Seven hotels reportedly closed their doors to Gretchen Barretto

IMAGE 0


Actress Gretchen Barretto probably may be comfortable with all the controversies hounding her. But some hotels around the metropolis think otherwise, reportedly refusing to have her pictorial at their place.



Bagong isyu na naman ang kinasasangkutan ng kontrobersiyal na si Gretchen Barretto tungkol sa pagtanggi diumano ng mga sikat na hotel na gawin ang kanyang pictorial for a project. Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tinanggihan daw ng isang sikat na hotel sa Pasig na mag-shoot para sa kanyang album si Gretchen doon.



Ayon sa source na may kaugnayan sa hotel, tinanggihan ng hotel management ang pictorial ni Gretchen na dapat sana ay kukunan pagbalik nito from the U.S. Sasamahan ni Gretchen para magpa-checkup sa Amerika ang kanyang live-in partner na si Tonyboy Cojuangco.



Sabi ng source, ayaw raw kasi ng management na ma-associate ang pangalan ng hotel kay Gretchen dahil sa sunud-sunod at hindi matigil na kontrobersiya sa dating sexy star. Hindi raw kasi naging maganda ang imahe ni Gretchen para sa management ng hotel, gayun na rin sa publiko.



Dahil hindi umubra sa naturang hotel, sinubukan daw maghanap ng ibang hotel for Gretchen's pictorial. Laking gulat naman ng mga taong involved sa pictorial nang tumanggi rin ang anim pang kilalang hotels sa Metro Manila na kinausap nila para doon i-shoot ang pictorial ni Gretchen.

More or less, tulad din daw ng katuwiran ng unang hotel na nakausap nila ang naging dahilan kaya tumanggi ang anim pang hotel na kinausap nila.



Hindi naman nawalan ng loob ang mga taong involved sa pictorial kahit tumanggi na ang pitong hotel na kinausap nila for Gretchen's pictorial. Naniniwala sila na mas malaking kawalan sa mga tumangging hotel ang hindi nila pagpayag kesa sa pictorial ni Grethcen.

Napakaling publicity mileage raw sana ang magiging kapalit sa pagpayag na mag-pictorial sa kanilang hotel si Gretchen. Pruweba raw nito ay ang malakas na benta ng album ni Gretchen na Unexpected. Ayon sa Star Records, 10,000 copies na raw ang nabentang album ni Gretchen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN