Yasmien Kurdi reveals her Top 10 wish list

IMAGE 0


"Sanamag-rate lahat ang shows ko, lalo na ang Babangon Ako't Dudurugin Kita dahil first time namin saprimetime ni JC [de Vera] at papalit kami sa Marimar.Nakaka-pressure nga," says young actress Yasmien Kurdi.



Enjoy na enjoy ang PEP (Philippine Entertainment Portal)habang kausap si Yasmien Kurdi sa taping ng BabangonAko't Dudurugin Kita na ginawa sa isang hospital sa Tanza, Cavite, noongBiyernes ng hapon, February 29. Lahat ng tanong ng PEP ay sinagot ng youngactress—mapa-career, personal life, at pati pagkakaroon niya ng crush kay RobinPadilla.

Sinabi rin ni Yasmien na gusto niyang ihanap ng love lifeang kanyang mga magulang na matagal nang hiwalay at parehong walang partnerngayon.

"Gusto ko kinikilig sila at masaya sila kahit iba angpartner. Kung mangyayari ‘yon, masaya na ako para sa kanila. Bata pa naman angparents ko, 46 years old lang ang dad ko at 45 years old naman ang mom ko,"lahad ni Yasmien.

Inamin din ni Yasmien na religion ang rason ng paghihiwalayng kanyang mga magulang. Muslim ang ama niya at Iglesia Ni Cristo naman angkanyang ina. Ang relihiyon ng ina ang sinunod nin Yasmien, pero tanggap dinniya ang pagiging Muslim ng ama.

Mahal ni Yasmien ang mga magulang kahit hiwalay na ang mga ito.Ang concern ng young actress sa health ng mga ito ang nasa Top 10 ng kanyangwishes.

Heto ang Top 10 wishes ni Yasmien:

  1. "Good health for my Mom."
  2. "Patuloy na magandang takbo ng career ko."
  3. "Sana makita ko si Angelina Jolie at ‘pag nangyari ‘yon, iha-hug at iki-kiss ko siya at sasabihan ko ng "I love you." Isa siyang malaking pangarap sa akin."
  4. "Sana maisama ko sa States si JC [de Vera] para makita siya nang personal ng fans namin at dream din niyang makarating ng States."
  5. "Wish ko rin ang magkaroon ng beach resort na kumpleto sa amenities. Dapat may breakwater na puwedeng mag-surfing at diving."
  6. "Good health also for my dad at sana, tumigil na siya sa pagyo-yosi."
  7. "Sana mag-rate lahat ang shows ko, lalo na ang Babangon Ako't Dudurugin Kita dahil first time namin sa primetime ni JC at papalit kami sa Marimar. Nakaka-pressure nga."
  8. "Sana malaman ko ang tama sa mali at ma-assure ang sarili kong pupunta ako sa heaven. Sana, makaharap ko si Lord sa dream ko para mag-sorry ako sa mga kasalanan ko."
  9. "Sana maging kasing-sexy ako nina Angelina Jolie at Jessica Alba na parehong may super hot body."
  10. "Sana meron akong asawa in the future na tulad ni Brad Pitt."

Samantala, nagkataon lang kaya na parehong back to schoolang drama nina Yasmien at JC? Kung natuloy, nag-exam ang young actor paramakapasok sa Open University ng University of the Philippines. Medyo ninenerbiyosna nga ang binata dahil three years na siyang hindi pumapasok sa eskuwela. Perogagawan daw niya ng paraan para makapagpatuloy sa pag-aaral.

Si Yasmien nama'y kukuha ng entrance exam, kundi sa Collegeof St. Benilde ay sa Ateneo para sa kursong International Studies. Kaya ito angnapili niyang kurso ay gusto niyang magtrabaho sa United Nations o saPhilippine Embassy.

"Para matulungan ko ang mga Pinoy na OFW na inaapi. Gusto konga superhero ako para marami akong matulungan," pagtatapos ni Yasmien.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN