Geoff Taylor's playboy days and stage jitters are over

IMAGE 0


"Kahit mamatay man ako ngayon, wala pa po talaga akong nasamahang bading," swears Pinoy Dream Academy alumnus Geoff Taylor when asked if he had a "gay experience."


Sanay nang humarap at mag-perform sa maraming tao si Geoff Taylor, produkto ng PinoyDream Academy ng ABS-CBN 2 dahil marami na siyang concert na nasalihan.



Di katulad noong hindi pa niya naranasang maging contestant sa PDAay sobrang kinakabahan siya kapag nasa stage na at kumakanta.

"Hindi ko po talaga kaya noon na humarap sa maraming tao. Every time nanagpi-perform ako sa school namin, nanginginig ako," sabi ni Geoff sapanayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal)kagabi, sa mini-presscon ng upcoming concert niya na Feel-Ahh nagaganapin sa Pila Covered Court on March 14.

Special guest niya rito si Chx Alcala at ang baguhang aktor at commercial model na si Rodney Pablo.

Dagdag pang kuwento ni Geoff, "Actually ang kinakanta ko noong high schoolpa lang ako ay rap. ‘Pag rap kasi, ‘pag kumanta ka, magalaw ‘yan, e. So, hindihalata ang nginig ng kamay. ‘Pag pinakanta na ako ng love songs, nakikita yung kamayko na nanginginig. Pero ngayon, hindi na ako gano'n. Wala nang nerbiyos everytime na nagpi-perform ako sa stage."

PAINFUL FIRST LOVE. Sa ngayon ay loveless si Geoff. Pero nagkaroonna rin naman siya ng girlfriend na umabot na sa pito. Una niyang sinubukang makipagrelasyonnoong nasa high school pa lang siya. At hinding-hindi niya makakalimutan angunang karanasan sa pag-ibig, dahil naging masaklap ito.

"Yung naging girlfriend ko nung high school, hindi ko siyanahahalikan, hindi ko siya nayayakap, at kahit hawak lang sa kamay, ayaw niya.

"Nung nasa college na kami, magkaiba kami ng school. Every Saturday nalang kami nagkikita after ng classes namin. ‘Tapos may nagkuwento sa akin nanabuntis siya ng iba. Isipin ninyo, 'pag kami ang magkasama, pa-Maria Clara-effectpa siya sa akin, yun pala mabubuntis siya ng iba? Sobrang sakit talaga ngginawa niya sa akin. Two months kong iniyakan yun," pag-alaaala pa ni Geoff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Pagkatapos maloko sa pag-ibig, naging playboy na si Geoff.



"Kung kani-kanino na ako nakipagrelasyon na parang gusto ko lang gumantikasi galit ako sa naging girlfriend ko. Pero ngayon, nagbago na ako. Hindi naako gano'n. Kaya nga wala akong girlfriend ngayon."

"GAY EXPERIENCE." Ang kaibigan at naging kasamahan ni Geoff sa PDAna si Jay-R Siaboc ay umamin na naranasan na niyang matikman ng isang badingnoong nasa probinsiya pa siya. Guwapo si Geoff at mestizo pa, kaya hindikataka-takang maraming bading ang nag-iilusyon sa kanya.

May bading na rin kayang nakatikim kay Geoff?

"Sa totoo lang po, wala pa," sagot niya.

"Kahit mamatay man ako ngayon, wala pa po talaga akong nasamahang bading.Kung may bading man na magsasabi na may nangyari sa amin o naging kami, humarapsiya sa akin para malaman namin kung sino ang nagsasabi ng totoo. Handa kongpatunayan sa kanya na walang katotohanan ang sinasabi niya."

Aminado naman si Geoff na may bading nang nag-offer sa kanya ng material nabagay may mangyari lang sa kanila.

"Teacher ko po siya. Ang offer niya sa akin ay isang scooter, pero hindiako pumayag."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN