Lovi Poe says Jolo Revilla must "prove a lot" to her

IMAGE 0


"Sometimes, I must admit, medyo naiinsulto ako on how other people underestimate my capacity to think. But, on the other hand, I just see it as a deep concern, na ayaw siyempre ng mga taong hindi maganda ang mangyari sa akin," says Lovi Poe of people who worry about her relationship with Jolo Revilla.



Kumakalat ang chikang nagiging pasaway na raw si Lovi Poedahil sa pagkakamabutihan nila ni Jolo Revilla.

Ipinagkikibit-balikat na lang ni Lovi ang isyung ito, atinamin niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na bunga rin ito ngnapakaraming taong nababahala sa kahihinatnan ng kanyang career kung sakalinghumantong ang relasyon nila ni Jolo sa buntisan.



"Sometimes, I must admit, medyo naiinsulto ako on how other peopleunderestimate my capacity to think," simula ni Lovi. "But, on theother hand, I just see it as a deep concern, na ayaw siyempre ng mga taonghindi maganda ang mangyari sa akin.

"Gusto ko lang sabihin sa kanila na I can take care of myself, the bestthat I can. Para hindi mabigo yung mga umaasa sa akin."



MOMMY KNOWS BEST. Iniintriga lang daw sila ng mommy niya (Rowena Moran), since her mom is not astage mother na laging nakikitang kasama niya. May mga taong gustong mag-reactito sa situwasyon nina Jolo at Lovi.

"Tahimik lang ang mommy ko. If there's some concern sa pagiging malapit kokay Jolo, pinag-uusapan namin yun. But, of course, you know how mothers are.Marami silang hindi gusto, pero ipinapaliwanag ko lang sa kanya yungsituwasyon.

"Mahalaga pa rin sa akin ang sinasabi ng mommy ko, and I shouldrespect her. More than anybody else, siya ang nakakaalam what's really best forme. I just put it that way," nangingiting sambit pa ni Lovi.

ACCEPTING JOLO FOR WHAT HE IS. Mukhang nagiging masyadong controversial ang tambalan nina Jolo at Lovi naitinatampok sa Kaputol ng Isang Awit. Lagi silang nasa balita.

"Napansin ko nga," pahayag ni Lovi. "Hindi natin maiaalis yun,kasi ang setback kay Jolo, yun ngang may anak na siya sa ibang babae bago pasiya naging malapit sa akin.

"Hanggang ngayon naman, hindi sa hindi ko matanggap, pero kung mawi-wishko lang, na wala sana yung ganoong factor. Pero, I have to accept Jolo for whathe is. He has to prove a lot to me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You can just imagine how hard it is for him. Hindi biro ang lakas ng loobniya para ligawan ako. Pero hanggang ngayon, alam niyang hindi enough ang threemonths of courtship for us to have a relationship.

"People who love me should trust me and believe that we're still not yeton," sabi pa ni Lovi.

"DON'T TELL A LIE" INCIDENT. Pero, hindi nga iyon ang lumalabas. It's being rumored that she betrayed her momwhen the lie detector test sa "Don't Tell a Lie" segment ng ShowbizCentral proved that Lovi and Jolo are now having a serious relationship.

Ito raw ang dahilan kung bakit lalong naghihigpit ang mommy ni Lovi sa ugnayannila ni Jolo.

"But that's not one hundred percent accurate!" bulalasni Lovi. "'Yung lie detector test doon, ang feeling ko, it was just forfun. How can it be that accurate in an atmosphere like that?

"Natatawa lang ako. Kasi, I have been honest with my mom. She knows verywell what I'm talking about, at nagugulat na lang ako sa reactions ng mgatao," napapailing na sabi ni Lovi.



IT'S JUST A SONG. Minsan daw, sa S.O.P., pinapili ng kakantahin si Lovi, 'yung "Torn" niNatalie Imbruglia ang napili niya. Pinagsabihan siya ng mga namamahala sa show nashe shouldn't sing songs like that, which pertain to loss of virginity andpre-marital sex.

"My God, but that was a long time ago!" bulalas pani Lovi. "Kasi, ang feeling ko naman, kanta lang 'yan, e. I love themelody. Hindi ko naman inisip na tungkol pala sa loss of virginity yung messageng ‘Torn.'


"Unlike, for example, ‘Papa Don't Preach' by Madonna, klaro naman angmessage niyon na tungkol sa teenage pregnancy and pre-marital sex yung kanta,so why should I sing that?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Nakakatawa! Kasi, pati 'yung ganyang mga bagay, nagiging isyu na. Paanokung kumanta ako ng 'Miss You Like Crazy,' ibig sabihin crazy na rin ako?"at napahagikhik na lang ang young actress sa sinabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN