IC Mendoza celebrates 20th birthday a la "Sex and the City"

IMAGE 0


IC Mendoza looks very chic in his black coat with faux fur as accent. He celebrated his 20th birthday last Sunday, February 24, at the Watering Hole, which has become the fave birthday venue of IC. The place, which is located near Shangri-La EDSA in Mandaluyong City, is über special for IC and his cool mom, Dolly Anne Carvajal. Says the latter, "Memorable ang place sa amin 'coz it's where IC admitted to me he's gay, in September 2004."


Last Sunday, February 24, nag-uumapaw ang kasiyahan sa Watering Hole, Shangri-La EDSA, Mandaluyong City. Sayawan, halakhakan, kuwentuhan, kainan, inuman—lahat ng ito ay naganap sa 20th birthday party ni IC Mendoza, ang anak ng kolumnistang si Dolly Anne Carvajal. Saksi ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa lahat ng nangyari.

Pagbungad pa lang namin sa pinto, isang agaw-pansin na signage, "Exclusive Party for IC Mendoza," ang bumulaga sa amin. Pagpasok sa loob mismo ng venue, makikita naman ang isang malaking tarpaulin ng hit television series in the U.S. na Sex and theCity. Ang twist: naka-insert sa cast picture ang mukha ni IC.

Medyo napaaga kami ngdating kaya iilan pa lang ang bisita ng celebrator nung gabing iyon, puro mga kaibigan at kamag-anak na non-showbiz.

At habang hinihintay ang iba pang mga bisita, ang mommy at "parang kapatid" ni IC na si Dolly Anne nag-istima sa amin. Very gracious siya at parating inaalam kung kailangan namin ng food or drink.

Kuwento ng isa naming kaibigan na photographer, na nandoon din sa partyat mas maaga pa sa amin, maagang dumating daw si Amalia Fuentes, kayanga lang ay umalis din sandali para sunduin si Jean Saburit.

Ilang saglit pa lang ay dumating naman si Cesar Montano na mag-isa. Angakala nga namin ay wala itong kasama dahil nag-iisa itong pumasok savenue, pero sinabi nito kay Dolly Ann na kasama raw niya si Sunshine atnasa kotse lang. Sinabihan ito ni Dolly Ann na papasukin.

Sinundo ni Cesar si Sunshine sa kotse, na naka-hazard parking, sa tapat ngnasabing resto-bar pero ayaw nitong bumaba. Ang dahilan ni Shine, hindi raw itonakaayos.

Ang hindi pagbaba ni Shine ay ikinatuwa naman ni IC. Matatandaang nagkasama ang dalawa sa pelikulang idinirek ni Cesar, ang Panaghoy sa Suba (2004), atnaging very vocal si IC sa pagsasabing crush niya si Cesar. Last birthday nga niya, hinintay niya talaga si Cesar, pero hindi ito nakasipot at bumati na lang via text.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin nagtagal si Buboy sa nasabing party at agadna umalis.

Maya-maya ay unti-unti nang dumarating ang mga bisitani IC na non-showbiz at showbiz personalities, gaya nina Say Alonzo atDingdong Dantes, na nakasama sa iisang table ang dating Pinoy Big Brother housemate.

Dumating din sina Bayani Agbayani, kasama ang kapatid ni DennisPadilla na si Gene Padilla. Galing daw sila sa paglalaro ng basketball.

At ilang saglit lang ay namataan na namin sina Amalia Fuentes at JeanSaburit, kasama pa ang isang babae at isa pang lalaki. Narinig namingpinakilala ni Amalia ang lalaki sa celebrator na anak daw niya.

Medyo late, pasado ala una ng madaling araw, ang pagdating ni Mitch Dulce, isa pang dating PBB housemate. In fairness naman kay Mitch, kahit na late dumating ay nag-stay siya nang matagal.

After an hour ay dumating naman si Rufa Mae Quinto, para bumati pero hindi man lang ito naupo dahil sa nagmamadaling umalis. Nahihiya rawkasi siya sa kanyang kasama na nasa kotse, si LJ Moreno, na siyangnag-drive sa kanya papunta roon sa party.

Sinamahan ni IC siPeachy, tawag kay Rufa Mae, papunta sa kotse nitong si LJ at saglitnilang pinababa para sa picture taking, after nito ay nag-fly na angdalawa.

Kitang-kita namin kung gaano kasaya si IC sa kanyangbirthday party dahil kumpleto ang mga friends niyang dumating. It was really his big night, maya't maya nga ay nagpapakuha ito ng picture with his guests, showbiz man or non-showbiz.

Panay din ang ikot nitopara tsikahin at painumin lahat ng bisita, kaya naman, marami kamingnakitang medyo nalasing sa kanyang mga kaibigan.

At dahil sa todo-enjoy ang birthday chick, nakalimutan niya yatang may costume change pa siya dapat—mag-a-alas tres na kasi ng madaling araw noong nagpalit siya sa pangalawa niyang jacket, na pang-New Yorker ang dating!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pangkalahatan, happy ang party at mismong ang celebrator ay talaga namang happy din at, ika nga ng mga friends niya "sexy." Dapat siguro, Sex-y in the City ang naging tema ng party, ano!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN