Erik Santos defends Rufa Mae Quinto against flak after her "YES!" interview

IMAGE 0


Erik Santos is aware of Rufa Mae Quinto's colorful past. "Bago ko pasukin yung relasyon namin alam ko lahat yun. Sabi ko nga kanina, kung anuman ang nalagay doon [artikulo sa February 2008 issue ng YES! Magazine], alam ko lahat yun."


Suportado pa rin ni Erik Santos ang ex-girlfriend niyang si Rufa Mae Quinto sa kabila ng pagbubunyag ni Jessa Zaragosa sa The Buzz. Naninindigan si Erik na hindi totoo na walang nagse-seryoso na lalaki kay Rufa dahil nanlalaki ang ex-girlfriend niya.

"I don't think so. Sabi ko nga sa kanya, kung anu't anuman ang mangyari, sabi ko sa kanya mas maganda siguro, kasi before siya nagsalita I called her. Sabi ko, ‘I hope you're okay.' Kung anuman yung magiging reaksyon kasi aminin natin sa pagsasalita mo, of course, nasa posisyon ka para magsalita, nirerespeto ko yun. Pero ang sabi ko sa kanya, hindi mo maiiwasan na may mga taong nananahimik na mag-react kasi nasasktan sila.

"Ang mas maganda siguro kung magpapaliwanag ka, siguro mas maganda kung magpakababa na lang tayo. Kumbaga, be apologetic kung anuman yung nagawa mo kasi masyadong sensitive yung mga isyu na binuksan mo," lahad ni Erik pagakatapos ng parade ng ABS-CBN Team Kapamilya sa Binondo last Thursday, February 7.

Pinayuhan ba niya si Rufa na mag-sorry kay Jessa? "No, hindi naman sa ganun. Kung meron man siyang nasaktan na iba, mas maganda na magpakababa na lang kasi aminin natin na meron talagang mga tao na nasaktan talaga.

"Nakausap ko siya nung gabi bago siya mag-The Buzz. Kasi tinanong din ako sa Entertainment Live! na parang nagulat ako sa tanong sa akin, which hindi ko naman nababasa pa yung isyu. So, sabi ko sa kanya, kahit hindi ko naman sabihin na mag-apologize siya, I know gagawin naman niya yun, e."

Ang isyu na tinutukoy ni Erik ay ang February 2008 issue ng YES! magazine kung saan nagkuwento si Rufa Mae tungkol sa mga naging karelasyon niya, kabilang na rito si Dingdong Avanzado na asawa na ngayon ni Jessa Zaragoza. Nag-react si Jessa sa tell-all interview at sinabi nito na hindi totoong naging magkarelasyon si Dingdong at si Rufa Mae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin niya, saang part dapat maging apologetic si Rufa sa mga sinabi niya?

"Doon sa parte na may mga tao na sigurado na masasaktan doon sa mga inilabas niya. Na hindi lang sina Jessa at Dingdong. Alam ko naman na walang masamang intensyon si Rufa Mae.

"Unang-una, buhay niya yun pero sa buhay niya maraming taong na-involve. So, kailangan kapag sinabi mo yung lahat-lahat sa ‘yo, hindi mo maiiwasan na may mga taong maiinis. So, doon ko siya gustong...kung meron man siyang nasagasaan in one way or another, gusto ko siyang mag-aplologize, which is kahit hindi ko naman sabihin sa kanya alam ko na gagawin niya yun."

Sinunod ba siya ni Rufa Mae? "Nung napanood ko siya, sabi ko sa kanya, ‘nagustuhan ko yung the way mo sagutin yung mga bagay.' Saka sabi ko naman kasi in one of my interviews na huwag nating basta-basta i-judge si Rufa Mae kasi hindi ninyo alam kung ano ang pinagdadadaan niya, especially sa pamilya niya."

TWO-TIMER? Kuwento pa ni Jessa sa kanyang panayam, may nahuli raw si Dingdong na isang actor-politician sa bahay ni Rufa Mae. May tsismis din noon na may nadiskubre daw ang dati ring karelasyon niya na si Rudy Hatfield na naging dahilan ng hiwalayan nila ni Rufa Mae.

Nang tanungin ng PEP si Erik tungkol dito, mahinahon niyang sinabi: "Siguro it's not for me to say anything about it kasi nga hindi naman ako involved doon. Kumbaga, sinabi niya sa akin yun dahil may tiwala siya sa akin. Siguro wala ako sa posisyon para i-clarify yung mga bagay."

May nahuli rin ba siya kay Rufa nang magkasama pa sila? "Wala, walang ganun," tanggi ni Erik. Maayos naman daw ang relasyon nila ngayon ni Rufa. "We're very good friends," giit pa ng balladeer.

Sinabi rin ni Jessa na naging okay pa sina Dingdong at Rufa Mae kahit may nahuling lalaki ang singer sa bahay ng sexy star. Pero wala na raw talagang relasyon sina Dingdong at Rufa Mae. Ganito rin more or less ang situwasyon ngayon ni Erik at Rufa Mae. Hindi ba niya nararamdaman na nagagamit pa rin siya ni Rufa Mae kahit wala na silang ganun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, kasi si ano, sabi ko, nasa showbiz tayo, di ba? Pero yung tunay na pagkatao ng isang tao hindi mo makikilala kung hindi mo siya makakasama nang matagal. Kasi si Peachy [nickname ni Rufa Mae] kumplikadong tao siya, e.

"Mabuting tao pero kumplikado in the sense na meron siyang masasabi na pwedeng hindi maintindihan ng nakakararami pero maiintindihan ko kasi kasama niya ako ng matagal na panahon...yung mga ganung bagay. So, siguro yun, yung minsan nami-misinterpret siya ng iba. Kasi kung ano yung pinapakita niya sa TV o kahit naman halimbawang kaming dalawa lang ganun pa rin naman siya.

"Personally, kung anuman yung nangyayari sa amin nung kami pa at nangyayari sa amin ngayon, lahat yun totoo. Kasi ako rin naman hindi ako papayag na magamit ako kasi hindi ko naman deserved."

Nagsinungaling ba si Rufa Mae kay Erik?

"Never," diin niya. "Hindi talaga siya nagsisinungaling sa akin. Kaya mahirap ding magsinungaling sa kanya."

Kumusta ngayon si Rufa Mae?

"She's okay kasi alam niya lahat ng sinasabi niya totoo."

Galit pa rin ba si Rufa Mae?

"Hindi, kasi, intindihin natin na yung mga nabitawang salita medyo naging yung pagkatao niya medyo natapakan. Siyempre, kapag yung integridad natin at yung pagkatao natin yung nasasagasaan, saka yung pamilya, doon tayo lumalaban."

Sa rami ng mga lalaking nabanggit sa artikulo ni Rufa Mae sa YES! hindi ba nabawasan ang respeto niya para sa dating karelasyon?

"Hindi," tanggi niya. "In the first place, bago ko pasukin yung relasyon namin alam ko lahat yun. Sabi ko nga kanina, kung anuman ang nalagay doon [artikulo], alam ko lahat yun. Sabi ko nga, never naman siyang nagsinungaling. Ibig kong sabihin sa sinabi ko na kulang pa yun hindi dahil sa sinabi niya lahat. Nandun lahat, pero ibig kong sabihin, every single detail nung mga nandun alam ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May plano ba siya na i-date si Rufa Mae sa Valentine's Day?

"Ah, hindi pa kami nag-uusap about that. Pero kung wala siyang ka-date, e, okay lang naman sa akin. Wala rin naman akong ka-date. At iimbitahan ko siya sa concert namin on February 13 sa Araneta."

Babawi raw si Erik kay Peachy sa nangyari sa first solo major concert niya noong October 19 sa Araneta Coliseum. Noon ay hindi in-acknowledge ng balladeer ang dati niyang kasintahan na nanonood ng show.

Kakanta si Erik sa All For Love concert sa Big Dome, kasama sina Sarah Geronimo, Rachelle Anne Go, at Christian Bautista sa February 13.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN