Lovi Poe "very open" to challenging villain roles

IMAGE 0


"Ito namang ginagawa ko, it's only a role in a TV drama. In real life,I'm still Lovi. Mahiyain pa rin po ako and after naman ng taping, backto normal ako. Hanggang sa taping lang ang pagiging mataray ko. Mabaitpa rin po ako, promise," says Lovi Poe about playing kontrabida.



Paganda nang paganda si Lovi Poe kaya naman marami ang nanghihinayang na isang kontrabida role ang ibinigay sa bagong Sine Novela ng GMA-7, ang Kaputol ng Isang Awit. Pero ayon naman kay Lovi, magkakaroon naman daw ng pagbabago ang kanyang role para naman daw pumantay sa pagbibida ni Glaiza de Castro.



"I'm very open to roles like this at walang issue sa akin. Gusto ko ngang ma-challenge ako," sabi ni Lovi sa presscon ng Kaputol ng Isang Awit last Tuesday, February 26.



Patuloy ng young singer-actress, "In my past roles sa TV—like sa Love to Love, Bakekang, at Zaido—paratina lang ako mabait at inaapi, di ba? This time, gusto ko naman na ako ang nang-aapi. Hindi ba kakaiba ‘yon? I want to be a mean girl this time, pero nahirapan din ako kasi kailangan pati pagbitaw mo ng dialogues na mataray ay mataray talaga ang dating.



"Ako pa naman, I have a small voice. Masyado raw akong malambing magsalita kaya they had second thoughts na baka hindi ako maging convincing na kontrabida kay Glaiza. Pero sa first taping days namin, I gave them what the role requires at ako mismo nagulat na nakakasigaw din pala ako at puwede akong magtaray.



"So, start pa lang naman ito and I will eventually get better pa. I just hope na matanggap ako ng mga sumusuporta sa akin sa bagong role na ito," aniya pa.



Hindi naman daw worried si Lovi na baka tumatak sa kanya ang pagiging kontrabida. Kung ang mga ine-endorse nga niyang mga products ay handa siyang suportahan, it only means na walang issue kung gumanap man siyang kontrabida o hindi.



"Matatalino naman na ang mga televiewers natin," sabi ni Lovi. "They know what's real and what's not. Ito namang ginagawa ko, it's only a role in a TV drama. In real life, I'm still Lovi. Mahiyain pa rin po ako and after naman ng taping, back to normal ako. Hanggang sa taping lang ang pagiging mataray ko. Mabait pa rin po ako, promise," sabay ngiti niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



OTHER SUITOR. Napag-alaman din namin na may isa pa palang manliligaw si Lovi bukod kay Jolo Revilla. Hindi taga-showbiz ang guy na ito at more than four years na raw itong nanliligaw sa dalaga.



Inamin ni Lovi na totoo na may manliligaw siya na gano'n katiyaga. Ngayon daw ay tumigil na ito, pero magkaibigan naman daw sila ng binata.



"Yeah, it's true na may four years na siyang nanliligaw sa akin. On and off naman kasi ang panliligaw niya sa akin kaya humaba ng gano'n. Bata pa kasi kami noon kaya I never entertained the idea of having a boyfriend that young. Hanggang sa umabot na nga ng ganitong age, he's still there. ‘Tapos biglang nanligaw din si Jolo. It just happened na tumigil na rin itong guy and I said naman na we can always be friends," kuwento ni Lovi.



Patunay lang ito na hindi basta-basta sumasagot sa kanyang mga manliligaw si Lovi. Kung ang non-showbiz suitor ni Lovi ay inabot ng apat na taon sa panliligaw, paabutin kaya ng dalaga si Jolo ng gano'n ding katagal?



"Kung kaya ba niyang maghintay, why not?" tawa ni Lovi. "Siguro that will be the ultimate test, di ba? Kung talagang matiyaga siya, he can endure how long his panliligaw would take him. Alam naman niya na hindi pa ako ready for such a commitment.



"What's good about Jolo is that he's cool with it. Hindi niya ako pine-pressure sa panliligaw niya. I guess nga, he's willing to wait pa. Magti-three months pa lang kaming magkakilala, hindi pa sapat ‘yon for us to have a relationship.



"Like what I said noon pa, I want to know Jolo better. I also want to get to know his family. Mas maganda kasi ang gano'n in any relationship you go through," paliwanag ni Lovi.

Sina Lovi at Jolo ang magkatambal sa Kaputol ng Isang Awit, kung saan kasama rin sina Glaiza de Castro at Marky Cielo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN