Regine Velasquez breaks her silence about "lipatan" issue

IMAGE 0


"Hindi ko ginamit ang ABS para magpataas ng presyo, but because of what's been going on right now... Marami nang lumabas na right now, parang in-assume namin na ABS-CBN is no longer interested in getting me. Kasi dine-deny nila na nag-offer sila ng ganito, so parang na-hurt ako. I'm just being honest," says Regine Velasquez.



Nilinaw ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez ang lahat ng isyu sa likod ng nababalitang paglipat niya sa ABS-CBN sa exclusive interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz kahapon, February 24.

Una na rito ang mga isinulat ni Ricky Lo sa kanyang column sa Philippine Star noong February 22 na may titulong "Didn't Regine buy the P25-M bait?" Ayon sa artikulo, muntik na raw mag-ober da bakod si Regine mula sa GMA-7 to ABS-CBN. Nag-expire na raw ang kontrata ng singer-actress sa GMA-7 noong October 2007.

Naisulat din na nakipag-meeting na raw kamakailan ang GMA-7 executives kay Regine at pinakinggan daw nila ang hinaing nito. Pagkatapos daw ng meeting ay pinili ni Regine na manatili sa GMA-7 at base sa napagkasunduan, bibigyan si Regine ng sarili niyang telenovela at pelikula.



Sa column din ni Ricky na lumabas noong Biyernes, Pebrero 22, pinabulaanan ng ABS-CBN executive na nagkaroon sila ng P25-million offer kay Regine.

Hindi rin daw ang ABS-CBN ang gumawa ng first move sa isyung lipatan. Ang katotohanan daw ay si Regine mismo ang nagpadala ng feeler sa Kapamilya network. Gusto raw kasing gawin ni Regine ang local version ng Betty La Fea na ipinalabas noon sa GMA-7, pero nabili pala ng ABS-CBN ang rights nito.



Sinabihan din daw ng executive si Regine na huwag gawing "leverage" ang ABS-CBN sa pakikipag-negotiate niya sa GMA-7. Bukod dito, noong nakipag-meeting daw si Regine sa ABS-CBN ay hindi napag-usapan ang talent fee kaya saan daw galing ang isyung ito.

REGINE'S SIDE OF THE STORY. Nagpaliwanag si Regine tungkol sa mga lumabas na balita.

"Actually, I have to start from the beginning talaga," panimula ng Asia's Songbird, na nakasuot ng itim na damit. "First of all, kaya ako nakakapag-guest sa ABS-CBN, wala po talaga akong contract sa GMA. So, ‘pag meron po akong pagkakataon na makipagtulungan, makipag-business dito [ABS-CBN], sinasamantala ko lang. But of course, nagpapalam naman kami [sa GMA-7].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"And then, it was very informal, sa dressing room ng Sharon. But before that, actually, tinawagan yung office ko ng Bantay Bata kasi they're celebrating their 10th year anniversary and they wanted me to guest. Unfortunately, I couldn't. So, tinawagan ko si Tita Chit [Guerrero] at si Patty to rebook for me, at sinabi ko na baka they're interested to get me. So, I was offering my services for Bantay-Bata na, which I did before and it was a beautiful show," paglilinaw ni Regine.

BETTY LA FEA. Napag-usapan daw sa dressing room ng Sharon na interesado si Regine na gawin ang Betty La Fea. Inamin ni Regine na nagpakita siya ng interes na gampanan ang naturang role.



"But I don't think that's sending feelers or anything," paglilinaw ni Regine. "But if kung feeler man yun, so be it, you know? I need to do a job. Why not? But I want also to say na meron akong trabaho sa GMA.

"Meron akong gagawin sa August, yung Pinoy Idol. But unfortunately, I couldn't do it because of my schedule. Because I'm also doing a movie under GMA Films on August. Meron naman po akong trabaho doon [sa GMA-7] kaya lang interesaado talaga ako sa Betty La Fea."

Tinanong ni Boy si Regine kung bakit siya interesado sa Betty La Fea.

"Kasi sa tingin ko, bagay sa akin. I think I can do it. Sobra talaga akong naging interasado," sagot niya.



Nagkataon lang daw na sa ABS-CBN napunta ang TV rights ng Betty La Fea at nagpakita siya ng interes. At nang inalok sa kanyang ang naturang role, tinatanggap naman niya ito.



"So, I said yes nung in-offer sa akin. So nung in-offer sa akin, siyempre, I got so excited. Like I said, I was interested with the project. Pero wala pa kami sa ganun, yung twenty-five million. Wala pang offer na ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So what I did, nagpunta ako sa GMA kung saan nagpaalam ako sa kanila. Kasi pangit naman kung mag-negotiate kami with ABS-CBN without letting GMA know, na feeling ko pangit naman talaga," lahad ni Regine.



SAYING GOODBYE. Tanong ni Boy, ang dahilan ba niya sa pagsasabi sa GMA-7 sa offer sa kanya ng ABS-CBN ay para magpa-presyo?



"No," mariing tanggi ni Regine. "Nagpaalam ako talaga. Kaya nagtataka kayo kung bakit nag-iiyakan sa SOP [last week] dahil nagpaalam ako talaga. That was my last show sa SOP. That is the truth, and kaya kami nag-iiyakan.

"Nagpalaam ako talaga at alam n'yo po, hindi madaling gawin para sa akin yun. I love SOP so much. I love doing that show so much. I have all my friends there, not only yung mga artista kundi pati yung staff, family ko na sila.

"And also, I would be risking my relationship to GMA just because of Betty La Fea. I was interested. Kung ginagamit ko po kayo para magkaroon ng leverage sa GMA, why would I risk my job and all my relationship with of those people whom I love?" paliwanag niya.

Noong Linggo nga, February 24, ay hindi na napanood si Regine sa SOP.



Nauna raw na nagpaalam si Regine sa SOP bago siya nakipag-meeting sa executives ng GMA-7.



"I said I'd already decided that I want to do Betty La Fea, and this I what I want to do," sabi ng singer-actress. "Of course, meron silang [GMA-7] in-offer. Pero nung time na ‘yon, parang hindi ko naririnig ang offer nila!" tawa ni Regine.

"Kasi ang nasa isip ko, ganun kasi ako kapag meron akong naisip gawin, ‘yon na ‘yong gagawin ko. So, hindi ko masyadong nadidinig kung ano actually yung sinasabi nila. But I'm very flattered and I appreciate naman GMA for the kind of importance that they are showing me. Kasi kahit naman po paano, talagang malaki rin ang utang na loob ko sa kanila, after all. Naging...lahat naman po ng suportang hinihingi ko, lahat ng show, anything, anything at all, ibinibigay po sa akin ng GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naging interesado lang po talaga ako [sa Betty La Fea] and kasi, I also want to sana work with other people. I want to work with your actors here in ABS-CBN. You have great actors here in ABS-CBN. I want to work with your staff. So, that's where it began."

Patuloy ni Regine, "But going back to what I was saying, if I was not interested nga, nag-no na ako. Kasi kahit naman noong dati pa... Kasi po I've been with GMA for more than ten years. Wala po talaga kaming contract. Kasi kami parang ano kami, e, in good faith. So I said goodbye to them. Alam nila ‘yon. I said I want to do this project."



Hanggang ngayon ba ay ganun pa rin ang desisyon niya?



"I am still very, very interested," sagot niya. "But because of the things going on. They're [ABS-CBN executives] denying that they offered me before and all that, nagkagulo-gulo na, medyo nahe-hurt ako ng konti. Kasi nagpakita ako ng interes, it was offered to me, pero hindi kami dumating sa 25 million, something like that. How I wish!" halakhak niya.

"Pero wala pong ganyan," paglilinaw ni Regine. "Kasi nga po, negotiation na ‘yan, e. Yung sa offer, bale ang gusto ko lang namang sabihin is that... Parang nung umalis ako, pumunta ako ng Bangkok [Thailand], we haven't decided. Although I met with the boss of GMA just to tell me that they didn't want me to go. Yun lang ang sinabi nila.

"We didn't negotiate yet, First of all, hindi rin ako ang nakikipag-negotiate. Nakikipag-usap lang ako sa boss, pero yung kapatid ko [Cacai Velasquez-Mitra] ang nakikipag-negotiate."



LEVERAGE. Itinanggi rin ni Regine na ginagamit niyang leverage ang offer ng ABS-CBN sa kanya sa pakikipag-usap niya sa GMA-7.



"Hindi ‘yan sinabi sa akin," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Pero paliwanag ni Boy, kahit hindi ‘yon sabihin sa kanya ay dapat hindi talaga gamitin ‘yon ni Regine sa pakikipag-usap niya sa GMA-7, na hindi naman daw talaga ginawa ng Asia's Songbird.


"I did not," ulit niya. "And like what I said, why would I risk my job if I wasn't interested? Nagpaalam po ako, kasi ang feeling ko, bago ako makipag-negotiate, I didn't want to negotiate behind GMA's back. So, nagpaalam ako and that's it. Nagpalaam ako. So, right now, I have no job!" natatawang sabi ni Regine.



Sinabi ni Boy kay Regine na hindi siya pina-pirate ng ABS-CBN at hindi raw ‘yon gagawin ng Kapamilya network.



"Okay, ang pagkakaalam ko, basta in-offer lang sa akin," sagot naman ni Regine. "Hindi ko alam kung ano yung pampa-pirate. Ang alam ko lang kasi na piracy, yung sa CD!" biro niya.

Inamin ni Regine na siya ang unang nagpahiwatig na gusto niyang gawin ang Betty La Fea. "But actually, before Betty La Fea," sabi ni Regine, "I was offered another show, but I can't say which show. Ito yung mga time na ito except...Itong month lang na ito.

"But even before Betty, may ino-offer sila sa akin na isang material talaga na bagay din sa akin. Pero hindi ko gagawin kasi ginagawa ko na yun sa kabila. So, sabi ko, huwag na muna," kuwento pa niya.



ABS-CBN & GMA-7. Ano ngayon ang relasyon niya sa ABS-CBN at GMA? May mensahe ba siya na gusto niyang iparating sa dalawang networks?



"Wala akong job!" natatawang sagot ni Regine.



Pero nagseryoso siya ulit at sinabing, "I was very, very grateful and very, very flattered to ABS-CBN that they think of me every time that may gagawin silang show. Meron pa rin silang na-offer sa akin. That's very flattering kahit alam nila na nasa GMA ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko alam kung ano yung pampa-pirate. Basta ako, sa akin lang, I got interested in this work, in this job, which is Betty La Fea. I really, really want to do it. Kaya po ako nagpaalam sa GMA at kaya po kami nag-iyakan last Sunday because that was my last show.

"Dahil po sa maganda naman ang pakikitungo sa akin ng ABS-CBN, nagpapasalamat ako sa kanila. Wala po akong masasabing masama sa ABS-CBN. Like I said, I'm very flattered na in-offer nila ito sa akin and kapag may mga special, they would always ask me. Siyempre, nagpapaalam muna ako sa GMA kung papayagan ako. Pero napa-flatter po ako doon, and I thank you very much for keeping me.

"But at the same time, taos-puso rin akong nagpapasalamat sa GMA kasi they took good care of me and like I said, the decision I've made before is very hard for me to do.

"Hindi ko ginamit ang ABS para magpataas ng presyo, but because of what's been going on right now... Marami nang lumabas na right now, parang in-assume namin na ABS-CBN is no longer interested in getting me. Kasi dine-deny nila na nag-offer sila ng ganito, so parang na-hurt ako. I'm just being honest.

"So, sa akin lang, parang I assume that they're no longer interested. Ang dami na kasing lumalabas and, also, wala na ring kumukontak sa amin. And it's not fair to GMA na I left them hanging like that, kasi meron din naman silang offer," madamdaming pahayag ni Regine.

For the last time, inulit ang tanong kay Regine regarding sa P25 million offer daw sa kanya ng ABS-CBN.

"Like I said, hindi kami umabot sa 25 million kasi wala pa pong offer. Walang ganun. Thirty lang!" biro ulit ni Regine kasabay ang malakas na tawa.

So, hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung lilipat nga ba o hindi sa ABS-CBN si Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN