Pinoy Idol" judge Jolina Magdangal not affected by negative reactions

IMAGE 0


"Nagdya-judge ako na hindi angpinagbabasehan ng pagdya-judge ko ay dahil lang may gustong sabihin saakin yung mga naninira or yung mga pumupuri, kundi gusto kong maginghonest dun sa taong nag-o-audition ng tatlong minutong ‘yon," says Jolina Magdangal about the negative reactions she gets as Pinoy Idol judge.



Nakakapagod ang pagiging isang judge ng Pinoy Idol. Kailangan kasi nilang libutin ang iba't ibang panig ng Pilipinas para sa auditions. Kaya naman naitanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa mga judge ng naturang singing search na si Jolina Magdangal kung worth it naman ba na ipinagpalit niya ang muling pagbibida sa isang drama series tulad ng Kaputol ng Isang Awit sa Pinoy Idol.



"Oo naman!" mabilis niyang tugon. "Kasi ang sa akin, lahat siguro puwedeng mag-try na mag-soap, pero hindi lahat puwedeng mag-judge sa Pinoy Idol. At saka hindi ganoon kadali na mapasok ka as one of the judges. Hindi lang naman ang GMA ang nag-a-approve, pati ang FremantleMedia [franchise holder ng Pinoy Idol]. Yun ang importante, e."



Inamin ni Jolina na sa kanya talaga unang in-offer ang Kaputol ng Isang Awit.



Ayon sa kanya, "Ibinigay na nga ang story, e. Schedule na lang talaga. At sabi, cast na lang ang pina-finalize sa Kaputol ng Isang Awit. Kaso pumasok ang Pinoy Idol. E, sobrang class din ang sked. Hindi naman puwedeng mag-adjust ang Kaputol dahil meron silang target. Gusto ko rin sana yung series kung kaya ng sabay. Kaso hindi, e.

"Yung sked ng Kaputol, Tuesday at Thursday. Yung sked naman namin [sa Pinoy Idol], Thursday to Sunday. So, wala... Kahit ano ang gawin ko, hindi talaga puwede. Ayoko naman ng ngayon nga lang ako magdya-judge, ibinigay sa akin ang privilege, ang opportunity para mag-judge at para mamili ng susunod na Idol.... So, bakit mo pa iiwasan yun, di ba?" paliwanag ni Jolina.



Ano ang masasabi niya na si Glaiza de Castro ang ipinalit sa kanya sa Kaputol ng Isang Awit?



"Okay lang, kung ‘yon ang gusto ng GMA," sagot ni Jolina. "Parang ayoko naman ng hindi na nga ako natuloy dun, parang, hello, sasama pa ba ang loob ko? Tutal pinili ko rin lang itong Pinoy Idol at happy naman ako kay Glaiza, kasi mabait naman yung bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Pero tama naman, di ba? Kahit saan mong tingnan, iba ang Pinoy Idol. Although may mga nagsasabi sa akin, nag-StarStruck ka na naman, e, di kunin mo na lang yung soap. Pero iba yun, e. Pinoy Idol ‘to na meron kang mga ka-partner na foreigner at para mag-trust sa ‘yo."



Sa tatlong judges ng American Idol na sina Randy Jackson, Paula Abdul, at Simon Cowell, kanino mas higit na nakikita ni Jolina ang sarili bilang isang judge?



"Ayokong sabihin na parang ako si ganito...ako si ganyan," pauna ni Jolina. "Gusto kong may sarili akong ako, e. Puwedeng minsan gusto mong magpaka-sobrang bait, pero hindi naman kailangan kasi may kailangan kang turuang tao, yung nag-o-audition. Although, it's so tempting na maging mahadera."



So, hindi siya mapapanood na nagmamahadera sa Pinoy Idol?



"Hindi talaga!" bulalas niya. "Hindi ako ganoon, e. Hindi talaga ako mahadera na tao. Or yung tipong parang gusto mo pang pumapel. Bakit ko naman gugustuhing pumapel pa? Kaya ako nandoon, para pumili ng Pinoy Idol. Ayoko rin naman ng too good to be true na para lang walang magalit sa ‘yong fans."



Ayon kay Jolina, aware siya na hindi lahat ay happy sa pagkakaupo niya bilang judge ng Pinoy Idol. Na may ilang kumukuwesitiyon kung bakit siya ang napili ng network.



"Meron talaga! ‘Eto na...may nagsasabi... Pero ako, kesa magdamdam ako at pag-isipan ko pa ‘yon na kinukuwestiyon nila ako, basta ang sa akin, ako ang nakaupo roon. Binigyan ako ng trabaho na pumili, yun ang ginagawa ko. Nagdya-judge ako na hindi ang pinagbabasehan ng pagdya-judge ko ay dahil lang may gustong sabihin sa akin yung mga naninira or yung mga pumupuri, kundi gusto kong maging honest dun sa taong nag-o-audition ng tatlong minutong ‘yon," paliwanag niya.



Naaapektuhan ba siya sa mga negative comments sa kanya?



"Hindi, e," tugon niya. "Kasi ayoko ngang isipin. Kapag nagpa-pressure ako ro'n, imbes na umayaw ako dahil hindi ko talaga feel na magki-click siya, e, di parang nag-judge ako dahil may negative na chumu-chuva sa tenga ko. Sorry, hindi talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN