Isabel Granada refuses to divulge problem about her foreign movie

IMAGE 0


Isabel Granada is proud to have done a foreign movie shot in Oman. But the former child actress refuses to divulge details about an incident during the making of that film.



Kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Isabel Granada sa press conference ng Kaputol ng Isang Awit tungkol sa pelikulang ginawa niya sa Oman titled Pirate's Blood. Sinabi ng dating child actress na maayos naman daw ang naging shooting niya para sa naturang movie.



One week lang daw ay natapos kaagad ang shooting niya at mababait daw ang mga artistang nakatrabaho niya rito. Siya lang daw ang Pinoy sa buong cast ng pelikula na kinabibilangan ng mga multi-racial actors from Oman, India, and the U.S.



Nagpapasalamat si Isabel sa GMA Pinoy TV dahil sa Zaido: Pulis Pangkalawakan daw siya napanood ng producer from Oman kaya kinuha siya para sa Pirate's Blood. Hindi nga alam ni Isabel na umaabot pala sa bansang Oman ang mga shows ng GMA-7. Through a Pinoy friend ng producer nila na based sa Cebu City, na-contact daw si Isabel para gumanap sa pelikula.



"Hindi na talaga ako pinag-audition for the role. Noong mag-meeting kami, ‘yon na ‘yon at pinalipad na ako sa Oman. Ang bilis nilang magtrabaho roon," kuwento ni Isabel.

Ipalalabas raw ang Pirate's Blood sa India, Oman, U.S., at dito sa Pilipinas.

Pero sa presscon proper ng Kaputol ng Isang Awit, may nagtanong kay Isabel tungkol sa hindi raw magandang karanasan niya sa pagsu-shoot ng Pirate's Blood. Ang sabi lang ni Isabel ay naayos na daw ‘yon at hindi raw proper na pag-usapan ang foreign movie niya dahil presscon nga ‘yon ng bagong Sine Novela ng GMA-7 na kinabibilangan niya.



Sinubukan naming tanungin si Isabel tungkol sa naturang issue, pero bigla na lang siyang nawala sa presscon. Pinadalhan namin siya ng text message asking her about the issue, pero hindi siya sumagot.



Nakapagtataka dahil masipag sumagot si Isabel sa mga text messages. Minsan nga ay parati pa itong nagpapadala ng inspirational messages at mga update tungkol sa mga ginagawa niya. Pero sa pagkakataong ito ay tila tahimik si Isabel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Hihintayin na lang namin kung kailan magiging handa si Isabel na pag-usapan ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN