Gretchen Barretto reveals Tonyboy Cojuangco's favorite song in her album

IMAGE 0


With the release of her debut CD Unexpected under Star Records, controversial actress Gretchen Barretto said that she's not thinking of making money out of the endeavor. "I'm just sharing my music... just to impart to you how I feel," she said during the prescon-launching of her record yesterday, February 20, held at the 9501 restaurant in ABS-CBN.


Nagmistulang mini-concert ang press conference ni Gretchen Barretto kahapon, February 20, na ginanap sa 9501 restaurant ng ABS-CBN. Ang nasabing presscon ay inihanda ng Star Records para opisyal na i-launch ang debut album ni Gretchen, Unexpected.

Bukod kasi sa pormal na pag-awit ng dalawang tracks—"I Will" at "Please Don't Ask Me"—na hango sa kanyang album ay hindi pa rin nagpaawat si Greta at patuloy na nagsingit ng mga awitin sa pagsagot ng mga tanong na ipinupukol ng mga reporter.

Muli ay proud na proud na ipinaliwanag ni Gretchen na ang mga awitin sa Unexpected ay nagsasalamin sa estado ng kanyang personal na buhay, lalo na sa larangan ng pag-ibig.

Naging emotional si Gretchen habang ikinukuwento na ang personal favorite ng kanyang longtime live-in partner na si Tonyboy Cojuangco ay ang OPM classic na "Ikaw." Naging meaningful daw ang nasabing awit sa kanilang pagsasama dahil na rin sa mga problemang sabay nilang pinagdaanan.

Una raw narinig ni Tonyboy ang "Ikaw" noong nanood sila ng Philippine Idol. "Napaiyak siya," kuwento ni Gretchen habang inaalaala ang nasabing moment.

Nang maoperahan si Tonyboy last year ay muli raw naalaala ni Gretchen ang kanta. Mas naging matingkad daw ang kahulugan ngayon ng awit habang tinitingnan niya ang naging kalagayan ng kanyang longtime partner.

"Doon ko na-realize na gosh! You know, that people you love around you, puwede palang mawala," pagmumuni-muni nito.

"Kaya ‘yong nag-recording ako niyan ["Ikaw'], ‘yong una lang ‘yong nakanta ko and then nag-stop ako kasi that song talaga pierced me," dagdag ni Gretchen.

KEEPING HER SILENCE. Simula pa lang ng presscon ay malinaw nang pinaalalahanan ang lahat na umiwas magtanong ng mga personal questions na may kinalaman sa latest controversies na kinahaharap ng aktres.

Maugong sa mga reporter ang diumano'y illicit affair ni Gretchen kay Dody Puno, isang government official.

Nandiyan din ang sinasabing hidwaan nito sa matalik na kaibigan na si Nadia Montenegro, dulot diumano sa pagkakalat nito ng mga malisyosong balita laban kay Gretchen. Inamin naman ni Gretchen na magkikita sila ni Nadia ng gabing ‘yon upang mag-usap at hopefully daw ay maayos na kung ano man ang hindi nila pagkakaintindihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In fairness kay Gretchen ay nagbigay naman siya ng kanyang personal na pahayag bago tuluyang matapos ang press conference.

"Right now siguro, I'm not ready," bungad nito. "I'd like to be very honest with all my heart... Tinanong kanina maligaya ba talaga ang Gretchen? Maligaya ako generally. Meron bang problema si Gretchen? Oo, may mga problema. May heartbreak ba si Gretchen? Oo, may heartbreak. In love ba si Gretchen? Oo, obvious ba, nandiyan naman na sa CD."

Maingat na dagdag ni Gretchen: "Pero to actually isa-isahin, meron akong mga taong gustong protektahan, may anak ako, may mga taong nagmamahal sa akin. May mga taong hindi naman talaga taga-show business pero sana pagpasensiyahan n'yo kung may mga bagay na hindi ko puwedeng i-open. Kasi kung ako lang, bilang Gretchen Barretto, minus ‘yong mga taong hindi naman...mga pribadong tao naman ‘to. Pero hindi naman sila kasing daring ni Gretchen kaya ang hirap, kaya nahihirapan ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN