John Lloyd Cruz says intrigue that he has a child saddens his girlfriend

IMAGE 0


"Nalulungkot lang siya bilang tao sa trabaho natin, sa industriya natin,merong mga balita na wala namang basehan na puwedeng lumaki ng ganito.Hindi siya nag-worry sa akin, pero nalungkot lang siya na ganun angkatotohanan sa atin," says John Lloyd Cruz about his girlfriend Liz Uy's reaction to the rumor that he sowed wild oats.



Walang Valentine's date today, February 14, ang young actor na si John Lloyd Cruz. May taping kasi ngayon si John Lloyd para sa teleseryeng Maging Sino Ka Man ng ABS-CBN kaya malabo raw na magkita at lumabas sila ng kanyang girlfriend na si Liz Uy.



"Sabi ko nga, we tape almost everyday. So, every day, posible na puwede kayong mag-shoot or mag-taping, magtrabaho kayo," lahad ni John Lloyd, na nag-renew muli ng kontrata bilang Biogesic endorser, sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

What about a post-Valentine's date para sa kanila ni Liz?

"Meron naman tayong konting kaalaman kung paano magpasaya ng babae," nakangiting sabi ni John Lloyd.

Natanong na namin halos lahat ng celebrities na may partner kung ano ang gifts nila sa isa't isa, except John Lloyd para kay Liz.

"Well, ako naman kasi, sa sobrang erratic at demanding ng schedule ko, parang gusto kong isipin na kapag nabigyan mo ng oras ang isang tao, malaking bagay na ‘yon. Secondary na lang yung materyal," sabi ni John Lloyd.

Dalawang taon na ang relasyon ni John Lloyd at Liz, pero ayon sa young actor, "like any normal couple, nag-aaway din kami."

Itinanggi rin ni John Lloyd na pinag-awayan nila ni Liz ang intrigang may anak siya sa isang call-center agent.



"Nalulungkot lang siya na may mga taong...hindi naman sa naninira. Ayokong isipin na sinisiraan ako dahil lang nakabuntis ako. I don't think kasiraan siya on my end. Hindi naman siya [Liz] affected to a point na parang na-depressed siya dahil sa balita.

"Nalulungkot lang siya bilang tao sa trabaho natin, sa industriya natin, merong mga balita na wala namang basehan na puwedeng lumaki nang ganito. Hindi siya nag-worry sa akin, pero nalungkot lang siya na ganun ang katotohanan sa atin," lahad ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN