Kris Aquino's pregnancy not yet confirmed

IMAGE 0


There is a possibility that TV host-actress Kris Aquino is pregnant with her third child (second with husband James Yap). But the news about her pregnancy still has to be confirmed this Friday, March 7.



Usap-usapan ngayon sa loob at labas ng show business ang diumano'y muling pagbubuntis ni Kris Aquino. Ilang araw nang umiikot ang balitang ito—na nagsimula sa isang blind item dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal)—pero walang anumang pahayag ang TV host-actress.



Kasalukuyang nasa Phuket, Thailand, si Kris kasama ang kanyag mister na si James Yap. Silang dalawa lang ang umalis as part of their bonding moment. Naiwan ang mga anak ni Kris na si Joshua at Baby James sa kani-kanilang mga yaya at staff. From Phuket, didiretso ang mag-asawa sa Bangkok.

Umalis sina Kris at James kahapon, March 3, isang araw pagkatapos ng championship game ng Purefoods at Sta. Lucia sa PBA last Sunday, March 2. Second place ang team na kinabibilangan ni James, ang Purefoods.

Babalik sina Kris at James on March 10.



After a week, posibleng bumalik ang mag-asawa sa Phuket o di kaya ay sa Hong Kong na paborito ni Joshua. Kung anuman ang mapagdesisyunan ni Kris pagbalik nila ni James sa Thailand, doon na magbabakasyon ang pamilya ni Kris sa Holy Week. Bakasyon daw kasi talaga para sa pamilya ni Kris ang buwan ng Marso.



This Friday, March 7, maku-confirm kung buntis nga o hindi si Kris. Kapag hindi raw siya dinatnan this Friday ng kanyang monthly period, 'tsaka lang makukumpirma kung may kasunod na nga si Baby James.



Ilang beses na raw nababanggit at napapag-usapan sa bahay ni Kris ang posibilidad na magkaroon ulit sila ng panibagong anak ni James. Sayang naman daw ang maraming kuwarto sa bahay kung konti lang sila sa pamilya.

Senyales daw ito na gusto rin talaga ni Kris na magbuntis ulit sa kabila ng hirap na pinagdaanan niya noong nagdadalang-tao siya kay Baby James.



Sa episode ng Boy & Kris kaninang umaga, March 4, habang ipinapakita ni Kris ang larawan nina Joshua at Baby James sa loob ng bagong isyu ng K! magazine, proud na proud ang TV host sa kanyang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Dapat gumawa pa ako ng maraming anak, Sayang ang lahi! Kaya lang bed rest ako nang pagkatagal-tagal. Pero kung ganyan naman ka-cute ang mga lalaki ko, what more kung more kung girl? Bakit hindi?" pahayag ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN