StarStruck 4 Avenger Chariz Solomon doesn't mind being compared with Giselle Sanchez

IMAGE 0


"Noong nasa StarStruck pa ako, lagi nilang sinasabi na kamukha ko raw si Ms. Giselle Sanchez. Okay lang naman kasi magaling naman talaga siya," says Chariz Solomon (in photo) about being compared with comedienne Giselle Sanchez.



Masaya at kuntento ang StarStruck 4 Avenger na si Chariz Solomon sa nangyayari sa career niya ngayon sa GMA-7. Simula nang pasukin niya ang pagiging komedyana, nagkasunud-sunod na ang mga project niya.



Regular siyang napapanood sa segment na "StruckAttack" at "Da Who" ng StarTalk kung saan kasama niya ang co-Avengers niyang sina Jan Manual at Paolo Avelino. Semi-regular din siya sa afternoon soap drama na My Only Love at kasama rin siya sa pelikulang My Best Friend's Girlfriend bilang kaibigan ni Marian Rivera.



Madalas ikumpara si Chariz sa comedienne na si Giselle Sanchez dahil kopyang-kopya raw niya ang style ng pagpapatawa nito. Okay lang daw kay Chariz na ikumpara siya kay Giselle dahil mahusay naman daw sa pagpapatawa ang huli.



"Sabihin na natin na naging inspirasyon ko si Ms. Giselle," sabi ni Chariz sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Noong nasa StarStruck pa ako, lagi nilang sinasabi na kamukha ko raw si Ms. Giselle Sanchez. Okay lang naman kasi magaling naman talaga siya.



"May natural flair for comedy naman ako kaya yun na ang naging concentration ko. Kesa naman pasukin ko ang pagpapa-sexy, e, hindi pa naman ako ready for that. Mabuti naman at naging tama ang decision ko na magpatawa na lang muna."



In fairness kay Chariz, isa siya sa tinilian ng maraming tao sa SM Megamall nang mag-premiere night ang My Best Friend's Girlfriend kagabi, February 10. Hindi akalain ni Chariz na kilala na siya ng maraming tao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN