KC Concepcion named United Nations Ambassador Against Hunger

IMAGE 0


"I want sana to have hunger and malnutrition covered by media atleast once a week because it is an issue that is as important [as poverty], or evenmore so, but none is paying too much attention to it," says UN Ambassador KC Concepcion.More photos



Si KC Concepcion ang napiling National Ambassador Against Hunger ng World Food Program (WFP) ng United Nations. She went on a three-month screening process and got approved by three offices—Rome, Vatican, and Thailand. She's only the third to be chosen from Southeast Asia.


Pumunta ng Pikit, North Cotabato, si KC kahapon ng umaga, February 18, para sa unang trabaho niya bilang National Ambassador ng WFP. Dalawa ang purpose ng pagpunta ng grupo sa Cotabato. Una, ang distribution ng take-home rice na ibibigay sa bawat nakalistang pamilya. Makatatanggap lamang ang pamilya ng libreng bigas kung pumapasok sa eskuwela ang kanilang mga anak.


Ang ikalawa, pupunta sina KC sa mga eskuwelahan para sa onsite feeding and distribution of warm formulated meals.


"I am so happy to be connected with the right channels talaga. It's quite a feat to feed hungry children everyday and help resolve conflict and keep them in school," pahayag ni KC sa kanyang text message sa PEP (Philippine Entertainment Portal).


HUNGER ISSUE. Isa sa gusto mangyari ng WFP ay gawing malaking issue ang hunger, kasing laki ng importansiya na ikinakabit sa AIDS at poverty.



"Di ba, Bono [of U2] launched this super-astig campaign against poverty? I want sana to have hunger and malnutrition covered by the media at least once a week, because it's an issue that is as important [as poverty], or even more so, but none is paying so much attention to it.


"That's part of my job," patuloy ni KC. "That is to help WFP work to put the issue of hunger at the center as a child dies of hunger somewhere around the world. Kawawa naman. The focus here is food for school to make kids stay in school. It also lessens child labor.


Ayon pa sa nakalap na information ni KC, 50 percent ng mga bata sa Mindanao ay nagututom, base sa data na nakuha mula June 2007. Every five seconds, may isang batang namamatay somewhere around the world dahil sa gutom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Hot meals are provided by to 16,000 children in 277 schools and day care centers. The WFP has increased enrolment by 40 percent and has sustained attendance by 94 percent in assisted schools.


The program is operational in over 800 schools in conflict-affected areas of Mindanao. Nasa 33 percent lang ng mga bata sa Mindanao ang nakakatapos ng primary education. Forty percent ng mga magulang na hindi napapag-aral ang kanilang mga anak ang nagsabi na ang kakulangan sa pagkain o gutom ang isang contributing factor kung bakit ito nangyayari.


Kasama ni KC na nag-lunch ang UN team, at ang mayor ng Pikit. Muslim style ang kanilang tanghalian, with colorful sarongs on the floor. Kumain sila habang nakaupo sa sahig. They were served crab, fish, seafood, and wrapped rice with ulam inside. Kasama rin nilang kumain ang mga bata na kasali sa feeding program. Tinikman din ni KC ang formulated meals na ibinigay sa mga bata. Unang lakad pa lang daw niya ito pero marami na siyang natutunan tungkol sa World Food Program at sa magandang kultura ng Mindanao.

Click here for more photos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN