Lolit Solis defends talent Lani Mercado on snubbing issue

IMAGE 0


"Ang ipinagtataka ko lang, ba't kailangangmaging obligasyon ni Lani [Mercado] ang batiin ang kahit sino? Ang mga na-linksa asawa niya, e, siya ang legal wife?" Lolit Solis says about the recentsnubbing issue between Lani Mercado and Ruffa Gutierrez.


Hindi na napigilan ng talent manager na si Lolit Solis angtumahimik lamang tungkol sa isyu ng isnaban sa pagitan ng alaga niyang si Lani Mercado at ni Ruffa Gutierrez.

Noong Linggo, March 2, aynagpahayag si Ruffa sa The Buzz ng kanyang pagkadismaya sa diumano'y hindi pagpansin sa kanyani Lani noong birthday party ng SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms.Wilma Galvante. (Click here for the full story.)

Ayon sa kuwento ni Ruffa sa interview ng The Buzz,"Alam mo naman ako, forever Miss PR. ‘Hi, hello.' So, siyempre kiss ako.‘Hello, Senator. Hello, Lani.' Siyempre nakaganun yung lips ko [iminuwestra angkanyang labi], ‘Hello.' Tapos bigla akong tinalikuran."

Patuloy niya, "She left my poor perfect pouty lips in theair na like that. Siyempre, napahiya naman ako, di ba? My God, in-ignore ako! Anokaya ang ginawa ko? And then, ‘pag ganun [paghalik] ko, she just turned around,tinalikuran and then she left. Sabi ko, ‘Donita [Rose], nakita mo ‘yon? Whatdid I do? Bakit niya ako tinalikuran?"

Sa kabilang banda, pinili naman ni Lani ang manahimik nalang ukol sa isyu upang maiwasan na ang paglaki nito.

LOLIT'S REACTION. Ngunit hindi nagpaawat ang TVhost-columnist sa pagbibigay ng kanyang opinyon. Bilang sagot sa mga naging pahayag ni Ruffa, kinapanayam ngentertainment columnist na si Ogie Diaz sa kanyang showbiz radio program na Wow,Ang Showbiz! ang talent manager na si Lolit. Siya ang humahawak sa showbizcareer ng mag-asawang Bong Revilla at Lani Mercado.

Ayon sa interview kay Manay Lolit, na nailathala rin sa People'sJournal ngayon, March 5, sinabi niya, "Ang ipinagtataka ko lang, ba'tkailangang maging obligasyon ni Lani ang batiin ang kahit sino? Ang mga na-linksa asawa niya, eh, siya ang legal wife?



"Hindi pa ba sapat na civil lang si Lani at kailangan talaga, makipagplastikan yung tao sa mga nali-link sa asawa niya, sa mga sumasabit-sabit na babae kayBong?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Lolit, nalaman pa raw tuloy ng publiko nanaging magkarelasyon noon sina Ruffa at Bong dahil sa paglabas ng isyu na ito.

Aniya, "'Day, satotoo lang, hindi si Lani ang nagpalaki ng isyung ito, sila. Kung hindi silakumibo, hindi sila nag-react, deadma, di ba?

"Ngayon, nagre-react sila dahil inisnab daw ni Lani si Ruffa, nalaman ngayon ngmga tao na may nakaraan pala si Ruffa at si Bong. Dati ba, may nasulat na naging sina Bong at Ruffa? Wala naman, ah? Kaya siLani, tahimik lang.


"Hindi siya dapat mag-react, dahil siya ang legal wife!" mariing sabi ni Lolit.

Nang tanungin kung baka posibleng maging dahilan pa ito ngpag-aaway nila ni Annabelle Rama, ina ni Ruffa, ang matapang na sagot ni Lolit,"Naku, 'pag nakita ko si Annabelle, sasabihin ko rin sa kanya na ang damingbabae ang sumasabit-sabit sa asawa niya [Eddie Gutierrez] no'n, kaya 'pag tumatalak siya,naiintindihan siya ng mga tao, dahil siya ang legal wife!"

Sa isang separate interview, nahingan din ni Ogie Diaz ngpahayag si Bong Revilla tungkol sa isyu. Ang maiksing sagot ni Bong, "Magkakaayos din 'yan. Hindilang sila nagkaintindihan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN