Ruffa Gutierrez stays away from Gretchen Barretto-Nadia Montenegro feud

IMAGE 0


"In showbiz naman, walang permanenteng kaaway at walang permanenteng kaibigan. Sa dinami-dami namin na common na friends, maayos din ‘yan," says Ruffa Gutierrez (in photo) about the feud between her friends Gretchen Barretto and Nadia Montenegro.



Kausap ni Ruffa Gutierrez ang kaibigang si Gretchen Barretto sa The Buzz noong Linggo, February 24, habang pinapalabas ang VTR ng pag-walkout ng huli sa Entertainment Live. Sa dressing room niya pagkatapos ng The Buzz, tinanong namin si Ruffa kung ano ang sinabi sa kanya ni Gretchen.



"Ang sabi lang niya, hindi niya napanood kasi sinundo niya si Dominique from her acting class," kuwento ni Ruffa.



Parehong kaibigan ni Ruffa ang nasasangkot sa kontrobersiya ngayon na sina Gretchen at Nadia Montenegro. But as much as possible, ayaw raw niyang magbigay ng komento.



"Umiiwas ako in a way na parang ayoko munang maghatid ng kuwento tungkol sa pagitan ng kaibigan and yet, I would rather keep silent as of now. Because I don't really want to be involved," sabi ni Ruffa.



Mailalarawan ba niya si Gretchen bilang mabuting kaibigan ngunit masamang kaaway?



"Sa tingin ko, oo. Para siyang si Mommy [Annabelle Rama], mabuting kaibigan, masamang kaaway!" natatawang sabi ni Ruffa.



Sino ang mas kaibigan niya kina Gretchen at Nadia?



"Pareho ko silang kaibigan, e. Matagal na. Si Nadia, That's Entertainment pa. Si Gretchen at si Marjorie naman, naging classmate ko sa San Agustin," lahad niya.



Hindi alam ni Ruffa ang puno't dulo ng away nina Gretchen at Nadia kaya ayaw niyang makialam. Tumanggi rin siya na maging tulay ng pagbabati ng dalawa niyang kaibigan.



"Ayoko and I don't think they will put me in that situation," banggit ni Ruffa. "That's why mas mabuti siguro na maayos na. I know in due time. In showbiz naman, walang permanenteng kaaway at walang permanenteng kaibigan. Sa dinami-dami namin na common na friends, maayos din ‘yan."



Masyadong kontrobersiyal ang mga kaibigan ni Ruffa. Bukod kina Gretchen at Nadia, si Rufa Mae Quinto ay naging laman din ng mga babasahin nitong mga nakaraang araw.



"Marami akong circle of friends. May international pa. Pero yun nga, dito sa Manila, they always say that Gretchen is controversial... Ang sa akin, kaibigan ko siya in the same way na kaibigan ko rin si Donita [Rose]. It just so happens, Donita is mas tahimik. Gretchen is outspoken. I can't really compare any of my friends. Ang importante, wala akong kaaway," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PIOLO'S CRUSH. Lumabas na rin ang name ng hunky actor na diumano'y crush si Ruffa. At ‘yon ay walang iba kundi si Piolo Pascual.



"Alam mo, sa awa ng Diyos, wala pang nangyayari!" natatawang sabi ni Ruffa. "Mas nauna pang nalaman nina Tito Boy [Abunda], Tita Cristy [Fermin], at ni Kris [Aquino] kesa sa akin. Wala pa ngang nangyayari, e. Hayaan muna natin ang mga lalaki ang mauna. Alam mo ang pag-ibig, hindi mo kailangang hanapin, kasi it comes when you least expect it."



Type ba niya si Piolo?



"Oo naman!" sagot ni Ruffa. "Type ko siya! And you know, he helped sa RAMPA [fashion show for a cause]. But as of now, ngayong 2008, iba ang focus ng mind ko. Hindi lalaki, hindi pag-ibig, kundi yung dalawang anak ko.

"Pangalawa, nag-start na ako sa aking fashion class sa School of Fashion and the Arts. I'm taking up Fashion Merchandising and Designing. Kasi I have plans for this year para naman, you know, ma-explore ko lahat ng mga gusto kong gawin sa buhay ko.

"Imbes na mag-side ako sa dalawang kaibigan ko, eto na lang. Finocus ko na lang sa pag-aaral at ilang days na akong hindi nagbabasa ng diyaryo. 'Tsaka mag-i-start na rin kami ng mommy ko ng movie namin na Monster's Mom, first week of March," pagtatapos ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN