Valerie Concepcion talks freely about single parenthood

IMAGE 0


"I think he's here, but I'm not sure. Pero alam ko, may mga kamag-anakdin sila sa States, so hindi ko alam kung nagpunta siya doon. But thelast time I heard, nandito lang nga raw, so I really don't know why,wala talaga," says Valerie Concepcion about the father of her child.



Tuwang-tuwa si Valerie Concepcion dahil napakaganda ng pasok ng taong 2008 para sa kanyang career. Bukod sa bago niyang movie with Vhong Navarro na Superpapahlicious, a possible lead role in Betty La Fea, at pagpirma niyang muli ng kontrata bilang co-host ng Wowowee, si Valerie rin ang napili bilang kauna-unahang celebrity endorser ng Slenda, ang bagong slimming capsule sa market.



"Ang ganda po talaga ng pasok ng bagong taon sa akin. Like itong Slenda, pumasok po siya noong. ‘Tapos po, sobrang thankful ako sa ABS-CBN. Yung trust na ibinibigay nila sa akin, sobra! Yung sa Wowowee naman po, sa awa ng Diyos, nag-end ang contract ko ng February 15, pero ni-renew po nila ako for another six months," masaya niyang pagkukuwento sa launching niya bilang endorser ng Slenda kagabi, February 28.

Pagkatapos ng mga pinagdaanan niya at a very young age—she got pregnant at 16—masayang-masaya si Valerie na nakabalik at ngayon ay mas lalo pang dumarami ang mga projects niya.

"Masaya! Masayang-masaya!" bulalas niya. "I mean, after all the things I've been through, we didn't really expect it will be like this. And now that it's starting to fall into place again, I'm really thankful. I'm really grateful na talagang ‘eto na ulit."



TOO LATE THE FATHER. Open naman sa lahat kung paano tumatayong single parent si Valerie sa kanyang anak na si Heather Fiona, who is now three years old. Mas open na rin si Valerie ngayon sa pagsasalita tungkol sa ama ng kanyang anak.

"Well, actually, ever since naman... Kailan ko ba siya huling nakausap? Uhmm...2004, so, hindi pa niya nakikita ang anak ko. Well, anak namin pala!" natawa niyang sabi.

Dagdag niya, "Kung bigla siyang dumating, okay lang naman, siguro mapag-uusapan naman."

Pero sinabi ni Valerie na siguradong hanggang doon na lang daw ‘yon dahil late na raw para magsama or magkabalikan pa sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No, huwag na," sambit niya. "Parang it's too late na buuin pa ang family. Kung gusto niyang i-support ang anak ko, I'll think about it. Pero so far, wala pa namang any effort from him."

As a single parent, aminado si Valerie na hindi madali in terms of finances, kaya malaki ang pasasalamat niya sa Kapamilya network na hindi naman siya nababakante.



"Actually, yun nga ang kagandahan ng nangyari rin sa akin. Natuto akong mag-trust kay God. As in, never, never niya akong pinabayaan. Kapag feeling ko nauubos na ang pera ko sa bank account, biglang-bigla, may magandang project na dumarating sa akin. So hindi pa siya naging problema talaga," nakangiting pahayag ni Valerie.



Hindi raw alam ni Valerie kung nasaan ang ama ng kanyang anak ngayon. Although may nakapagsabi raw sa kanya na nasa Pilipinas lang daw ito at minsan na nagkita raw sila ni Danica Sotto (pinsan ng ama ng anak ni Valerie), maging ang mga ito raw ay walang balita tungkol dito.

"I think he's here, but I'm not sure. Pero alam ko, may mga kamag-anak din sila sa States, so hindi ko alam kung nagpunta siya doon. But the last time I heard, nandito lang nga raw, so I really don't know why, wala talaga [communication]," kibit-balikat niyang paglalahad.



JENNYLYN MERCADO. Sina Valerie at Jennylyn Mercado ay parehong talent ni Becky Aguila. Bukod dito, pareho rin silang nabuntis at an early age at pareho rin silang nakipaghiwalay sa mga ama ng kani-kanilang mga anak.

Masasabi ba ni Valerie na pareho na lang sila ni Jennylyn na nagdesisyon noon na pangatawanan ang kanilang dinadala with or without the father?



"Sort of... sort of, yeah!" pagsang-ayon niya. "Kasi hindi na rin kami nagkaroon ng pagkakataon na magkausap before I gave birth."

Close friends ba sila ni Jen?

"With Jen? Okay naman. I mean, hindi ako magpapaka-hypocrite na sasabihin kong super close kami, but we're not enemies also. We're friends. Actually, isa siya sa mga kumare ko. Ninang siya ng anak ko, so close...close enough!" natawa pang sabi ni Valerie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tuwing magkakausap naman daw sila ni Jennylyn, ang tungkol sa mga nararamdaman ng isang buntis ang napag-uusapan nila. Anong advice ang puwede ibigay ni Valerie kay Jennylyn since nanggaling na siya sa ganoong situwasyon?



"Kay Jen, just have faith and just pray. Kasi walang ibibigay na pagsubok ang Diyos na hindi natin malalagpasan. So, just be strong," ani Valerie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN