Ruffa Gutierrez bewildered by Lani Mercado's alleged snubbing

IMAGE 0


"I don't know what's her reason... I know we're not close but I have nothingagainst you. And for me, it's not really non-issue. Maybeyou really don't like me, so okay lang," says Ruffa Gutierrez (right) about the alleged snubbing of Lani Mercado (left).



Isinalang ang isa sa mga host ng The Buzz na si Ruffa Gutierrez last Sunday, March 2, dahil sa isyu ng pang-iisnab diumano sa kanya ng misis ni Senator Ramon "Bong" Revilla na si Lani Mercado sa lamay ng ina ng talent manager ni Aga Muhlach na si Ethel Ramos.



"Let's go back," panimula ni Ruffa na in-interview ng co-hosts niya na sina Boy Abunda at Cristy Fermin. "Hindi lang kami sa lamay nagkita. Actually, three days before, nagkita kami sa birthday ng isang TV executive. Hindi na natin babanggitin yung pangalan. And papasok kami ni Donita [Rose] at ng asawa niya sa loob ng birthday party, palabas naman sila ni Senator Bong."

Ang tinutukoy na TV executive ni Ruffa ay ang SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante, na nagkaroon ng surprise birthday party noong February 22 sa Imperial Palace Suites.

Patuloy na kuwento ni Ruffa, "So, alam mo naman ako, forever Miss PR. ‘Hi, hello.' So, siyempre kiss ako. ‘Hello, Senator. Hello, Lani.' Siyempre nakaganun yung lips ko [iminuwestra ang kanyang labi], ‘Hello.' Tapos bigla akong tinalikuran."

Tinalikuran siya ni Lani? tanong nina Boy at Cristy.

"Yeah!" sagot ni Ruffa. "She left my poor perfect pouty lips in the air na like that. Siyempre, napahiya naman ako, di ba? My God, in-ignore ako! Ano kaya ang ginawa ko? And then, ‘pag ganun [paghalik] ko, she just turned around, tinalikuran and then she left. Sabi ko, ‘Donita, nakita mo ‘yon? What did I do? Bakit niya ako tinalikuran?"

Ano sa tingin niya ang dahilan ng pang-iisnab sa kanya ni Lani?

"I don't know. You should ask her actually," sagot ni Ruffa kay Boy.

Ayon kay Ruffa, wala naman daw silang problema ng asawa ni Lani na si Bong.

"He always buys tickets every time we have concerts, or magdo-donate," sambit ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binati ba siya ni Bong during that time na inisnab siya ni Lani?



"Ah, oo," sagot ni Ruffa. "Naghe-hello siya. Nag-hello naman si Bong. Nag-kiss kami sa cheek. So, sabi ko, I was there, sina Tito Dougs [Quijano]. So, takang-taka talaga ako. Maybe she's [Lani] in a bad mood. But siyempre naman, napahiya ako."



Hindi ba sila nagkita ni Lani prior to that incident?



"We would see each other. Sometimes she will say hi. Sometimes she won't say hi. Hindi consistent. And then, there was time sabi ko, ‘Hi!' Alam mo naman ako, minsan there's so many things going on in my life na minsan nakakalimutan ko if a person is mean to me or not. Sabi ko, ‘Did you get the invites for my birthday? Uy, punta naman kayo ni Bong.' ‘You didn't text me. Baka naman si Bong lang ang tinext mo?'

"My God! So, habang kumakanta ako ng ‘Through The Years,' siya [Lani] ang nasa utak ko. What did I do na naman?" nagtatakang sabi ni Ruffa.

Bakit si Lani ang nasa utak niya?



"Kasi in-ignore niya ako," mabilis na tugon ng TV host-actress. "So, I don't know why she keeps ignoring me. I don't know if I'm friend with some of the people being linked to her husband. You know, I'm clueless."



Halos masubsob ba siya nang bigla siyang tinalikuran ni Lani?



"Yeah, talagang nawala na!" bulalas ni Ruffa. "And then Bong naman, through a friend, said na baka hindi ka lang nakita. But I'm such a big damulag! How can you not see me? And then, three inches pa yung suot kong heels! I mean, you must be blind para hindi mo ako mapansin."



SCENE AT THE WAKE. Patuloy ni Ruffa,"So, anyway, nung wake po, siyempre I had to pay respect to the family of Tita Ethel, Tita Chit Ramos. It's not a place naman po na magtsitsikahan kayo. You go there, siyempre it's very solemn. And then, umiwas na ako. I mean, I just talked to Charlene [Gonzalez] and Aga [Muhlach]. Siyempre, very solemn ‘yon. Hindi ko na siya [Lani] binati. So, ayoko mapahiya na naman ako at yung lips ko nasa ere na naman. Kaya hindi ko na siya binati noon. And then, I don't think it was the right time for you to make tiskahan because you're in a lamay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kasunod nito ang panawagan ni Boy kay Lani na bukas ang The Buzz para sa kanyang pahayag.



"Oo," pagsang-ayon ni Ruffa. "And Lani, can you please text me also and find out what did I do? How come you keep ignoring me?" tanong pa niya.



Wala raw kasing maisip na dahilan si Ruffa kung bakit siya iniisnab ni Lani.



"Yeah, wala po talaga akong maisip na dahilan and then siguro, inisip ng mga intrigero na parang na-link sa akin si Bong like 25 years ago. My gosh! Let's all move on naman. May mga anak na ako. Panahon pa ni Mahoma 'yon, di ba?

"I mean, if it's that, God, it's like 25 years ago! I was only like 15, di ba? I don't see a reason na ‘yon ang maging dahilan. So, ang akin po, you can ask anyone show business, I'm so ma-PR. I always say 'hi' to people. So, hindi po totoo na ako yung nang-isnab. Ako po yung inisnab for the first time in my life."

Sa huli ay hiningan ng mensahe si Ruffa para kay Lani.

"Well kasi, siyempre everyone is texting me na baka, you know... I don't know what's her reason. But I just hope na, Lani, if you're watching for whatever reason, I know we're not close but I have nothing against you. And for me, it's not really an issue.

"Maybe you really don't like me, so okay lang. So, sana huwag lang gawing isyu na malaki. For me, walang dapat pag-awayan. It's so silly, di ba?"

Tinanong ni Cristy si Ruffa kung nagkausap ba sila ng kaibigan niya at naging karelasyon din noon ni Bong na si Gretchen Barretto tungkol dito.

"Well, Tita Cristy, huh. My God!" bulalas lang ni Ruffa.

Kasunod nito ang pagpapaalaala ni Boy sa kanila na kahuhupa pa lamang ng kontrobersyang kinasangkutan ni Gretchen kaya hayaan na lang muna raw ang kontrobersiyal na aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LANI'S SIDE. Sa parte naman ni Lani, iniiwasan na raw niya na sagutin ang naturang isyu. Sa panayam sa kanya ni Abu Tilmazik ng Abante Tonite, sinabi ni Lani na ayaw na niyang sumagot dahil wala raw siyang balak palakihin ang isyu sa kanila ni Ruffa.

Ipinaliwanag din ni Lani na nung magkasalubong daw sila ni Ruffa sa birthday ni Ms. Wilma ay kasalukuyan siyang nagpapaalam sa lady TV executive nang humarap sa kanya si Ruffa kaya hindi ito nabeso ni Lani.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN