Jolo Revilla will prove true love for Lovi Poe by all means possible

IMAGE 0


"I have learned my lessons the hard way. At huwagnamang dahil doon, pipigilan ko na ang sarili kong ma-in love uli. Hindi monaman matuturuan ang puso kung kailan ito titibok at kung kailan hindi,"Jolo Revilla metaphorically declares, as he defends his real intentions for LoviPoe.


Pinaninindigan ni Jolo Revilla ang panliligaw kay Lovi Poesa dahilang honest daw ang intentions niya.

Tinungo ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) ang taping ng Kaputol ng Isang Awit sa Zirkoh Greenhillskahapon para hingin ang kanyang side sa kung anu-anong intrigang may kinalamansa kanila ni Lovi.

HIS AIM IS TRUE. "Kaya nga very open ako sa panliligawkay Lovi," simula ni Jolo. "At ayokong itago pa kung anuman yung nararamdamanko sa kanya. Kasi, sincere naman ako. Kung hindi, e, di gumaya na lang din akosa iba na nagde-deny pa.

"Lalabas at lalabas din yung totoo, kaya hindi akonaniniwalang kailangang itago namin ni Lovi ang kung anumang namamagitan saaming dalawa," dugtong pa ng binatang ama.

Nangangahulugan lang daw na he has honest intentions kayLovi. At hindi nga raw ito ang tipong lolokohin pa niya.

"Alam ng mga tao na nagkamali na ako minsan, kaya ayokona ring maulit pa yun. Nag-uumpisa ako na ayusin kung anuman ang hindi magandapara sa iba, yung pagiging binatang ama ko sa murang edad.

"Huwag naman sanang husgahan na lang ako dahil doon.Hindi pagkakamali para sa akin ang pagkakaroon ng anak sa pagkabinata, kasi,pinaninindigan ko naman yun.

"I have learned my lessons the hard way. At huwagnamang dahil doon, pipigilan ko na ang sarili kong ma-in love uli. Hindi monaman matuturuan ang puso kung kailan ito titibok at kung kailan hindi,"matalinhagang pahayag pa ni Jolo.

WILLING TO WAIT. Aware si Jolo na marami ang kontrasa kanya para kay Lovi. Hindi niya maiaalis ang ganitong masamang impression sakanya.

"All I have to do is to prove them wrong," pahayagpa ni Jolo. "Gumagawa talaga ako ng paraan para mapatunayan sa mga taong'yan na hindi nila ako mapipigil, pero hindi naman ako nagmamadali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko lang ma-realize nila na hindi ko paglalaruansi Lovi, at seryoso ako sa kanya. Kung wala silang tiwala sa akin, nasa akin nayun para patunayan sa kanilang kaya kong maghintay, at nirerespeto ko itongfriendship namin ni Lovi," pagtatapat ni Jolo.

Ayon sa pursigidong manliligaw, patutunayan niya sa kahit anong posiblengparaan ang pagmamahal niya kay Lovi.

"Ayoko lang magdetalye. Marami akong pupuwedeng gawinpara mapatunayan sa kanya yun, pero ayokong maging very vocal, at baka ikalakipa ng ulo niya.

"Basta, alam na ni Lovi kung ano ang ibig kongsabihin," at saka natawa ang young actor.

UNFAZED. Harangan man daw ng sibat, walang makapipigilkay Jolo para patunayan kay Lovi ang marangal niyang intensyon dito.

"Kaya okey rin lang sa akin na magkaibigan muna kami atmagkakakilala pa kaming mabuti," sabi pa niya. "Hindi ako natatakotsa kahit na sino, kasi, wala naman akong ginagawang masama.

"Kanya-kanyang paniniwala 'yan, pero basta ako,patutunayan ko na mali ang inaakala nilang hindi ako seryoso kay Lovi atpaglalaro lang ito. Sabi ko nga, ayoko nang magkamali uli. At ayoko ringmagmadali," banggit pa ni Jolo.

NOT HIDING. May mga nagsasabing nababahala ang mommyni Lovi na si Rowena Moran sa mga inaasta ni Jolo.

"Wala po siyang dapat ikabahala dahil iingatan ko potalaga si Lovi," tila mensahe pa ni Jolo. "Mahal na mahal ko po siya,at alam kong 'pag nag-betray kami, baka ipaghiwalay kami. Ayokong mangyariyun."

Ikinukubli raw kasi nila ang totoong estado ng kanilangpag-iibigan na nabuking sa lie detector test sa "Don't Tell a Lie"segment ng Showbiz Central.

"Sinabi naman sa lie detector test na hindi kaminagsisinungaling, na hindi kami mag-on," ani Jolo.

"Hindi naman kasi talaga. Pero, hindi lahat nga ngsinasabi ng lie detector test ay 100% true.

"Hindi ko maubos maisip kung ano ang magiging dahilanpara itago namin kung talagang may relasyon na kami. Ano ang mapapala naminkung magtatago kami? Ayaw naming manloko ng mga tao, and people have the rightto know, kahit paano," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Basta, ang ipinapaalala lang talaga ng mga magulang niya(Bong Revilla at Lani Mercado) ay huwag magmadali.

"Sabi ko nga, ayoko nang magpadalus-dalos. Gusto kongmaging tama ang magiging hakbang ko, at isa na roon yung kailangang maghintayako ng tamang panahon para sa amin ni Lovi," tanging nasabi na lang niJolo bilang pagwawakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN