka Man Book 2.

"Naku, tanungin ninyo si Sam," sagot ni Toni. "Hindi ko na alam yun. Personal na niya yun. Hindi na ako involved sa kanila."



Kumusta naman sila ni Anne ngayon?



"Okay kami," maikli niyang tugon.



Hindi na tulad ng dati na kahit paano nagkaroon sila ng gap dati?



"Rift...ng konti?" balik-tanong ni Toni. "Before siguro, nagkaroon ng konting rift. Pero hindi naman big deal kasi mas una kong nakilala si Anne. Mas nagkatrabaho na kami sa ASAP bago ko pa nakilala si Sam."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Naapektuhan ba ang pagkakakilala nila ni Anne nang pumasok na sa buhay nila pareho si Sam?



"E, konti. Pero ngayon, wala na," sagot niya.



Sa tingin niya, paano tatanggapin ng mga manonood ang third team-up nila ni Sam sa pelikula, ang My Big Love? Ngayon kasi ay may Paul Soriano na si Toni, samantalang si Sam naman ay na-link ngayon kay Anne.



"Tingin ko, maku-curious sila dahil kapag nanood ka ng pelikula, parang walang nagbago sa aming dalawa. Akala mo MU pa rin kami. Ay!" tili ni Toni.

PAUL SORIANO. Ano naman ang naging reaksiyon ng boyfriend niyang si Paul sa pag-amin ni Sam sa relasyon nila noon?



"Kung anuman ang reaksyon ni Paul, akin na lang yun. Alam naman yun ni Paul. Alam ni Paul lahat kaya hindi na siya nagulat. Pero kung anuman ang maging reaksiyon niya, kung anuman ang pinag-usapan namin, sa amin na yun. Kasi, tutal hindi naman siya artista. Kung artista siya, naku, e, papa-explain ko rin sa kanya yung side niya. ‘Mag-explain ka kung ano ang feelings mo. Magpa-presscon ka ngayon,'" pahayag ni Toni tungkol sa kanyang boyfriend na direktor.

Sabi naman namin, puwede naman talagang magpa-interview ni Paul kung gugustuhin niya since nagge-guest naman siya sa mga talk shows.



"Hindi na. Ayaw na niya," ani Toni.



Pinagbawalan ba niya?



"Hindi, hindi na niya kasi talaga kaya. Nung una, okay lang sa kanya, e. Pero nakikita na niya yung hirap ng showbiz," paliwanag ng TV host-actress-singer.



Na-trauma ba si Paul na magpa-interview sa TV pagkatapos niyang madawit sa pagbubuntis noon ni Camille Prats?



"Hindi naman," sagot ni Toni. "Yung nagulat na lang siya nung na-involve yung pangalan niya doon, kay Camille. So, after nun... Kasi dati, he's doing that [interviews] for me, e. Akala niya, to please the people, to please my fans....

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko sa kanya, ‘Don't try to please them. Puwede ka namang maging pribado pa rin. Hindi mo na kailangang gawin yun.' Sinabi ko sa kanya yun. He chose to remain silent. Nakapag-decide naman siya na finally huwag nang magsalita. So, less na ang exposure niya sa mga interview. Yes, definitely, hindi muna siya a-appear. It's enough siguro na alam na ng tao, na aware na sila about us. Hindi na siguro."



Ibig bang sabihin nito ay babawasan na rin nila ni Paul ang paglabas-labas sa public places?



"Hindi naman. Hindi naman namin kailangang magtago or anuman, kasi wala naman kaming itatago. Siguro sa mga interviews ko lang, mas proprotektahan ko na siya na as much as possible, huwag nang pag-usapan yung personal na bagay. Puwede n'yo siyang kumustahin sa akin. Pero yung mga personal na detalye, hindi ko na lang ibibigay, in respect to what he wants also," paliwanag pa ni Toni.



How true na binabantayan siya ni Paul sa shooting ng My Big Love?

"Hindi, ah," tanggi ni Toni. "Dumadalaw lang siya. Siguro, minsan lang. Hindi siya nagbababad sa shooting namin. Kahit na tanungin ninyo ang staff namin. Kapag dumaan lang yun, it's because his around the area. Katulad nung nasa Alabang kami nagsu-shooting, sa Alabang siya nakatira. Dadaan lang yun, ‘tapos pupunta na sa trabaho niya. Sisilip lang siya."



Walang naaalala si Toni na nagbabad sa shooting niya si Paul habang nasa loob ng kanyang kotse. Hindi rin kasi gusto ni Toni na binabantayan siya sa set ng kanyang TV show or sa shooting niya.



"Alam naman niya na hindi ko rin gusto yung binabantayan ako. May freedom naman kami pareho sa isa't isa. ‘Tsaka we trust each other. ‘Tsaka ganun din naman siya, e. Hindi mo na siya kailangang sabihan," pagtatapos ni Toni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN