Is Ryza Cenon the next big star of GMA-7?

IMAGE 0


"Destiny kasi 'yan kung talagang sisikat ka. Merong iba, with all thesupport, hindi pa rin gusto ng mga tao. Ako naman, nandito lang, 'pagbinibigyan ng breaks, ginagawa ko ang lahat," explains Ryza Cenon when asked if she's going to be GMA's next big star.



Mananatiling sweet daw ang image ni Ryza Cenon, sa kabila ng mga isyung pakikipag-boyfriend ng kung sinu-sinong female young stars, na ang iba'y nabubuntis pa. Ani Ryza, she has no right to condemn other showbiz girls kung ganoon ang nagiging impression sa kanila.

"Showbiz can really be so cruel," sabi pa ni Ryza nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kailangan lang siguro, mag-ingat talaga. Like in my case, kung tutuusin, I only have my grandma here in the Philippines to look after me.

"Both of my parents are working abroad. I was left alone with a big responsibility of taking care of myself. Hindi naman puwedeng lagi akong binabantayan ng grandma ko."

NO TO SEXY. Hindi rin niya kakayanin ang magpaka-daring gaya ng ginagawa nina Cristine Reyes, Katrina Halili, at Iwa Moto. Magkasama sila ni Iwa sa Joaquin Bordado at wala siyang masabi sa pagpu-project ng sexy image nito.

"Fabulous!" nasabi na lang niya sa bagong image ni Iwa ngayon. "Carry niya 'yan. Ako kasi, kahit ipilit, hindi ko kakayanin. At hindi ko ipipilit. I have nothing against it. Kaya lang, wala akong ipakikita. In due time, palagay ko, wala pa rin akong ipakikita, at wala akong guts na gaya ni Iwa," nangingiting sabi pa ni Ryza.



IT'S A BLESSING. Iba raw ang tingin ng mga Pinoy sa showbiz girls na nabubuntis nang hindi napapanagutan.

"But, let's just be fair. Intindihin natin where they come from. Lalo na si Jennylyn [Mercado], hindi natin siya dapat hinuhusgahan dahil nangyari sa kanya yun. The good thing is, itinuloy niya ang pagbubuntis niya, no matter what.

"It's a blessing. Let's all be happy for her. Suportahan natin siya," dagdag ni Ryza.

Nagkaroon man sila ng conflict personally ni Jennylyn noon dahil kay Mark Herras, kinalimutan nang lahat ‘yun ni Ryza.

"Bago pa kasi nangyari ito, nag-usap na kami ni Jen. Walang dapat problemahin sa amin. Hindi namin kailangang magpaka-showbiz. Obviously, hindi sila ni Mark ang nagkatuluyan. Sa kanila naman ni Patrick [Garcia], wala akong dapat i-comment. It's their own lives na," pahayag ni Ryza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasabi rin ni Ryza na, obviously, hindi inaasahan nina Patrick at Jennylyn na ganoon ang magiging situwasyon nila ngayon.

"But, I'm not saying na unwanted pregnancy 'yon," paglilinaw ng young actress. "Please, I don't have the right to say that. Pero nariyan na kasi 'yan, kaya dapat nilang paninidigan. Na siya namang ginagawa nila.

"Mas nakatulong nga sa akin yung malayo, kahit paano, ang parents ko. Naiisip ko palagi na nasa Abu Dhabi sila, nagpapakahirap para mabigyan ako ng mas magandang future. Kaya ayokong sirain ang hopes nila."



Umaasa si Ryza na makababalik pa rin si Jen pagkatapos nitong makapanganak a few months from now.

"Nakikita nating hindi siya masyadong tumataba. So, magandang sign yun that she can still maintain her figure fast," ani Ryza.

"Sabi ko nga, let's just support her. She's a good actress. Hindi lahat ng mga nabubuntis sa showbiz, walang napupuntahan. Kailangan lang nila ng support."



NEXT IN LINE. Nawala si Angel Locsin sa Siete, buntis naman si Jen, at sikat na sikat na si Marian Rivera after Marimar. Sa hierarchy, 'ika nga, ng young stars sa GMA-7, isa na si Ryza sa tututukan. Siya na kaya ang next big star ng Siete?

"Destiny kasi 'yan kung talagang sisikat ka," sagot ni Ryza. "Merong iba, with all the support, hindi pa rin gusto ng mga tao. Ako naman, nandito lang, 'pag binibigyan ng breaks, ginagawa ko ang lahat.

"Hindi lang ako puwedeng gumawa ng mga bagay na hindi ako kumportable, like projecting sexiness. Awkward para sa akin 'yan. Okay na muna sa akin ang ganito.

"At saka naniniwala akong binibigyan kaming lahat ng pagkakataon ng GMA-7. Puwedeng hindi ko pa time, pero dapat, patuloy akong nagsisikap para 'pag dumating na ang break, ready na talaga ako," pahayag ni Ryza.



"Yun siguro ang dahilan kung bakit maingat ako, at wala sa isip ko 'yang mga ligawan na 'yan. Napapagkamalan na nga akong nagsusuplada, pero it's not true. Inililigaw ko lang ang intensyon ng guys para mas maging interesado silang gawin akong kaibigan, kaysa maging girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm not girlfriend material, as of now. Bata pa rin kasi ako. Kung makikipagrelasyon ako ngayon, I don't think magwu-work din. Huwag na lang muna." napapailing subalit nangingiting pagwawakas ni Ryza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN