Newcomer Precious Adona defends Baron Geisler on unscripted "kissing scene"

IMAGE 0


Viva Artist Agency talent Precious Adona (in photo) denies earlier reports that Torotot co-star Baron Geisler kissed her during a scene in the movie even if it was not in the script. "Hindi po kasi totoo na nahalikan ako," says Precious.



Isa sa mga pinakabagong Viva Artist Agency (VAA) talent si Precious Adona na ipakikilala sa pelikula ng Viva Films, ang Torotot, starring Maui Taylor, Yul Servo, and Baron Geisler, directed by Maryo J delos Reyes. Isa sa finalists ng Be Bench, Precious was the third female finalist to be eliminated in the said model search of Bench and ABS-CBN.

Hindi pa man tapos ang production at hindi pa nagsisimula ang promotion ng Torotot, nakagawa na ito ng ingay. Nagalit at nagwala raw si Direk Maryo sa set nito dahil sa pambabastos at paghalik diumano ni Baron kay Precious sa isang eksenang kinukunan. Sabi'y wala naman ito sa script.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Precious sa Tektite office ng Viva Films last Friday, February 8. Ang una niyang gustong ipaalam ay hindi raw siya hinalikan ni Baron at hindi niya naman na-feel na nabastos siya.

"Ang eksena po kasing kinukunan, isang suck-and-blow scene," paumpisa ni Precious.

Suck and blow is a party game wherein a playing card is transferred from one person to another with their lips.

Patuloy na kuwento ni Precious, "Kinukunan po ang halikan scene nina Yul and Maui ‘tapos biglang nahulog yung card. Nang pupulutin ko po, nasa likod nang bigla si Baron... ‘Tapos ang mga ibang talents, sigawan na ng ‘kiss, kiss!' Pero hindi po ako hinalikan ni Baron."

Inamin naman ni Precious na nagalit nga at pinaka-cut ni Direk Maryo ang eksena at binulyawan nito si Baron. But Precious doesn't think it was because of what was written na nabastos siya.

"Parang ang alam ko po, kasi nga nag-adlib si Baron, wala ito sa script," palagay ni Precious.

Hindi rin daw nakainom si Baron sa eksena, although the scene required them to be playing drunk. Dito lang nagkaiba ang statements nina Baron at Precious. Sa interview kay Baron na lumabas sa PEP earlier, he was holding a bottle of beer but what he was drinking was white wine on the side at parang props lang ang bote. Sa kuwento sa amin ni Precious, ang beer mismo ang iniinom ni Baron at walang na-mention na white wine on the side.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman po siguro malalasing si Baron sa isang bote ng beer," depensa ni Precious.

May nagtanong kay Precious kung bakit biglang naiba ang statement niya sa naunang eyewitness account. Balita kasing may tumawag sa unang nagsulat nito sa PEP na pinagbabawalan na huwag na itong palakihin. The request to keep quiet was extended daw to all the people involved in the incident.

"Wala pong nagbabawal sa akin na magsalita. Hindi lang po kasi totoo na nahalikan ako," giit ni Precious.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN