Sharon Cuneta likes Richard Gutierrez for daughter KC Concepcion

IMAGE 0


Looks like young heartthrob Richard Gutierrez (inset, bottom) won't have any problem gaining the confidence of KC Concepcion's (inset, top) mom Sharon Cuneta. "Richard is matino and sikat and guwapo and more than anything he's a Gutierrez, anak ni Tita Annabelle and Tito Richard," said Sharon positively about the Kamandag lead star.


Mag-isang dumating si Sharon Cuneta kagabi, March 3, sa birthday party ni Rudy Fernandez na idinaos sa William J. Shaw Pavilion ng Wack-Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong City.

Hindi tuloy maiwasang hanapin ng mga bisita, lalung-lalo na ng mga reporter, ang mister nito na si Senator Kiko Pangilinan.

"My husband's in a meeting and he's hoping to follow," mabilis na sagot ni Sharon.

Aware ang Megastar na muling iniintriga ang pagsasama nila ni Kiko kaya agad na nitong pinangunahan ang mga press sa pagsabi ng, "And we're closer than ever now, Kiko and me."

Nakatakdang umalis si Sharon patungong London para mag-shooting at matagal-tagal din niyang hindi makikita ang kanyang mga loved ones dito sa Pinas.

"It's the first time also na malalayo ako ng matagal sa asawa ko at mga anak. We're supposed to leave earlier, pero I'll be there for three weeks," aniya.

Kakagaling lang ni Sharon sa sakit at ito rin daw ang naging dahilan kung bakit nausog ang kanilang scheduled London trip.

"The whole schedule nasira... everybody's schedule from Direk Chito [Roño], lahat ng schedule ng Star [Cinema] at lahat kaming involved nasira," panghihinayang nito.

KC AND RICHARD. Recently ay maugong ang balitang nagkakamabutihan na raw ang panganay na anak ni Sharon na si KC Concepcion at ang young actor na si Richard Gutierrez. Kasabay pa nito ang usaping may nilulutong proyekto ang GMA Films at Star Cinema para sa dalawa.

"I don't want to comment," ngiti ni Sharon. Pero nilinaw naman nito na she has nothing against Richard. Natutuwa naman daw si Mega at, so far, lahat ng nali-link sa kanyang dalaga ay matitino naman at disente.

"Sa awa naman ng Panginoong Diyos, magmula nang si KC started really seeing visitors at home or introducing her friends to us—mapababae, mapalalaki—sa awa ng Diyos, wala naman siyang in-introduce sa amin na medyo mag-aalala kami. If there's one thing lang na I am very, very happy about is that KC is entertaining many, many, many... hindi naman many, many... pero ibig kong sabihin is hindi siya committed to anybody."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala naman daw masama kung maging close friends ang dalawa. In fact, malaking advantage nga kung tutuusin ang family background ni Richard para makuha ang boto ni Shawie.

Paliwanag ni Mega, "But to have Richard as one of the friends that she sees nowadays, meron medyong... Meron akong sense of konting relaxation sa akin sapagka't nandiyan ang Tito Eddie [Gutierrez] 'tsaka Tita Annabelle [Rama]."

Hindi naman daw natatakot si Sharon kahit na kilalang palaban ang ina ni Richard na si Annabelle Rama. Hanga raw si Mega sa tapang at honesty nito kahit na minsan ay nagiging masama ang impression sa ibang tao.

"If there's one thing about her na alam mo admirable, na wish ko lang matularan ko, 'yong talagang ‘di baleng magtaray basta prangka at totoo," seryosong pagpupuri ni Sharon kay Annabelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN