Aiko Melendez reveals mutual understanding with Bulacan vice-mayor

IMAGE 0


Aiko Melendez describes Bulacan vice-mayor Patrick Meneses as "the kind of guy who doesn't want to do things in a rush. Mutual understanding nga siguro ito, pero hindi pa matatawag na relationship." The politician-actress also stresses that she wants to cut off ties with her former husband Martin Jickain.


Medyo nangayayat na si Aiko Melendez, tiyempo sa pagbubukas ng Club Mafia sa Nakpil-Orosa area ng Malate kagabi, February 8. Isa si Aiko sa proud owners ng bagong dance club na ito na tinuturing na bahagi ng mga high-end party venues sa Malate.

Sinamantala ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakataon para usisain si Aiko sa ilang kontrobersyal na balita. Una na rito ay ang pagpupursige niya sa annulment ng marriage nila ni Martin Jickain.

"Ayoko na talagang magkaroon pa ng kaugnayan sa kanya," sabi pa ni Aiko. "Ito lang ang tanging paraang magagawa ko para roon. You know naman how much I love my mom [Elsie Blardoney] and throughout our relationship, hindi siya nagparamdam ng matinding respeto sa mom ko.

"Isa yun sa mga bagay na nagpa-realize sa akin na kailangang putulin ko na ang kaugnayan ko sa kanya, kahit nga may anak pa kami."

Naitanong rin namin kay Aiko kung bakit pinakasalan niya agad si Martin samantalang whirwind romance na maituturing ang kanilang relasyon.

"Naku, aaminin kong kasalanan ko talaga yun!" pagtatapat ni Aiko sa amin. "Up to the last minute, may mga problema ang kasalan namin. Dapat, doon pa lang, hindi na ako pumayag sa kasalan.

"Sign na yun na hindi kami magtatagal. Nag-back out sana ako. Pero, ano pa ang magagawa ko. Nariyan na 'yan. Pati sa pamilya niya, I don't want anything to do with them anymore," sabi pa ng politician-actress.

Ang pangalawang issue ay may kaugnayan kina Jomari Yllana at Pops Fernandez. In fact, nakisaya pa sina Jom at Pops sa grand opening party ng Club Mafia.

"Okay kami nina Pops at Jom," sabi ni Aiko. "Wala kaming problema. Actually, mas nag-uusap kami ni Jom kaysa kay Martin.

"Isa pa, hindi ako puwedeng makipagkita man lang kay Martin kahit tungkol sa aming anak. Pinagpayuhan ako ng lawyer ko na kung gusto kong mapadali ang annulment, wala na talaga akong dapat maging kaugnayan kay Martin whatsoever, maliban na lang kapag tungkol kay Marthena [their daugher] ang isyu," paliwanag ni Aiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumakalat kasi ang balitang may tampuhan sina Pops at Jom pero ang presence ng dalawa sa event na yun kagabi proved that the rumors were wrong.

"Kung mayroon man kasi silang problema, palagay ko, mapapag-usapan nila nang maayos yun. Kung kailangan nga nila ng tulong, susuporta ako sa kanila para magkaayos sila, kung mayroon mang problema.

"Pero, mukhang intriga lang talaga yun. But, in case magkaproblema sila, at huwag naman sana, ang sympathy ko ay kay Pops. Unang-una, I treat her as a friend. Naiintindihan ko ang situwasyon niya.

"Babae rin kasi siyang tulad ko, at ina pa, kaya never na magkakaproblema kami ni Pops kung dahil lang kay Jom," tahasang nasabi ni Aiko.

MUTUAL UNDERSTANDING. Napag-alaman ng PEP nang gabing yun na nagkatampuhan din daw sina Aiko at Patrick Meneses, ang vice-mayor ng Bulacan na karelasyon di umano ng aktres-politiko ngayon.

May ilang sandaling nakapagbuhos ng kanyang saloobin si Aiko sa mga kaibigang sina Biboy Arboleda at Bambbi Fuentes sa labas ng Club Mafia, at kitang-kita naming naging emosyonal si Aiko.

"Wala lang, I'm just so happy," sambit ni Aiko. "Very supportive si Patrick sa akin, and I just hope, magpatuloy na maayos ang situwasyon namin.

"He's the kind of guy who doesn't want to do things in a rush. Mutual understanding nga siguro ito, pero hindi pa matatawag na relationship.

"Mas maganda talaga yung maging magkaibigan muna kami, para higit naming makilala ang isa't isa. There's no need to be in a hurry," paliwanag pa niya.

Ayon sa isang ka-close ni Aiko, kaka-reconcile lang pala nila ni Patrick, and they have just patched up their differences. Nang gabing iyon, the vice-mayor of Bulacan turned 30 kaya naging mas memorable sa kanila ni Aiko ang opening ng Club Mafia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN