Regine Velasquez surprises Ogie Alcasid at his Valentine concert in Iloilo

IMAGE 0


"Kumakanta ako ng medley of danceable songs at nagsasayawan ang mga taonang biglang magkaroon ng commotion—si Regine pala! Join na rin siya salast number ko. Dapat pala ay maaga pa siya, pero na-delay ang flightniya to Iloilo kaya hindi siya dumating para sa start ng concert. Butjust the same, ‘yon ang pinakamaganda niyang Valentine gift sa akin," narrates Ogie Alcasid about Regine Velasquez's surprise appearance in his Valentine concer



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang singer-comedian na si Ogie Alcasid bago ang pre-cast judging ng 42 contestants ng Pinoy Idol sa Marco Polo Hotel in Davao kaninang lunch, February 15. Si Ogie ang isa sa mga judges ng Philippine franchise ng American Idol, kasama sina Jolina Magdangal at Wyngard Tracy.

Halos wala pa raw tulog si Ogie dahil nanggaling pa siya sa Valentine concert niya sa Iloilo Convention Center sa Iloilo City, pagkatapos ay dumiretso siya sa Davao City last February 14. Pero masaya naman si Ogie dahil sinorpresa siya ng kanyang girlfriend na si Regine Velasquez noong Valentine's Day.

"Sinorpresa kasi ako ni Regine," kinikilig na sabi ni Ogie. "Dumating siya sa last number ko na sa concert. Hindi ko talaga in-expect ‘yon dahil dapat ay kasama ko siya talaga. Pero sabi niya, may work din daw siya on Valentine's Day. Kaya naman nung February 12, before I left for Iloilo City, nag-dinner na kami sa may Greenbelt .

Patuloy na kuwento niya, "Akala ko nga I will be alone on Valentine's Day, pero ‘yon nga, bigla siyang dumating. Kumakanta ako ng medley of danceable songs at nagsasayawan ang mga tao nang biglang magkaroon ng commotion—si Regine pala! Join na rin siya sa last number ko. Dapat pala ay maaga pa siya, pero na-delay ang flight niya to Iloilo kaya hindi siya dumating para sa start ng concert. But just the same, ‘yon ang pinakamaganda niyang Valentine gift sa akin."

Ano naman ang Valentine gift ni Ogie para kay Regine?

"Wala pa, pero may post-Valentine concert ako sa Bangkok next week. Isasama ko siya, three days kami doon. Gusto ko sanang ibigay yung wish niya na pumunta ng Spain, pero promise ko sa kanya na ‘yon na lang ang birthday gift ko sa kanya sa April," lahad ng singer-songwriter.

PINOY IDOL. Tungkol naman sa pagiging judge niya sa Pinoy Idol, tinanong namin si Ogie kung hindi ba siya nag-second thought na tanggapin ang pagiging judge ng Philippine franchise ng American Idol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No," sagot niya. "Since day one, no regrets ako. Kahit pa nag-turn down ako ng maraming offers, although puwede naman akong tumanggap ng ibang trabaho basta hindi ito magko-conflict sa schedules ko sa Pinoy Idol. For me, iba naman ito, saka masaya kami nina Jolina, Wyngard, at si Raymond Gutierrez who will host the show."

Ani Ogie, mabait daw siya sa mga contestants. Hindi raw siya pumapayag kung minsan na isa lang ang kakantahin ng mga nag-o-audition.

"Yes, kung minsan, may second and third song pa akong pinakakanta sa kanila. Biro nga ni Wyngard, ‘Ano ba ito, concert?' Pero ang iniisip ko, baka naman may makita ako sa ibang song na kakantahin nila," paliwanag ng Pinoy Idol judge.

Ano ba ang hinahanap nila as the first Pinoy Idol?

"Gusto kasi naming makita sa kanila, hindi lamang basta talent, kundi ‘yong character nila na makaka-inspire sa mga Pilipino, ‘yong makaka-uplift sa kanila. Kaya ‘yon nga ang worry namin, ‘yong baka hindi kami makapag-produce ng someone who can be a real idol, one who can sell a concert, ‘yong makapaglalabas ng platinum records," sabi ni Ogie.

Ano ang feeling niya kapag kinakanta ng mga nag-o-audition ang mga songs niya?

"I get carried away kapag mga songs ko ang kinakanta," natatawang wika ni Ogie. "Pero mahirap din dahil baka they are expecting na dahil song ko ang kinakanta nila, pipiliin ko na sila. But natuto na rin akong sabihin kung ano ang dapat, in a nice way na hindi naman sila magdaramdam. Marami na rin kaming nakitang nagalit dahil hindi sila napili, pero wala kaming magagawa."

Ready na ba siya sa mga criticisms kung bakit siya ang napiling maging isa sa mga judge?

"Oh, yes, but I'm not scared," sambit niya. "Alam kong maraming hindi naniniwalang dapat akong maupo as one of the judges, pero approved naman kami ng Fremantle [franchise owner] and we are following to the letter kung ano ang nasa bible ng American Idol. Saka marami na rin naman kaming feedbacks na naririnig na nagagandahan sila sa preview na ipinakita last Sunday sa Showbiz Central."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magsisimula ang Pinoy Idol sa April 12 at magtatagal ito hanggang August 2008.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN