Snooky Serna finishes Integrated Medicine by correspondence

IMAGE 0


"Proud talaga ako sa sarili ko. Ayokong basta sinasabi ito dahil bakahindi ko rin matapos. Pero after a year, heto at ga-graduate din ako.Naisip ko na puwede na sigurong ipamalita," says a very proud Snooky Serna.



Maiksing-maiksi ang buhok ni Snooky Serna nang mabungaran siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial para sa Kaputol ng Isang Awit sa isang tagong studio sa Sgt. Esguerra Street, Quezon City. Gayunpaman, okay lang daw sa management ng GMA-7 ito dahil she was allowed to wear a wig para sa role niya sa bagong Sine Novela ng Kapuso network. Gumaganap si Snooky rito bilang ina ng rival sisters na sina Glaiza de Castro at Lovi Poe.



"May mga eksena rin daw kasi na maiksi ang hair ko. May diperensiya kasi sa utak ang role ko rito. True-to-life nga raw!" natatawang sabi ni Snooky.

Mukha nga yatang napabilib ang GMA-7 sa pagpapamalas ng professionalism si Snooky sa huling proyekto niya, ang La Vendetta. Never daw na na-late sa taping ang aktres hanggang matapos ang naturang horror-serye.



"Na-encourage siguro sila na talagang nagsisikap akong magbago talaga, hindi lang sa salita. Work-to-death talaga ako ngayon. Gusto kong makabili ng kotse, na mura lang naman. Pero huwag mo nang isulat na cheap lang at baka sabihing nagpapaawa na naman ako!" tawa ulit ni Snooky.



Kaya heto, bonggang role ang ibinigay kay Snooky sa Kaputol ng Isang Awit. From start to finish, halos ay naroroon siya sa maraming eksena.



"Guaranteed ako ng not less than two taping days a week," sabi ng aktres. "Malaking tulong talaga 'yon. I'm so grateful sa GMA-7, kaya ayoko talagang sayangin ang mga pagkakataong ibinibigay nila. Basta, ayoko nang magsalita pa. Work na lang nang work."



Imagine, 10 a.m. ang call time sa pictorial, dumating si Snooky ng 9:58 a.m. Paano ba naging very particular sa oras si Snooky ngayon?



"Naku naman! Ano pa ba ang mangyayari sa buhay ko kung magtatamad-tamad ako? Lately, ang talagang nakatulong sa akin, itong pagsali ko sa Iglesia ni Cristo. It's not that I'm promoting INC, pero mula nang nag-join ako sa kanila, natuto ako ng disiplina. Not for anything else, para sa pagsamba na lang kasi, ma-late ka lang ng one minute, mapapagsarhan ka, and you have to wait for another hour-and-a-half para sa susunod na mass.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"It's a good thing, nadadala ko 'yon maski sa trabaho. Kung sabagay, hindi pa man ako member ng INC, nagagawa ko na, pero mas lalo ngayon," sabi pa ng dating child actress.



SNOOKY, THE STUDENT. Hindi rin alam ng marami na mahigit isang taon pala siyang naka-enrol sa isang correspondence school taking up Integrated Medicine.



"Nagsisipag lang ako sa pagsa-submit ng modules," lahad ni Snooky. "Hindi ko namamalayan, heto nakatanggap ako ng email na ga-graduate na pala ako. Mayroong graduation rites, huh! Sa March 9 ang graduation to be held at the Manila Peninsula, with no less than former First Lady Imelda Romuladez Marcos as special guest."



Namimilog ang mga mata si Snooky nang banggitin niya ang achievement niyang ito.



"Ang tumulong kasi sa akin diyan, yung tutor ko, si Dr. Josef Ubaldo. Connected ang correspondence shool na ito sa Open International University in Sri Lanka. May branches ang correspondence school sa Netherlands. May affiliation din ang correspondence school na 'yan sa United Nations," pagbibigay impormasyon ni Snooky.

Different nationalities ang a-attend ng graduation, hindi lang mga Pinoy na gaya ni Snooky. At saka piling-pili ang mga estudyante rito. May series of tests pa bago ma-admit dito.



"May Indians, Malaysians, at iba pa, na makakasama ko sa graduation. I'm so happy. Hindi biro ang pag-aaral dito. Masyadong makakapal ang textbooks na talagang kailangan kong maglaan ng oras para pag-aralan.



"Proud talaga ako sa sarili ko. Ayokong basta sinasabi ito dahil baka hindi ko rin matapos. Pero after a year, heto at ga-graduate din ako. Naisip ko na puwede na sigurong ipamalita," nangingiting lahad ng aktres.



Kumuha muna ng acceleration exams si Kukay dahil high school graduate lang siya bago nakapasa sa exams naman para sa nabanggit na correspondence school.



"Hindi ko pa talaga alam kung mapa-practice ko ang pinag-aralan ko rito, which also deals with Oriental medicine. Pero ang mahalaga, I have achieved something like this. I'm very happy," masayang sabi ni Snooky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN