Sam Milby more open now about his feelings for Anne Curtis

IMAGE 0


"She knows that she's very special to me," says Sam Milby about Anne Curtis.



Lantaran na ang pagpapakita ni Sam Milby ng tunay niyang damdamin para kay Anne Curtis. Sa birthday celebration ni Anne sa ASAP ‘08 sa mismong araw ng kaarawan niya last Sunday, February 17, ay may paluhod-luhod pa si Sam na kinantahan ang young actress. Kasunod nito ay ang pagbibigay ng Fil-Am matinee idol ng mensahe kay Anne na punung-puno ng emosyon.



Sa presscon ng My Big Love kagabi, February 21, sa 13th Floor ng ELJ Building, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sam kung ano ang ibig niyang sabihin sa mensahe niya kay Anne that she knows what's inside his heart.



"That she knows how I feel for her. She knows that she's very special to me," nakangiting sabi ni Sam.



Ayaw man kumpirmahin ni Sam na may relasyon sila ni Anne, kitang-kita naman ito sa body language nila kapag magkasama, ang mga special days na nakikita sila together, at ang pagsasabi ng mga regalo nila sa isa't isa.



VALENTINE & BIRTHDAY.
Last Valentine's Day, pinanood ni Anne si Sam sa concert ng singer-actor sa isang hotel. Kinilig ang audience dahil inalayan pa ni Sam ng kanta si Anne. At pagkatapos ng show, magkasabay raw silang umalis ng venue.

"I gave her a surprise last Valentine's Day," sambit ni Sam. "But I want to keep it to me na lang what's my surprise for her. I'd rather not say anything about it. What's important is she really like it and na-surprise siya talaga."



Hindi raw bag or alahas ang ibinigay niya kay Anne. Pero hindi naman ipinagdamot ni Sam na ikuwento kung ano ang ibinigay sa kanya ni Anne noong Valentine's.



"Oh, she gave me a bear, a huge one," sabi niya.



Kasunod ng Valentine's ang birthday ni Anne noong February 17. Bilang birthday gift, Sam gave her a video camera. Naisip daw kasi si Sam na regaluhan si Anne ng magagamit niya talaga para sa sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa gitna ng pagiging abala ni Sam sa kanyang showbiz commitments, nagawa pa niyang mag-shopping para maghanap ng ireregalo kay Anne.



"I really find time to look for a gift that she will like. I think that was the a rare chance for me to go to a shopping mall again and have time to buy a gift," kuwento ni Sam.



Sinorpresa rin daw ni Sam si Anne one time na suot-suot ang prosthetics sa mukha niya sa kanyang role sa My Big Love bilang matabang si Macky.



"Nagulat siya talaga. But she was able to recognize me because of my body. Yung face ko lang that time ang may prosthetics kaya nakilala niya ako," natatawang kuwento ni Sam.



WORTH FIGHTING. Sabi ng co-star ni Sam sa My Big Love na si Toni Gonzaga, "worth fighting for" daw si Sam. Matatandaang nagkaroon ng mutual understanding noon ang dalawa, but sad to say, hindi nagtagal ang kanilang relasyon.

Bakit hindi ipinaglaban ni Sam ang relasyon nila noon ni Toni kung she's really worth fighting for also.



"Yeah," pagsang-ayon ni Sam. "She's really worth fighting for. But during that time we're both busy with our careers and we both agree that we should concentrate more muna with our careers."



Sabi namin sa kanya, hanggang ngayon naman na may Anne Curtis sa buhay niya, inuulan pa rin siya ng offers at kaliwa't kanan pa rin ang kanyang trabaho. But still, may time siya to maintain a relationship with Anne.



"But it's different then. I was just starting in the business and I don't know how to handle everything," depensa ni Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN