Oyo Sotto on Kristine Hermosa: "What I feel for her is something unconditional."

IMAGE 0


"Lagi ko namang siansabi kay Kristine na kung saan siya masaya, dunako. Just like I've said, it's unconditional. So anuman ang mangyari,nandito lang naman ako," says Oyo Sotto about his feelings for Kristine Hermosa.



Si Oyo Sotto ang sinasabing ipinalit ni Kristine Hermosa kay Diether Ocampo pagkatapos mapabalitang magkahiwalay na ang dalawa. Ngayon, may usap-usapang nagkabalikan na raw sina Kristine at Diether, pero ipinagtataka ng lahat na madalas pa ring makita na magkasama sina Oyo at Kristine.



Katulad na lang ng nangyari sa live telecast ng ASAP '08 last Sunday, February 10, magkasama na naman sina Oyo at Kristine sa iisang dressing room. Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa young actor ay sinabi niyang "unconditional" ang nararamdaman niya para kay Kristine at hindi raw niya hahadlangan kahit kailan ang mga bagay na makapagpapasaya sa dalaga.

"I won't deny she's very special for me," pag-amin ni Oyo. "What I feel for her is something unconditional. Kasi hindi ko naman matatawag na kami, kasi hindi naman kami. ‘Pag sinabi ko namang friends, ayaw naman nilang maniwala. Best friends, parang hindi rin... Basta it's something unconditional at alam niya 'yon."

Emotional si Oyo nang tanungin namin siya kung ano ang magiging reaksiyon niya kung totoo ngang nagkabalikan na sina Kristine at Diether. Ayon kay Oyo, basta masaya si Kristine, he'll be happy for her kahit pa nga masasaktan siya ‘pag nangyari ito.



"Lagi ko namang sinasabi kay Kristine na kung saan siya masaya, dun ako. Just like I've said, it's unconditional. So anuman ang mangyari, nandito lang naman ako. Kung nakikita ko siyang masaya at maligaya, kahit sabihin mo, kunwari, dumating yung panahon na masaktan ako, 'pag nakita ko siyang masaya, mawawala lahat ng pain na nararamdaman ko," sambit ng binata.

Handa ba siyang maghintay kay Kristine kung saka-sakali?

"Oo naman, I'm very much willing to wait," mabilis na sagot ni Oyo. "Sa akin kasi, bahala na si God kung saan man kami dalhin... Kung saan siya [Kristine], ako o kaming dalawa dalhin. Mahirap pangunahan ang mga bagay-bagay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami ang nagsasabi na may attitude problem si Kristine. Pero para kay Oyo, ang pagiging totoo ng aktres ang siyang nagustuhan niya rito.



"Hindi siya plastic. Totoo siyang tao at kung ano ang pinapakita niya sa iyo, totoo 'yon. Nasa sa iyo na lang kung matatanggap mo ang pagiging sobrang totoo niya," depensa ni Oyo.

May balitang botong-boto raw ang ina ni Kristine na si Mrs. Mai Hermosa kay Oyo. Nagpahayag naman ng saya ang young actor sa balitang ito.



"Hindi ko pa naririnig mismo from her kaya ayokong pangunahan," pauna niya. "Pero kung totoo, siyempre sobrang saya ko. ‘Pag pumupunta naman ako sa bahay nila, okay naman sila sa akin."

Inaasahan ng iba na darating ang oras na maghaharap at mag-uusap sina Oyo at Diether. Ayon kay Oyo, handa siyang harapin si Diether lalo't kampante siya na hindi ito aabot sa away gaya ng iniisip ng ibang tao.



"Oo naman, handa akong kausapin siya," sabi ni Oyo. "Isip-bata na lang naman ang gagawa nung mag-aaway, and I don't think na aabot kaming dalawa sa ganun. Bakit kinakailangang makipag-away sa bagay na puwede namang pag-usapan ng maayos?"

Regular na napapanood si Oyo sa Prinsesa ng Banyera kasama si Kristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN