Rustom Padilla's affair with a famous actor to be included in his biopic

IMAGE 0


Rustom Padilla's life story will be revealed in a movie that he will direct and star. The highlight of the film will be Rustom's marriage with Carmina Villarroel and his affair with a famous actor.



Kapag nagkataon, siguradong pagsisimulan ng kontrobersiya ang pagsesepelikula ng life story ng aktor na si Rustom Padilla. Dahil nga kuwento ng totoong buhay ni Rustom ang movie—na ipo-produce ni Jean Garcia at ididirek at pagbibidahan mismo ni Rustom—marami siyempreng revelations na puwedeng makita at mapanood ang tao rito.



Definitely, patikim lang daw ang naganap na pagre-reveal ni Rustom noon sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition.



Ayon sa source ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na nakabasa na ng script ng movie na naglalarawan ng naging buhay ni Rustom, halos ang sentro raw ng movie ay ang mga panahong sila pa ng dating asawang si Carmina Villarroel. Kasama rin dito ang ilan sa naging relationships ni Rustom bago siya umalis ng bansa at magpunta sa Amerika.



Pero ayon sa source, posible raw lumikha ng ingay at mag-iwan ng malaking katanungan sa manonood kung sino ang sikat na aktor ngayon na tinutukoy ni Rustom sa script na nagkaroon ng kaugnayan sa kanya. Ito raw yung mga panahon bago siya lumipad papuntang ibang bansa.



Base raw sa script, noong mga panahong ‘yon ay nagsisimula pa lang halos ng kanyang career ang naturang aktor. Pero nagulat daw si Rustom nang pagbalik niya sa Pilipinas, isa na sa kinikilalang sikat na artista ang naturang aktor.



Napag-alaman din ng PEP na dalawang young actors na raw ang in-offer-an na gumanap sa papel ng sikat na aktor na nakarelasyon ni Rustom. Pero balita rin na tinanggihan pareho ng dalawang young actors na gampanan ang role ng sikat na aktor na naugnay minsan kay Rustom.

Kung matutuloy ang pagsasapelikula ng buhay ni Rustom, siguradong isa ito sa maituturing na kontrobersiyal na pelikula, lalo pa nga't hango ito sa totoong buhay mismo ni Rustom.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN