Isabel Oli more comfortable with drama, says no to playing sexy roles

IMAGE 0


"I just want to be an actress, not a star," says Isabel Oli when asked why she doesn't want to play Dyesebel or Darna which guarantees sure stardom. She says she has a lot of limitations when it comes to playing sexy and is content with dramatic roles.


Nagpapakatotoo lang si Isabel Oli nang sabihin niyang wala siyang nararamdamang tampo o sama ng loob dahil sa sobrang atensyon na ibinibigay ngayon ng GMA-7 kay Marian Rivera.

"Okey lang. Actually, nu'ng nag-Sugo ako...kasi inaamin ko, talagang hindi ako nanonood masyado ng TV, ‘tapos one time napanood ko yung kina Oyo [Sotto] at Marian, sabi ko, ‘Ay, ang galing naman ng girl na ‘to! Bakit wala siyang primetime?' Sabi ko, ‘Sayang. For sure, magkakaroon ‘to. Ang galing niyang umarte."

"'Tapos nung nag-Super Twins na siya, sabi ko, ‘At last may primetime na siya.' At least, ‘di ba? Nabigyan siya ng break."

As in wala siyang kahit ni katiting na insecurity o pagkainggit kay Marian?

"Wala. Okey lang sa akin. ‘Tsaka si Marian, mabait siya. Nagkikita kami sa Posh Nails. So, yun, okey lang. Pero hindi naman kami super-friends, batian lang."

NO TO DYESEBEL AND DARNA. Noong naghahanap ang GMA-7 ng gaganap bilang Dyesebel bago nga nakumpirmang si Marian ang magbibida rito, hindi ba inisip ni Isabel na gusto niya ring maging Dyesebel?

"Hindi. ‘Di ba nag-Atlantika ako? Hindi nga ako lumangoy no'n, e. Paano pa ako magiging Dyesebel? Kahit na may audition-audition pa ‘yan, ayoko."

May iba pa bang dahilan kung bakit ayaw niyang maging Dyesebel?

"Nalunod ako dati, so medyo may phobia na ako sa dagat."

Kung Darna?

"Two-piece? Wa na! Ha-ha-ha! Dito na lang tayo sa mga iyak-iyak, inaapi-api. Ha-ha-ha!

Napupuri na nga si Isabel sa kanyang pagganap bilang Rosita sa Maging Akin Ka Lamang, ang sine novela nila nina Nadine Samonte, Carlo Aquino, at Polo Ravales.

Marami siyang limitations, lalo na sa pagpapa-sexy; satisfied na ba siya sa pagdadrama?

"Oo, I just want to be an actress, not a star."

Pero ang mga drama actress, minsa'y nagse-sexy rin, 'di ba?

"Sa suot, okey lang sa akin, ‘wag lang ‘yung mag-two piece, ‘tsaka lumalangoy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung heavy drama, ‘tapos malulunod siya kunwari?

"Gusto ko ‘yan! Sige lunurin ninyo ako! Ha-ha-ha!

"'Yung Darna, okey ‘yun. Kasi gusto ko ring mag-action, it's just that if ever mag-a-action ako na naka-two piece, parang hindi ako comfortable. I'll make sure na yung mga tinatanggap kong roles yung medyo comfortable ako," pagtatapos ni Isabel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN