Ian Veneracion is not affected by the ongoing network war

IMAGE 0


Non-exclusive actors like Ian Veneracion are immune to the ongoing network war. "Trabaho lang naman ang hanap namin. As long as may offer ako at okay naman, walang problema," explains Ian.



Isa si Ian Veneracion sa mga artistang puwedengmagpalipat-lipat ng TV network. Kapag tapos na siya sa isang soap drama saisang TV network, puwede na siyang magtrabaho sa kabila.

Katatapos lang ni Ian sa kanyang role sa Lastikman ngABS-CBN kaya ngayon ay nasa GMA-7 na siya bilang kontrabida naman kay RobinPadilla sa Joaquin Bordado. Huling napanood sa Siete si Ian sa soapdrama na Mga Mata ni Anghelita.

PLAYING BADDIE FOR BINOE. For the first time nga raw ay isang kontrabida ang roleniya sa Joaquin Bordado. Ian plays Jerome, ang kapatid na may malakinginggit kay Joaquin (Robin Padilla).

Natutuwa si Ian dahil for the first time ay nakatrabahona niya si Binoe. Never pa raw kasi silang nagkasama noon sa pelikula dahilmagkaiba ang film productions kung saan sila nakakontrata.

"Noong active pa angmga producer na gumawa ng action movies, halos nagkasabay kami ni Binoe sa paggawang mga big-budgeted action movies," pag-alala ni Ian.

"Binoe kasi wasunder Viva Films at ako naman, I was doing movies for Seiko Films, ‘taposnapunta ako sa OctoArts Films. Kumpara naman sa mga pelikulang ginagawa ko, masmalalaki ang mga pelikula ni Binoe. ‘Tsaka mas matindi ang action scenesniya. Plus, mas magaganda at mas sexy ang leading ladies niya!" sabay tawani Ian.

Nagbida si Ian sa mga action films na Alyas Baby Face,Kanto Boy 2, Ben Balasador, Bastardo, Kapag Nasukol ang AsongUlol, Totoy Hitman, Guevarra: Sa Batas Ko Walang Hari, at Armadong Hudas.

Big honor ngayon kay Ian ang makasama si Binoe sa isang TVshow. Yung hindi nga nagawa noon ng producers nila na mapagsama sila aynagawa naman ngayon ng GMA-7.

"Before kasi, hindi naman kami puwedeng mapagsama sa isangmovie. Pareho kasi kaming nagbibida ni Binoe noon. Ngayon, Binoe is still ontop kaya okay lang na sumuporta naman ako sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The role that GMA-7gave me is very challenging. Ngayon lang ako gumanap as a scheming kontrabida. Karibalko si Binoe rito kay Iza Calzado. May malalim na istorya ang character kona makikita rin nila sa mga future episode ng Joaquin Bordado," pahayag ni Ian.

NETWORK WAR IMMUNITY. Hindi apektado ang tulad ni Ian sa network war. Nagagawaniyang magpalipat-lipat ng TV network nang walang pumipigil o nagbabawal sakanya.

"Okay lang namankasi hindi naman tayo exclusive sa kahit anong network. ‘Tsaka, yung stature natin,hindi tulad ng kay Robin Padilla na pinag-aagawan talaga," ngiti niya.

"Kaya okay lang namagpalipat-lipat kami. Trabaho naman ang hanap namin. As long as may offer akoat okay naman, walang problema. Basta hindi lang nagsasabay. I have to finishone show bago ako magsimula sa isa pa. Para fair at mai-render ko naman angservices ko sa iba."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN