FIRST READ ON PEP: ABS-CBN talent Eda Nolan gives birth to baby boy courtesy of GMA-7 artist Gian Carlos

IMAGE 0


Unknown to many, Eda Nolan and Gian Carlos have been going out for quite some time now. And on February 8, Eda gave birth to her child with Gian.



Bagama't naunang pumutok ang balita na magiging ina ang unang StarStruck Ultimate Female Survivor na si Jennylyn Mercado, courtesy of Patrick Garcia; pati na rin ang pagiging ama ng Philippine Idol finalist Gian Magdangal sa ipinagbubuntis ng kanyang girlfriend na si Sheree—naunahan na pala sila nina Gian Carlos, StarStruck 3 First Prince, at ABS-CBN talent Eda Nolan sa pagiging magulang.

Matagal na ang relasyon ng 18-year-old Gian Carlos from Iloilo at ng 19-year-old finalist ng Star Circle Quest 2 from Cebu, ngunit hindi ito nababalita.

Two weeks ago, while covering the Iloilo audition of Pinoy Idol, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang tumatayong pangalawang mga magulang ni Gian—sina Biko Ho Mabilog at ang asawa nitong si Bong Mabilog. Nabanggit nila na patuloy pa rin ang relasyon ng dalawa ngunit wala silang nasabi tungkol sa pagbubuntis ni Eda.

Noong Friday, February 8, 1:20 pm, sa Jesus Immaculate Concepcion Hospital, Marikina City, nanganak si Eda ng isang batang lalaki na pinangalanang Gian Andrei Ho. Paglabas nila sa hospital, nagsama na sa isang bahay sina Gian at Eda, kasama ang ina ng young actress.

Binalikan namin si Tita Biko ni Gian but it was her husband Bong who answered the phone. Kasalukuyang nasa hospital ngayon si Biko, under treatment for Bell's Palsy and for possible brain tumor. She recently had a mastectomy.

Kuwento ni Bong, a pastor and owner of the biggest Christian school in Iloilo, hindi nila muna sinabi sa amin ang kalagayan ni Eda dahil parang clueless nga kami about this. So, they waited for Gian to tell us directly. Alam nilang nakakasama namin si Gian, na isa ring regular sa Station 168 Internet Café sa Tomas Morato.

"At first, there was a disagreement with both parties," kuwento ni Bong. "After a while, we just thought that everybody deserves another chance so we gave him the option of having a fresh start."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinausap na ni Bong ang ina ni Gian, kapatid ng kanyang asawang si Biko na tumulak papuntang Manila para maasikaso si Gian. Kung dati ay hindi halos nila pinalapit ang ina sa anak, they consider this as a possible way of reconciliation for the two kung kaya't sila na ang nag-suggest na sundan ng ina ang young actor.

Si Gian ang nag-furnish ng ibang details dahil, initially, undisclosed ang hospital kung saan nanganak si Eda. We asked him what will happen now—will they live or think about marriage? Doon niya ikinuwento na kalilipat lang nila sa isang bagong bahay, kasama ang ina ni Eda para tulungan silang mag-alaga sa unang anak nila.

"As to marriage naman po, focus kami ngayon kay baby. Sacred thing po kasi yun kaya hindi kailangang madaliin. But eventually, we will come to that," pagtatapos niya.

Huling napanood si Gian sa GMA-7 primetime series na Zaido: Pulis Pangkalawakan at si Eda naman sa ABS-CBN Saturday teen show noon na Gokada Go.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN