Pops Fernandez shrugs off report that Jomari Yllana is cheating on her

IMAGE 0


"Actually, he's the one who would tell me naman what's happening, and Ithink everyone was just having fun, and I totally get that... You can tell naman,more or less, if there's something happening. I think I would sense it.By now, I know how to sense those things," says Pops Fernandez about a report saying that her boyfriend, Jomari Yllana, was seen with another woman in Davao.



Halatang masaya si Pops Fernandez nang makausap siya ng GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) sa contract signing niya bilang spokesperson ng Sta. Lucia Land. Kinilig pa nga ang Concert Queen nang matuklasan niya ang "sorpresa" ng boyfriend niyang si Jomari Yllana para sa kanya sa nalalapit na Valentine's day.

Sa mga naunang interview, inamin ni Jomari na nagpaplano siya ng isang out-of-town trip para sa kanilang dalawa ni Pops. Malugod naman itong tatanggapin ni Pops, aniya.

"For a change, this Valentine, I get to experience what it's like to date. Kasi usually, di ba, Valentine, parati ako may trabaho?" pahayag ng Concert Queen.

Nakarating na rin daw kay Pops ang bali-balitang nakipag-"lampungan" ang boyfriend sa ibang babae nang magpunta si Jomari sa Davao para sa Nivea Celebrity Challenge. Ayon sa balita, higit pa sa pakikipagsayaw ang ginawa ni Jomari kasama ang isang aktres sa isang party doon.

"Actually, he's the one who would tell me naman what's happening, and I think everyone was just having fun, and I totally get that. I know it came out din on TV and I just said, ‘Ah, yeah!' You can tell naman, more or less, if there's something happening. I think I would sense it. By now, I know how to sense those things," pagtatanggol ni Pops sa nobyo.

Tinanong din namin kay Pops kung may "experience" na ba siya sa ganitong klaseng mga bagay. Isang mariing tawa lang ang isinagot ni Pops.

Sabi niya, malaking bagay raw ang pagtitiwala sa kanilang relasyon ni Jomari.

"Most of the time din naman, I am out. Half the time, he doesn't know where I am or what I am doing. At saka ayoko namang maloka kakaisip kung ano'ng ginagawa niya. Ayokong maloka, ‘no! The thing is, we trust each other. There should be trust in the relationship," pahayag ni Pops.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN