Cristine Reyes's career still in limbo after contract with Artist Center expired

IMAGE 0


"Hindi naman po ako nagdi-demand. At least po, nagpapaalam ako sakanila nang maayos. ‘Kung wala po kayong mai-offer, baka puwede ko pongtanggapin yung offer nung isa [ABS-CBN] dahil kailangan ko ng work'.Ine-explain ko naman po ‘yon sa kanila," explains Cristine Reyes about the status of her career in GMA-7.



Kinumpirma ng young actress Cristine Reyes na nag-expire na ang kontrata niya sa GMA Artist Center noong February 1. Nagkaroon daw agad sila ng meeting sa Artist Center with their respective lawyers. Okay naman daw ang paghaharap nila, pero pagkatapos ng unang meeting ay hindi na raw ito nasundan.



"Hindi ko po alam kung kailan yung susunod na meeting namin. Actually, ako lang po talaga ang laging nagpa-follow-up, ‘Ano na pong balita? E, mukhang ano, 'naghahanap pa rin or something'. Puro palaging ganun ang sinasabi sa akin. Naghanap, naghahanap, so if ever man na ano, wala naman silang mai-offer sa akin. Pero okey lang sa akin," lahad ni Cristine sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Ate kahapon, February 21.



Meron ba siyang hinihingi na plano for her career sa GMA-7?



"Alam na po nila ‘yon, e," sabi ng young actress. "Yun po ang pagmi-meting-an namin. Ayokong magsalita ng tapos. Ayokong magsalita ng kung ano dahil gusto ko, kung ano ang mapag-usapan namin, kami lang ang may alam and saka ko po ilalabas kung anuman yung napag-usapan."



Totoo ba nagbigay siya ng ultimatum sa GMA-7 kung meron bang ibibigay sa kanyang show o wala?



"Hindi ako nagbigay ng ultimatum," sagot ni Cristine. "Hindi naman siya ultimatum. Kasi ako naman po, naghihintay lang naman ako. Pero kasi po with GMA, wala po akong show.



"Hindi naman po ako nagdi-demand. At least po, nagpapaalam ako sa kanila nang maayos. ‘Kung wala po kayong mai-offer, baka puwede ko pong tanggapin yung offer nung isa [ABS-CBN] dahil kailangan ko ng work. Ine-explain ko naman po ‘yon sa kanila," lahad niya.



NO TO JOAQUIN BORDADO, YES TO ATE. May balita naman na si Cristine ang tumatanggi sa inaalok na programa sa kanya ng GMA-7, tulad sa Joaquin Bordado na napunta kay Iwa Moto.



"Kasi po, ano, e, para sa akin, hindi ko gusto yung role ko doon. Pero open po ako doon. Alam po nila ‘yon," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ano naman ang offer sa kanya ng ABS-CBN?



"Ah, hindi ko puwedeng sabihin," maingat niyang sagot. "Kahit anong klase ng clue, ayokong magbigay. Kasi hindi ko po alam kung saan ako pupunta, e."



Kaugnay sa kontrata niya sa GMA Artist Center, hindi rin daw siya puwedeng lumipat ng ibang network since may option to renew sa kanya ang Kapuso station.



"Kasi po, ni-review na po ‘yon ng maraming lawyers. Hindi naman po puwede na kapag ayaw na nung talent, e, mare-renew pa rin," saad ni Cristine.



May ideya na ba siya kung anong klaseng programa ba talaga ang gusto niya?



"Gusto ko po sana ng more on acting. Ayoko ng sobrang paseksi. Alam po nila ‘yon [Artist Center]."



Kung ayaw niya ng sobrang pa-sexy, bakit siya pumayag sa maseselang eksena niya sa pelikulang Ate, na una nilang pagsasama sa big screen ng kapatid niyang si Ara Mina? Ayon sa balita, mas daring pa raw ang role niya sa Ate kesa sa role niya dapat sa Joaquin Bordado bilang isang bar girl.



"I don't think so po, kasi dito po sa Ate, may acting po, e. Yung sa Joaquin Bordado, malaking kaibahan dahil ito pong Ate, movie siya. So, okay lang na magpa-sexy ka dahil may nailalabas din naman na acting, e. Hindi siya bastusin and R-13 po siya," paliwanag ng young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN