Iwa Moto gives a hint: she would rather "fly than swim"

IMAGE 0


When asked if she was among those who wanted to play Dyesebel during the auditions, Iwa answered, "Mas feel ko ang lumilipad kesa lumulubog sa dagat."


Kahit pinagbabangga sina Iwa Moto at Katrina Halili bilang sexiest Pinays ngayong 2008, nananatili silang matalik na magkaibigan.

"Ayokong makipagbanggaan sa kaibigan ko, e!" sabi ni Iwa sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Bahala na yung mga tao na mag-isip ng kung anuman tungkol sa amin, basta kami ni Katrina, okey kami.

"Kami, ginagawa lang namin yung trabaho namin. Inaayos lang namin yung buhay namin. Ngayon kung iisipin ng tao na gano'n, na may banggaan kami, bahala na sila. Basta kami, okey kami. Magkaibigan kami."

Nitong nakaraang birthday show ni Katrina, pupunta dapat si Iwa, pero nagkasakit siya.

"Galing ako ng out-of-town, ‘tapos may lagnat ako. Dapat nga magso-show ako, kasi a month before, nag-usap na kami. Sabi ko pupunta ako at dapat nga kakanta pa ako. E, yun nga, nagkasakit ako."

Natatakot daw si Iwa na baka himatayin siya sa stage kaya hindi na lang siya pumunta.

IWA WANTS TO FLY. Naging usap-usapan noon ang nangyaring paghahanap sa gaganap na Dyesebel dahil sa ilang pangalang na-consider para sa Mars Ravelo mermaid tale. Natigil lang ang lahat ng haka-haka tungkol sa gaganap na Dyesebel, nang i-announce nang si Marian Rivera na ang napisil ng GMA-7 execs para sa papel.

Hindi type ni Iwa ang maging sirena kaya't hindi nakisali sa mga nais maging Dyesebel noon.

"Mas feel ko ang lumilipad kesa lumulubog sa dagat," sabi ni Iwa, animo'y nagbibigay ng hint sa mga taga-GMA-7.

"Takot ako sa dagat, e!" patuloy pa niya. "Actually ‘pag nagbo-Boracay ako, sa pool lang ako nagsu-swimming. Gusto ko lang yung sand."

Pagtatapat pa ni Iwa, may trauma daw siya na maligo sa dagat. Nakatapak na raw kasi siya dati ng jellyfish at matutulis na sea shells, kaya ayaw na niyang lumulubog uli sa dagat.

Isa pa, kahit alukin si Iwa na maging isa sa mga sirena na kasamahan ni Dyesebel sa kanilang kaharian sa ilalim ng dagat, hindi pa rin puwede si Iwa dahil busy siya sa Joaquin Bordado ni Robin Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN